CHAPTER 25

4.9K 40 0
                                    

Marko fulfill his promise that he will always be by my side. Nagmumukha na talaga kaming mag-asawa na naninirahan sa iisang bubong. Madalas ay siya ang nauunang magising upang ipaghanda ako ng almusal. Masarap sa feeling yung may kaagapay ka sa araw-araw, yung pinangarap mo lang ng una na magkaanak pero labis labis pa ang buhos na blessing sa akin ng Maykapal. Binigay niya si Marko.

Sana ay hindi siya magbago. Sana ay tuloy tuloy ang pagsusumikap niya na maging isang mabuting ama sa anak namin.

Pagkatapos niya sa opisina ay diretso na siya ng uwi rito sa bahay, hindi pa siya umuuwi sa kaniyang mansyon. Mas athome daw siya sa piling ko, mas nakakatulog daw siya ng payapa at mahimbing kung ako ang kaniyang katabi.

Palagian rin ang pangungumusta niya sa akin kahit alam ko naman na tambak siya ng mga gawain sa opisina, nariyang bigla na lang akong tatawagan at itatanong kung ano ang gusto kong pasalubong buhat sa kaniya.

Pinagsisisihan daw niya ang hindi namin pagkikita ng mas maaga dahil hindi niya naranasan ang pahirapan ko siya sa paglilihi. Sinabi ko naman na hindi maselan ang aking pagbubuntis, wala rin naman akong maalalang pinaglihian kong pagkain.

Tulad na lang ngayon na narito kaming dalawa sa mini garden at nagmemeryenda ng bakemac and garlic bread na pinagsikapan kong i-bake kanina.

"Are you sure na hindi ka naglihi noon?" makulit pa niyang tanong habang humihigop ng kape na pinakapaborito niyang inumin.

"I am, hindi naman kasi ako naniniwala sa lihi-lihi na yan." Natatawa kong tugon habang nailing iling.

"Baka naman late ka lang maglihi?" pangungulit pa nito

I rolled my eyes. Ang kulit kasi!

"Bakit ba kasi namimilit ka diyan?" natatawa kong saad

"Yung asawa kasi ng kaibigan ko, grabe kung maglihi, pinapunta pa niya sa Davao para personal na bumili ng prutas na Marang, tapos nung minsan naman pinaghanap niya ng isang basket ng kambal na saging!" nakangisi niyang kwento.

"Ows? Grabe naman palang maglihi asawa niya. Kumusta naman yung kaibigan mong yun?" curious kong tanong.

"He looks like a stupid fool. I really can't blame him, mahal niya ang asawa kaya todo pamper sa misis." Nangingiting kwento ni Marko ngunit biglang nagbago ang itsura niya at dagling naging seryoso ang aura.

"Kapag ipinanganak ang bata at makita mong halos kahawig ko yung baby, please sweetie, don't think that the child is mine. Alam ko kasi pinaglihian din ako ni Zandy."

"Really? But why?" napapamaang na lang ako sa kwento ni Marko.

"Sweetie, masyado kasi akong gwapo. I can't blame her." Kibit balikat pa nitong saad.

"Hay naku, ang hangin naman! May bagyo ba?" naningkit pa ang mga mata ko habang nakatitig sa kanya.

"Ang ganda mo." He seriously whispered

"I know!" tumatawa kong tugon sabay hinawi ng medyo may kaartehan ang aking buhok.

"May bagyo nga!" ganting turan niya

"Marko!" sabay tampal sa kaniyang balikat! Tumatawa naman ang loko habang ginawang pangharang ang kaniyang braso sa mga hampas ko sa kaniya.

Ako lang din ang napagod, medyo nasasaktan rin ako dahil ang titigas ng mga muscles niya. Para akong nanununtok sa bato.

"Kidding aside, talagang mukhang isa ako sa pinaglilihian ni Zandy, pangit kasi asawa nun." Buska pa niya.

"Marko you're so conceited!" isumbong ko kaya siya sa kung sino mang kaibigan na tinutukoy niya.

That One Week of PleasureWhere stories live. Discover now