"What happened to him Pascual?" Asked Luna to Marco's Doctor.
Nagulat kaming lahat sa mga salitang lumabas sa kaniyang bibig kanina. Hindi niya ako makilala o matandaan. Anong nangyari kay Marko?
Akala ko ba ako lang ang tanging tao na kaniyang hinahanap hanap sa ilang buwan na hindi namin pagkikita. Bakit sa pagkakataong ito ay hindi niya ako makilala?
"What do you mean what happen to me Luna?" Asked Marko na lalo naming ikinabigla.
"Nakikilala mo ako Del Mundo?" Nagtatakang tanong ni Luna.
"What the hell!" Inis pang turan ni Marko habang tila nagtataka at may benda ang kaniyang ulo.
"Ano yun? Bakit si Luna nakikilala mo?" Takang tanong ni Kaide.
"Isa ka pa Andrade!" Napipikong turan muli ni Marko.
"KIlala mo kaming lahat?" Nakangangang tanong ni Mr. Oliveros.
Nakita namin na inis siyang napa buntong hininga at tumango tango bago muling bumaling ang sulyap sa akin.
"Hindi ko siya kilala." malamig ang boses na nakatingin siya sa akin at tila nababagot sa nangyayari sa kanyang paligid.
Nasasaktan ako sa nangyayari. Gusto ko nang maluha dahil ang pinakatatangi kong tao dito sa mundo ay hindi man lang ako maalala.
Bakit Marko? Bakit sa lahat pa ng mga tao, ako pa ang kinalimutan mo nang husto.
Naramdaman ko ang paglapit at paghawak ni Luna sa aking makabilang balikat. Nakita na niya na may mga tumulong luha sa aking mga mata. Dali dali kong pinunasan ang mga luha sa aking pisngi. Hindi ko namalayan na naiyak na pala ako sa tindi nang sama ng loob kay Marko.
Nakamaang na tila namamangha si Marko na hanggang ngayon ay nakatitig sa akin, halatang pinag aaralang mabuti lahat nang aking kinikilos.
Maaaring nagtataka siya at nalilito sa mga nakikita niya.
"Explain this Pascual." Ang seryosong utos ni Alpha sa doctor ni Marko.
Lahat ng mga mata ay dumako kay Dr. Pascual. Siya rin ang asawa ni Issa.
"I think he have what we call Selective Amnesia." Nakatitig lang ang doctor kay Marko
"Del Mundo here suffers from loosing some certain parts of his memory." Dr. Pascual continued.
"What do you mean?'' its Monti
"It affect the brain and it interfere his memory. Damage to the brain structures that form the limbic system, such as the hippocampus and thalamus can lead to amnesia."
"In short, his brain has the tendency to remember only what he wants to remember." Sabay sulyap ng mabilis sa akin ni Dr. Pascual.
Hindi ba ako gustong maalala ni Marko? Isa ba ako sa nais na niyang mabura sa kaniyang buhay? Ganun na lang ba ang kagustuhan niyang mawala ako na naging parte na ng kaniyang nakaraan?
Ramdam ko ang paggagap sa aking kamay ni Luna. Pinisil pisil niya ang aking palad na tila alam niya ang tumatakbo sa aking isipan. Nakita ko pang umiling iling siya na nais sabihin na mali ang mga bagay na tumatakbo sa aking utak.
"Dahil ba ito sa pagkakabagok ng ulo niya sa aksidente?" nagulat ako sa tanong ni Nero
"Yes, and also what we call an overwhelming stress of a person." Malumanay ang pag explain ng doctor sa lahat ng tao sa loob ng silid.
"Babalik ba siya sa dati?" Luna asked
"Yes, especially if it's a Retrograde amnesia, he will partially regain his memory."
'Ahh" sabay-sabay na turan nila.
''Tapos na kayo?" ang naiinip na si Marko na may matalim na tingin sa lahat ng tao sa kaniyang paligid.
"You need to take a rest Del Mundo."
"Rest your as$ Pascual". Ganting bawi ni Marko sa doctor.
