CHAPTER 21

4.8K 60 2
                                    


"I know na nasasaktan ka ngayon, but please consider Marko's condition." Mabilis kong nilingon ang pinanggalingan ng boses na iyon mula sa aking likuran.

Dinala ako ng aking mga paa rito sa garden ng ospital pagkagaling ko kanina sa kwarto ni Marko. Hindi ko namalayan na nasundan ako ni Luna at kitang kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala sa akin.

Mabilis kong pinunasan ang mga luhang kanina pa dumadaloy sa aking mga pisngi. Masyado na akong naging maramdamin. Siguro dahil na rin sa nagdadalang tao ako.

Muli ay sinulyapan ko si Luna na nakitabi na rin sa akin sa pag upo sa bench. Ginagap niya ang aking kanang kamay at iniharap niya ang sarili sa akin. Nakita ko pa ang malalim na buntong hininga niya bago muling nagsalita.

"Wala nang ginawa si Marko mula noong magkahiwalay kayo kung hindi ang hanapin ka. Ginawa niya ang lahat para makita kang muli Lucie."

Pakurap kurap ang mga mata ko sa pakikinig kay Luna. Hinahanap ko ang sinseridad sa mukha niya kung tunay nga ba ang lahat ng lumalabas sa kaniyang labi.

"From a tough and strong man, he became weak and pathetic when he lost you Lucie."

"I've never seen Marko so down stupid before, he was broken, kaya naman ginawa niya ring araw ang gabi sa paghahanap sa iyo."

Wala sa sariling naikagat ko ang pang ibabang labi upang pigilan ko na naman ang sarili sa pag-iyak. Nasasaktan akong malaman ang mga pinagdaanan ni Marko nang magkahiwalay kami ng landas.

Ramdam kong muli ang mahigpit na pagkakahawak ni Luna sa aking kamay.

"Please, Marko needs you now. You're the only person that he desire. Help him Lucie, I am begging you. Don't leave him now."

Nakita kong nagliwanag ang mata ni Luna nang makita niyang napatango ako sa kaniyang mga sinabi. Tila ba nabunutan siya ng tinik sa dibdib.

Sa mga tinuran ni Luna kanina lalo ko lamang napagtanto na mali ang aking ginawa. Mas lalo sanang inintindi ko ang kalagayan ni Marko. Mas pinahaba ko pa sana ang pang unawa ko sa nangyayari ngayon sa amin.

"I love him." Nahihiya kong turan.

Masayang niyakap ako nang mahigpit ni Luna.

"I know how much you love him." Luna happily whispers in my ear.

Mabilis akong kumawala sa kanyang pagkakayakap at nagtataka sa mga tinuran nito. Mukha namang naintindihan ni Luna ang tanong na nasa aking isipan.

"Remember when I accidentally went to your café? You confessed that you love the father of your child." Matamis ang ngiti niya sa akin.

Natawa ako nang mabini sa sinabi ni Luna, oo nga pala, nagkausap kami ng masinsinan noon.

'I also want to confess something to you." Nahihiyang turan ko.

I saw the questioning look on her face while waiting for my confession.

Nahihiya akong napatingin sa kanya.

"I thougth you and Marko ahm, I mean you guys are in a relationship." An apologetic face I made.

Ang lakas ng halakhak na namutawi sa bibig niya.

Hindi ko maiwasan ang mapangiwi, nakakahiya man pero nais ko lang naman na maging totoo sa kanya lalo't mukhang tanggap niya ako bilang kaibigan.

"Whoah! Kapag narinig ka ng mga gunggong sigurado hagalpakan din ang mga yun sa kakatawa." Naiiling na tumatawang sambit ni Luna.

That One Week of PleasureWhere stories live. Discover now