"Marko!!!!" nahihirapan kong hiyaw nang makaramdam ako ng paghilab ng tiyan.
Saglit lang sana ako na mag i-stay dito sa opisina upang tingnan ang mga reports at sales sa nakaraang buwan. Kahit ayaw na akong payagan ni Marko na magpunta at magtrabaho sa Sacharrine ay napilitan pa rin siyang pagbigyan ako, masyado kong inaalala ang negosyo ng aking mga magulang. Kahit alam ko naman na nasa mabuting kalagayan ito ay hindi ko naman basta-basta na lang iiwan.
Dahan dahan ang pagtayo ko mula sa swivel chair, mahigpit ang pagkakakuyapit ko sa mesa upang maging aking tungkod sa pagtayo.
Napapabuga ako ng hangin dahil sa hapding humihilab mula sa aking tiyan.
My God! Nasaan ba si Marko? Ang sabi nito ay sasaglit lang para kumuha ng maiinom.
Nakarinig ako ng mga basong nagsibagsakan sa sahig, mukha namang hindi nabasag ang mga iyon, nag angat ako ng ulo at nakita kong nasa may pintuan si Marko na tila natulala o nasha-shock sa kaniyang nakikita.
"Anong ginagawa mo?" napapantiskuhang sita ko sa kanya. Habang napapangiwi sa sakit na nararamdaman.
Kita ko ang pamumula ng kaniyang mukha hanggang sa leeg. Umakyat yata lahat ng dugo niya sa katawan papuntang ulo.
Mukhang nahimasmasan ang magaling na lalaki at mabilis ngunit tila tuliro at ako'y kanyang nilapitan.
"Ahmm sweetie, ahhh ano ba ang gagawin ko?" kinakabahan pang saad niya.
Ay jusko! Mauuna pa yatang mahihimatay ang taong ito kaysa sa akin.
"Marko!!!!" muli kong sigaw ng mas nadoble pa ang hilab ng aking tiyan. Sa kanya na ako nanguyapit dahil nanghihina na ang aking pakiramdam sa sakit na lumulusob sa aking katawan.
"Sweetie, its okay" kunway pag-aalo nito sa akin pero alam na alam ko na hindi rin nito alam ang gagawin.
"Uy manganganak kana?" Meda calmly notice. Mabuti naman at napasyal ang babaeng to.
"Damn it, help us Meda!" Masungit na sita ni Marko. I saw how Meda rolled her eyes.
"Ano pa ba kasi ang ginagawa mo Mr. Del Mundo? Buhatin mo na si Aera, Goodness!" pamalditang bulyaw pa nito kay Marko.
"Ako na ang magdadrive baka lahat tayo maconfine sa ospital." Its Meda the maldita.
"Aaahhhhhh! Ang sakit na!" halos lumitaw na ang lahat ng ugat sa aking leeg.
Mabibilis ang mga kilos ng dalawa sa pag-alalay sa akin. Maliksing binuhat ako ni Marko at nagmamadaling tinungo ang kaniyang sasakyan. Halos para akong walang bigat na naipasok ni Marko sa likuran ng driver's seat.
Nagmamadali rin ang kilos ni Meda at paharurot na pinatakbo ang sasakyan ni Marko.
"Hold on sweetie!" Nanginginig ang boses ni Marko. Madudurog ko na ang kaniyang kamay at braso dahil roon ako nanguyapit at kumukuha ng lakas.
"Meda hurry please! Kinakabahan na si Marko.
"Tangna! Ano pa ba sa palagay mo ang ginagawa ko?" masungit na birada ni Meda
Nakita kong may pinindot c Meda sa loob ng sasakyan ni Marko nang biglang may boses akong narinig.
"Ano bang kailangan mong hudyo ka?" asar na bungad ni Issa. Inakala niyang si Marko ang tumatawag.
"Ako to." Sabat ni Meda "Papunta na kami sa hospital. Manganganak na si Aera!" mas mukhang diniinan pa ni Meda ang accelerator ng sasakyan upang lalo pang bumilis ang takbo.
YOU ARE READING
That One Week of Pleasure
General FictionShe needs to look for the perfect person for her perfect plan. Magpapabuntis siya sa lalaking makikita niyang tutugma sa mga qualifications na gusto niya. The hell she cares about her virginity.