CHAPTER 6

7.3K 59 0
                                    

Heto na! hindi ba ito talaga ang pangarap ko? Why suddenly aatras kana gaga! Aissst! Kainis, nakakabahag ng buntot! Sobrang nahihintakutan na ako.

After marinig ko kay Marko ang mga salitang namutawi sa kaniyang bibig, agad akong napatakbo sa kwarto, hindi ko alam kung ano ba dapat ang reaction ko sa harap niya. Natakot kasi ako bigla. Asar!

Sino naman ba kasi ang virgin dyan na hindi matatakot sa sinabi niya? Imagine magiging bed warmer niya ako for a week! A bed partner. Mukha yatang pinag-isipan nito ang lahat kaya isinama niya ako sa pesteng isla na to!

Oo nga't nung una, ako itong matapang na ipapalapa ang sarili sa kanya pero kapag pala totoo na, nasa harap mo na, one hundred percent talaga yung tapang mo mawawala, mapapalitan ng kaba at takot!

"Let's have lunch." Nabigla akong naulinigan sa may likuran.

"Paano ka nakapasok?" mabilis kong lingon dito.

"Keys." Tamad nitong sagot.

"Look, I won't force you if you don't want. I never oblige a woman to be by my bed."

Napairap ako sa sinabi nito.

"Women come and make out with me willingly and end up in bed wildly." Nakangisi pa ang ulol!

Mabilis akong tumayo at nauna nang lumabas ng kwarto. Agad kong tinungo ang kusina at naupo.

Siya na naman ba ang nagluto? Chicken barbeque kasi ang ulam na nakalapag sa lamesa. I am just amazed, the fact that a man like him can cook is quite impressive.

Mabilis din itong umupo at agad akong pinagsandok ng kanin at ulam.

"Eat. Walang lason yan. " He command

Marahan kong isinubo ang kutsarang may laman ng kanin at ulam, wow! Masarap! Ang galing naman, he can really cook. Bigla akong napasulyap sa kaniya, muntik na akong mabulunan ng makita kong titig na titig siya sa akin.

"Masarap." Yun lang ang nabigkas ko habang ngumunguya. Nakita kong napangiti ito at nagsimula na ring kumain.

Tahimik naming pinagsaluhan ang pagkaing kaniyang hinanda.

"I am a businessman, I own a company that supplies automobiles parts and accessories. I am also into hotel and restaurant business." Panimula nitong kwento. Salamat naman at nagsalita na siya, kanina pa ako nakoconcious.

"How bout you?"

"May small business ako, a snack bar." Panabay kong tugon, nakita kong tatango tango lang ito.

"Only child, my parents are in Sicily right now."

"Ah, only child din but both of my parents are gone." Nangislap agad ang aking mga mata. Namumuo na naman ang mga luha.

"I'm sorry." Mabilis nitong sambit, pinagkibit balikat ko na lamang iyon at pasimpleng ikinusot ang kamay sa mga mata ko.

"Yung sinabi ko kanina, I am not joking."

Mabuti na lang at hindi ako nabulunan sa sinabi nito. Mabilis kong kinuha ang baso na may lamang tubig at agad na ininom ang laman.

"Ano bang pinagsasasabi mo? Nasisiraan ka na!" angil ko sa kausap.

"Nope, I think I like you. I insist to have you!"

"Can we change the topic, it makes me really uncomfortable!"

"I'll make you moan, I promise." Patuloy pa nitong sambit.

"I'll make you wet." Ano ba siya!? Kanina pa niya ako sineseduce.

That One Week of PleasureWhere stories live. Discover now