CHAPTER 27

4.8K 41 0
                                    

CHAPTER 27

"Oh Em Jiiihhhh!" kinikilig at tumitiling hiyaw ni Issa.

"Is it really true?" napapamaang naman sa gulat si Meda.

Kanina ko pa kinukwento sa kanila ang mabilisang proposal ni Marko sa akin, at kanina pa sila hindi makapaniwala.

"Kaya pala you're beaming with radiance!" natutuwang saad pa ni Issa

"Yeah, you're blooming pa kahit buntis ka eh fresh na fresh ang aura mo, talaga nga naman palang nakakaganda ang inlove huh!" dagdag pa ni Meda.

I sweetly smiled at them, I can see naman that they are happy on what is happening with my life right now.

"Patingin nga ulet." Saad ni Meda habang hinawakan ang aking kaliwang kamay kung saan nakasukbit sa palasingsingan ang diamond engagement ring na isinuot sa akin ni Marko.

"Ang laki naman neto, baka fake ito huh!" pambubuska pa niyang saad.

"Knowing Del Mundo, hindi marunong bumili ng fake yun, siya mismo mahihiya sa sarili niya kapag nagkataon." Pagtatanggol ni Issa.

"Aba! Nag-iba na yata ang ihip ng hangin, you're on his side na?" nakataas ang kilay ni Meda.

"I'm just stating facts, bruha!" irap niyang ganti kay Meda.

Hindi ko na pinansin ang mga pag-aasaran ng dalawa, mataman kong tinititigan ang singsing na siyang simbolo ng aming pagmamahalan, ang aming nalalapit na kasal.

Unknowingly but sometimes nahuhuli ko ang sarili ko na napapangiti mag-isa. Nagde-daydreaming, minsan pa nga ay natatawa ako at napapailing na lang. kaya nga palagi kong tinitignan ang nasa paligid baka kasi may makakita sa akin at masabihan akong baliw.

"Uy, excited na sya." Pangbubuska ni Meda.

"Teka muna, dapat isa ako sa mga bridesmaid mo, tapos tong c Meda ang maid of Honor, malay natin sa kasal mo dun niya makita ang kaniyang one true love." Nakangising buska ni Issa.

"Ako na naman ang nakita ng Malditang si Issa!" and I saw her roll her eyes.

"It's high time for you to have a jowa Meda the Matandang dalaga!" maluwang ang ngisi nito sa labi.

"Tama na nga kayo, help me na lang sa preparations ng kasal." Pagsusumamo ko upang matigil na ang pag-aasaran ng dalawa.

"Kelan ba?" muli ay napukaw ang atensyon ni Meda

"Gusto ni Marko next week." Natatawa kong saad.

"What!" malakas at sabay na sigaw ng dalawa!

"Next week? Abnormal talaga yang jowa mo Aera!" Issa rolling her eyes

"Sira nga ang tuktok!" pagsang-ayon pa ni Meda

"Gusto nga sana niya this week na, pero may nangyari kasing masama sa mga kaibigan nya kaya pinostpone niya at nextweek na lang daw." Naiiling kong saad

"I have to go, may gagawin pa pala ako." Nanunuyang wika ni Meda.

"Ako rin, may pasyente pala ako ngayon." Nakigaya pa tong si Issa.

"Grabe naman kayo sa akin." Natatawa kong buska, halata naman na nagbibiro lang ang mga kaibigan ko.

"Don't worry girls, hindi naman ako pumayag, ayoko namang malaki ang tiyan ko na maglalakad sa altar." Masarap din minsang pikunin tong dalawang to eh.

"Hindi bale, isang buwan na lang at manganganak ka na, madali na lang yun." Meda said

"Yup, ako na daw ang bahala sa lahat, kung anong gusto ko sa kasal, palagi naman niya akong sasamahan eh." Nakangiti kong saad.

"Aera, I don't want to ruin your happiness right now pero nasabi mo na ba yung plano mo dati kay Marko?" seryosong winika ni Issa.

Saglit akong napamaang, oo nga pala, may plano kami noon, or may plano ako noon.

"Do I need to tell him?" nasa mga mata ko ang pag-aalinlangan at pagsusumamo. Ngayon ay nakakaramdam ako ng takot. Bakit ba kasi ang saya saya na kanina ay biglang nagkaganito na?

"Kung ako ang tatanungin mo, I must tell him." Sagot ni Meda.

"Yeah, me too, kung ako ang nasa kalagayan mo, I will tell him everything para matapos na ang lahat at magsimula ng bagong chapter sa buhay ." Issa suggested

"Paano?" nakamaang kong tanong.

"Anong paano? Ikaw ang kailangang magsabi sa kaniya nun, ikaw lang din ang makakapag explain ng maayos." Nailing na turan ni Issa

"Paano ko sasabihin? Ganito ba? Ahm Marko huwag kang mabibigla pero anak lang kasi ang gusto ko sa iyo, na planado nang lahat ng ito mula sa umpisa!" napufrustrate kong dinedemo sa kanila.

Nakita kong natahimik ang dalawa kong kaibigan, kahit siguro sila ay nahihirapan sa bagay na ito.

"Sweetie." Mabilis akong napalingon sa aking likuran nang marinig ang baritonong boses na tumawag sa akin. Bigla ay nanginig ang buo kong kalamnan sa takot, takot na baka narinig niyang lahat ang mga pinag-uusapan namin ng aking mga kaibigan.

"Hey, mukha kayong nakakita ng multo." He is smiling from ear to ear. Lihim na nakahinga ako ng maluwag, Mabuti naman at wala siyang narinig.

Mabilis niya akong nilapitan at ginawaran ng malambing na halik sa labi.

"Nagulat lang ako na nandito ka. What are you doing here? Akala ko ba may dinner meeting ka with Alpha and your gang?" matamis ang ngiting aking isinukli, baka nga naman maramdaman niya ang panginginig ko.

"May biglaan silang lakad, you know I am not a soldier." Kibit balikat niyang saad.

"Tamang tama hindi pa kami nakakapag dinner." Tila nakabawi na rin sa kaniyang pagkabigla si Issa.

Nakita ko ang pagngisi ni Marko, saglit kong pinisil ang kaniyang braso, alam ko kasi na mang-aasar na naman siya, napakamot na lang siya ng ulo.

"Okay, lets go ladies, saan ninyo gustong kumain?''

"Kahit saan basta mahal." Nakangising turan naman ni Meda.

Hay naku! Kahit kailan talaga! Manggagantso ang dalawa kong kaibigan.

___________________

That One Week of PleasureWhere stories live. Discover now