"Buntis ka ba talaga? Bakit wala ka pang baby bump?" inip na tanong ni Meda sa akin habang sumisimsim ng milktea.
Nandirito na naman ang pasaway kong kaibigan sa Saccharine. Wala yatang trabaho ang lukaret.
"Sabi naman ni Issa kapag four months na ang baby ko, dun na daw visible ang paglaki ng tiyan ko. Bakit ba inip na inip ka diyan?"
"Wala lang. Excited ako eh. Mamili na kaya tayo sa mall ng gamit ni baby?" kausap na nito ang kaniyang sarili.
"Mas excited ka pa sa akin Meda." Natatawa kong sambit sa kaniya
"Kailangan muna natin malaman kung ano ang gender ng magiging anak ko bago tayo mamili ng mga gamit niya, ano ka ba?"
Napukaw ang tingin ko sa mag-asawang kadarating lang sa loob ng Saccharine, nakita ko kung paano alalayan nung lalaki ang kaniyang buntis na asawa. Hindi pa naman gaanong malaki ang tiyan nung babae pero halata na ang baby bump niya.
Masaya ang ngiti nung babae habang tuwang tuwa na nagkukwento ang asawa niya. Kita na nagmamahalan ang dalawang bagong dating. Kita ko rin ang masuyong tingin ng lalaki habang nahihirapan sa pagdedecide kung ano ang oorderin nang asawa niya. Nakapangalumbaba ang lalaki habang titig na titig sa asawa niya. Nakita ko pang napalabi ang babae nang masulyapan niya ang lalaki na pinagmamasdan lang siya. Bumunghalit pa ng baritonong tawa ang lalaki.
Mabilis kong iniwas ang aking mga mata sa kanila, kahit anong kubli ko sa aking nararamdaman ngayon, alam na alam ko na naiinggit ako sa kanila. Naiinggit ako dun sa babae. Kitang kita sa mga mata niya ang kaligayahan sa piling ng kaniyang asawa.
May maliit na sigaw sa dulo ng aking puso na nagsasabing, sana ako rin nasa ganoong kalagayan. Sana kasama ko rin ang tatay ng aking anak. Sana nandito siya sa aking tabi at inaalalayan ako.
Sana kasama ko siya sa journey ko sa pagbubuntis. May hihimas himas sa aking likuran sa tuwing gigising ako sa umaga at magbo-vomit. May mauutusan at maasar ako na papagurin sa kakahanap ng mga pagkaing aking napaglilihian.
Wala sa sariling nakagat ko ang pang ibaba kong labi. Namumuo ang mga luha ko sa aking mata.
"Hey, okay ka lang Aera?" mabilis akong hinawakan ni Meda sa kamay.
Hindi ko na namalayan na tumulo na ang aking mga luha, pasimple ko pang pinunasan ang mga ito sa likod ng palad ko.
Lumingon sa kaniyang likuran si Meda upang makita kung ano ang dahilan at bigla akong napaiyak. Nakita ko siyang umiling iling. Napabuntong hininga pa siya at tinitigan ako.
"Si Marko na naman ba?" seryoso nitang turan.
Bumalong nang mabilis ang mga luhang kanina ko pa pilit pinipigilan.
"Meda, miss na miss ko na sya." Humagulhol na ako
"Shhhh, nabuntis ka lang naging iyakin ka na." mabilis niya akong dinaluhan at hinimas himas ang likuran ko.
"Gustong gusto ko nang makita si Marko." Sinisinok kong sambit
"Gusto mo ba talaga? Pwede naman natin siyang puntahan."
"Ayoko" pabusangot kong saad, pinunasan ko ang luha sa aking mga pisngi at napairap kay Meda sa kaniyang tinuran.
"Aba, kanina lang nagdadrama ka, ngayon para ka nang nasa action movie na handang manuntok."
"Basta! Bwisit na Marko yan, pakunwari pang gusto niya akong makasama after namin sa isla, ngayong nagkahiwalay kami ni hindi na ako hinanap!"
YOU ARE READING
That One Week of Pleasure
General FictionShe needs to look for the perfect person for her perfect plan. Magpapabuntis siya sa lalaking makikita niyang tutugma sa mga qualifications na gusto niya. The hell she cares about her virginity.