Tama naman yung narinig ko. Hindi pa naman siguro ako nabibingi? Alpha ang pangalang ibinanggit ni Miss Cardone kanina na sinasabi niyang boyfriend niya. Ang layo naman ng pangalang Alpha sa Marko?
Wala sa sariling napahawak ako sa aking tiyan at nakakunot ang noo sa kakaisip sa mga salitang binigkas ni Miss Luna sa akin kanina.
Mabilis ako nagtipa sa keyboard ng aking computer at hinanap sa internet ang pangalang Luna Cardone at Alpha.
Ayon sa aking nakalap sa internet, Alpha Zeus Braganza is one of the most eligible, head turner and wealthiest man in our country. Kasama siya sa mga top richest bachelors in the world. He is the only heir to the Braganza's magnificent estates and Business Empire. He is a corporate leader and idealist and Alpha is also a self made billionaire, hindi ito umasa sa kayamanan ng pamilya kundi nagpursige na gumawa ng sarili nitong pangalan sa Business world.
Napakagwapo naman netong si Alpha. Ang malamlam nitong mga mata na kahit sino ay agad maaakit na tinernuhan pa ng makapal na kilat at pilikmata. Makukuha din ang atensyon ng bawat babae ang kaniyang namumula at medyo pouty na labi. Kitang kita ang linyahan ng panga nito na nagbibigay ng maawtoridad at seryosong pag-uugali. At kahit nakasuot pa siya ng three piece suit madaling malaman na sa ilalim ng suot nito ay nakakubli ang magandang pangangatawan.
Pero kahit gaano pa kagwapo ang isang Alpha Branganza walang wala siya sa aking si Marko.
Hala! Aking si Marko talaga?
Ayon sa napababalita ay matagal na diumanong may namamagitan kina Alpha at Luna. Madalas makita sa ibat ibang lugar na magkasama ang dalawa kaya naman malaking katanungan sa lahat ang biglaang balita na sina Marko at Luna ang magkarelasyon.
Hmmm, kaya ba pilit na hinahabol habol ng mga paparazzi si Miss Luna dahil sa issue na ito? Kung talagang ang boyfriend niya ay si Alpha, ano naman niya si Marko?
Lihim na umaasa ang aking dibdib na sana ay totoo nga ang sinabi ni Miss Luna sa akin kanina. Na ang taong pinakamamahal niya ay si Alpha.
Heto na naman ako. Nagkaroon lang ng konting kalinawan sa pagitan nina Miss Luna at Marko ay agad na namang umaasa ang puso ko.
Girl bakit hindi ka matutu-tuto? At naging masaya ka pa sa nalaman mo! What if may iba namang ka-fling si Marko?
Naiiling-iling kong muling hinarap ang aking computer at pinagpatuloy ang aming monthly report.
---------------------------------
"Here" marahang inabot sa akin ni Luna ang isang kapirasong papel na nakatupi. Nakakunot ang noo ko na kinuha ang bagay na yun sa kanyang kamay.
"Cos' questa Mia Regina?" What is this my Queen? I asked her
I saw her smirked and wink her left eye. Napabuntong hininga na lamang ako at saglit na binasa ang nakasulat sa kapirasong papel.
"What about this address?" naguguluhan na muli kong tinapunan ng tingin ang aming reyna.
"Sabi ni Oliveros, tablado na daw kayo. Wala na syang utang na loob sa iyo." Naiiling iling at mahinang natawa si Luna sa mga nabanggit nito.
"Naguguluhan pa rin ako Luna." Mahahalata na sa aking boses ang kawalan ng pasensya at pagkairita.
Sinuklian lang ako ng malakas na halakhak ng aming reyna. Kung hindi mo talaga siya kilala madali kang mapipikon kay Luna. Iba ang takbo ng utak niya. Kahit sa seryosong bagay nagagawa pa rin niyang makaramdam ng kabaligtaran sa dapat na maramdaman.
I wonder kung paano ko natagalan na makasama ng ilang buwan si Luna, and I also question the King and his knights on how they figure out on how to deal with our queen.
"Masarap yung mga desserts nila diyan." Her eyes sparkles with excitement.