"Magpahinga ka na muna Marko. Malakas ang pagkakasalpok ng ulo mo sa batong kinabagsakan mo kagabi." Tamad na tinitigan ni Marko si Luna na tila nag uutos sa kaniya.
"Bakit ako naaksidente?" pagalit na tanong nito.
"Dahil sa katangahan mo, para kang nakikipagkarerahan sa daan." Nakangising turan ni Monti.
Hindi na lamang nito pinansin ang pang aasar ni Monti sa kaniya at muling bumaling ang sulyap nito sa akin at kay Luna.
"Sino ba siya?" direktang tanong ni Marko kay Luna habang bahagyang nakasulyap sa akin na tila pinipilit ang sarili na kilalanin ako.
"Sya ang dahilan kung bakit na-diagnose kita na may Retrograde Amnesia." Muling sabi ni Dr. Pascual
"Hindi mo ba talaga siya makilala?" seryoso ang baritong boses ni Alpha.
Umiling iling lang si Marko, ipinilig pa niya ang ulo at tila pinapagpag pagpag na sa wari sa ganoong paraan ay maalala niya ako.
"Hindi mo ba matandaan si Lucie? Siya lang naman ang pinaka importanteng babae sa buhay mo." Naiiritang turan ni Luna kay Marko.
Naguguluhan naman na muli akong tinitigan ni Marko. Nakita ko sa kaniyang mga mata na tila hindi makapaniwala sa kaniyang narinig.
Muli pang sumulyap si Marko kay Luna, hinahanap nito sa mukha ni Luna kung nagbibiro lamang ito sa kaninang turan.
"Del Mundo, stop being an as$hole!" Luna exasperatedly groan.
"Can't you see? I am trying my best to remember her!" Marko replied with annoyance in his eyes.
Lalo lang akong naiiyak sa mga nakikita ko.
Lalo lang akong naninibugho sa pagbabago ni Marko. Wala na yung dating magiliw at malambing na Marko.
Ibang Marko na ang nakikita ko sa aking harapan.
Ibang Marko na ang tumititig sa akin ngayon. Hindi na siya dati na may lamlam at init ang mga mata tuwing ako ay kanyang pagmamasdan.
"Dude, buntis si Ms. Lucie" naiiritang tugon ni Nero
I saw Marko with a questioning look.
"So what if she's pregnant?'' The I don't care look in his eyes is like a bomb that explode right in front of me.
Hindi ko na nakayanan ang mga salitang narinig ko mula sa labi ni Marko.
Napahagulhol na ako sa iyak. Masakit pala na tahasan at harap harapan kang itatwa ng lalaking mahal mo.
Naramdaman ko ang mabining paghaplos ni Luna sa aking likuran na pinapatahan ako sa aking pag iyak.
Kahit na may sakit si Marko at maayos na ipinaliwanag ni Dr. Pascual ang lahat, masakit na masakit pa rin ang pangyayaring ito.
Tila may nakabara sa aking lalamunan at nais ko na talagang umatungal sa pag iyak. Sana naririto sa aking tabi sina Meda at Issa upang damayan ako. Hindi ko na kaya ang mabigat na bagay na nakadagan sa aking dibdib.
"Siraulo ka, anak ninyo ni Ms. Lucie ang pinagbubuntis niya." Galit na pukaw ni Kaide kay Marko.
Mabilis na napabaling ng tingin si Marko sa aking tiyan. Hindi nito mapaniwalaan na kaniya nga ang sanggol na nasa aking sinapupunan.
Lalong hindi ko na kinaya ang bagay na iyon.
"Itatwa mo na ako Marko pero huwag na huwag ang anak ko, ang anak natin!" naluluha kong sambit sabay na patakbong lumabas sa silid na iyon!
===========================================================
Hope you guys like my update. See you until next UD.
YOU ARE READING
That One Week of Pleasure
Ficción GeneralShe needs to look for the perfect person for her perfect plan. Magpapabuntis siya sa lalaking makikita niyang tutugma sa mga qualifications na gusto niya. The hell she cares about her virginity.