"So, how's the annulment process been doing?" seryosong tanong ni Meda kay Issa habang sumisimsim ng milktea. Nandito sa Saccharine ang dalawa kong kaibigan na wala man lang pasabing darating.
"Well, bahala na si Attorney Mara sa pagkalap ng mga kakailanganin pang ebidensya laban sa ex husband ko. Palilitawin niya na psychologically incapacitated ang pag uugali ni ex." Issa rolling her eyes while explaining that to us.
"Talagang decided ka na? wala sa sariling natanong ko sa kanya.
"Oh yeah!" She exasperatedly replied.
"Don't you love your husband?" Meda seriously eyeing on Issa.
Nakita namin na bahagyang natigilan si Issa, sumubo muna siya ng forest cake bago ibinalik ang sulyap sa aming dalawa ni Meda.
"Bakit biglang ako ang nasa hot seat?" she asked.
"We just want to know." I answered
"Stop asking stupid questions." Pasupladang irap niya sa amin. I saw Meda smirked na tila sa sinabi ni Issa ay nakuha na niya ang sagot sa kaniyang tanong.
"Excuse me po ate, may padala sa inyo si Miss Cardone." Magalang na saad ni Lisa habang hawak ang isang basket ng mga prutas at isang boquet ng yellow roses.
"What's with you and Miss Cardone?" nanlalaki ang mga bibiluging mga mata ni Issa.
"Kilala ka ng rey—I mean ni Miss Luna?" namamanghang saad naman ni Meda.
I look at my friends bago ko inabot kay Lisa ang boquet ng bulaklak, inilapag naman niya sa lamesa ang basket na puno ng ibat-ibang klase ng prutas. May nakasabit na maliit na card roon, mabilis na hinablot ni Meda yung card at binuklat upang basahin ang nakasulat.
"I am hoping that your heart's desire will be granted soon. Thank you Lucie. " Medyo malakas ang pagkakabasa ni Meda.
"Talaga lang Aera? Friend mo na ngayon si Luna?" natatawang pakli ni Issa
"Kailan mo pa ipinakilala ang sarili mo bilang Lucillia slash Lucie?" napapamaang tanong naman ni Meda.
Wala akong natatandaan na sinabi ko kay Luna na ang name ko ay Lucie, that's odd. At alam na alam nina Meda na ayaw ko ang second name ko kasi pang matanda ang dating. Kay Marko ko lang ipinakilala ang sarili ko bilang Lucillia.
"Baka naman ni-research nya ang name mo at inakalang Lucie ang palayaw mo." Wala sa sariling sagot ni Issa sa tanong ni Meda.
"Pero of all people bakit parang close kayo ngayon?" dagdag pa niyang tanong.
Knowing these two hindi nila ako tatantanan sa kakatanong kung ano nga ba ang naging dahilan at naging magkakilala kami ni Luna. Kaya naman wala na akong nagawa pa kung hindi ang ikwento sa kanila ang nangyari noong isang araw nang magkaharap kami ni Luna sa loob ng aking opisina.
Seryoso lang na nakikinig si Meda at si Issa naman ay pailing iling na medyo natatawa pa na hindi makapaniwala na nangyari nga ang ganoong bagay sa pagitan namin ni Luna.
"Wow." Tamad na sabi ni Issa pero ang mga mata ay nakatuon sa akin na tila pinag aaralan kung ano ang nararamdaman ko ngayon.
Iniwasan ko ang tingin ni Issa sa akin at bahagya kong sinulyapan si Meda. Nagkibit balikat lamang ang kaibigan ko, ni wala man lang akong nakitang reaksyon na tulad ng kay Issa.
"So, what now?" tila naiinip na tanong ni Issa.
"What do you mean what now?"
"Sana sinabi mo na sa kanya na yang pinagbubuntis mo, ang ama niyan ay si Marko." Napipikang baling niya sa akin.
YOU ARE READING
That One Week of Pleasure
Художественная прозаShe needs to look for the perfect person for her perfect plan. Magpapabuntis siya sa lalaking makikita niyang tutugma sa mga qualifications na gusto niya. The hell she cares about her virginity.