Kahit kailan naman kapag pagkain ang pinag-uusapan palaging excited at masaya ang kausap ko. Ilang buwan ko ring kasa-kasama ang aming reyna. Nakita at napatunayan ko na wala siyang kaarte arte sa katawan. Ang lakas kumain, ni hindi man nahihiyang itago sa iba ang kanyang tunay na asal at ugali.
I eyed our queen once again bago ko inilipat ang aking mga mata sa nakasulat sa papel, tahimik kong kinabisa ang address na nakasulat roon. Knowing my queen, kahit anong pilit pa ang gawin ko kung para saan ang address na ibinigay niya sa akin, hindi siya magsasalita. Mapapagod lang ang aming reyna sa kakahalakhak at mapapagod lang din ako sa kunsumisyon at pagkapikon.
Ang layo ng ugali ni Lucie kay Luna. Si Lucie na madaling mabasa ang mga nasa isipan nito sa pamamagitan lang ng pagtitig ko sa kanyang mga mata. Si Lucie na nagpakilala sa akin ng mga bagay na ni sa hinagap ay gugustuhin ko noon na maramdaman.
Oh God, how I missed that woman so much.
I had been a jerk then, a stupid playboy who just want to fvck women and leave them crying. Takot na takot ako noon sa salitang "matinong Relasyon" "Commitment" and "Love". Pero tangina naman, mula ng makilala ko at makasama si Lucie, lahat ng mga salitang aking nabanggit ay gustong gusto ko nang makuha.
Gusto ko na ng matinong relasyon kasama si Lucie, na nakacommit na siya sa akin. Gusto kong maranasang mahalin niya ako, ako lang at wala ng iba pa. Kung diringgin man ng Maykapal ang aking panalangin, sana makita ko na si Luciel. I've been dreaming that Lucie would be my wife someday. A betterhalf of my life. My future, the person that will be by my side forever.
"Nasa Pilipinas ka pa Marko?" naulinigan kong tanong ni Luna. Tila pinuputol niya ang saglit kong pagkatulala.
Saglit akong sumulyap sa kanya at muli kong nakita ang nanunudyo niyang ngiti.
I sigh, kung ibang lalaki lang siguro ang kaharap ng aming reyna, baka mag walkout na yun. Hindi ko naman kailangang pakibagayan si Luna, siya rin ay halos ipagtabuyan ako tuwing kasama ko siya, pero may nag uudyok sa aking utak at kahit sa dulo ng aking dibdib alam ko na nais ko siyang protektahan.
Hindi dahil yun ang gusto ng aming hari na mangyari kung hindi dahil gusto ko rin. I am willing to be a knight for our queen. Mayroong kung ano si Luna kaya kahit gaano pa siya nakakapikon palagi, hindi ko siya bibitawan.
Siya rin lang ang tanging tao na tumutulong sa akin upang mahanap at makapiling kong muli si Lucie.
Saglit nitong iniliyad ang katawan at iniunat ang mga kamay sabay hikab. Bigla siyang tumayo at mukhang aalis na palayo sa akin. Naiiling iling ko siyang pinagmasdan, ni hindi man lang nakitaan ng hiya sa kilos nito. Pinagmasdan ko ang aming reyna na unti unting naglakad papunta sa kaniyang opisina. Hindi man lang nagpaalam na aalis na ito.
"Ahm Marko Antonio Del Mundo!" nakalingon na bumaling siyang muli sa akin, mabilis kong sinulyapan ang aming reyna na tila may nakalimutang sabihin.
"Don't forget to thank Oliveros." She commands na lalong ikinakunot ng aking noo at ikina arko ng aking mga kilay.
"Oliveros ha gia trovato la tua regina." Luna said with a big smile on her lips before she leaves me alone with my mouth open and shaken on what I heard.
Damn!
Mi Regina!
======================================================================
#it means "Oliveros already found your queen."
Grabe, natagalan ako sa pag update, sensya na. hirap paghati hatiin ang oras para sa trabaho, sa pamilya, sa aking cute na baby (Fur Parent po ako) at sa pagsusulat dito sa wattpad.
YOU ARE READING
That One Week of Pleasure
General FictionShe needs to look for the perfect person for her perfect plan. Magpapabuntis siya sa lalaking makikita niyang tutugma sa mga qualifications na gusto niya. The hell she cares about her virginity.