"Hayan, Mom, dad, ang ganda ng mga bulaklak oh." Habang inaayos ko ang pagkakalagay nito sa isang magandang vase.
"I just had a boring day, nakakapagod din ang nakayuko sa harap ng computer at ginagawa ang weekly report ng "Saccharine".
"Medyo tumaas po ang sales natin ngayong month,kilalang-kilala na ang Saccharine ng mga millennials na nag-aaral sa university. They love your cheese cakes and fruit cakes Mom." "nagdagdag din pala ako ng another flavor of milk tea sa mga beverages natin."
"By the way dad, ayaw na naman umandar ni Tagpi, kainis! Kailangan ko pang dalhin yun sa talyer bukas." Tagpi is my dad's year 2000 model pickup. Matanda na kasi kaya madalas nang nasisira. Ayoko naman idispatya si Tagpi at ibenta, mahal na mahal ito noon ng aking mga magulang. May sentimental value ito sa akin.
"I miss you both so much!" napahagulhol kong sambit. One and half year nang patay ang mga magulang ko. It was a car accident at dead on arrival na silang nang dalhin sa hospital.
That time, I am attending a seminar in Tagaytay when I heard about the horrible accident, someone called me.
My world turns upside down. Ang hirap! Sobrang hirap! Yung dalawang pinaka importanteng tao sa buhay ko ay agad kinuha sa akin ng Maykapal. I was left alone. I don't have siblings. Ang mga kamag anak ko ay halos nag migrate na sa Canada.
I am a loner then. I only got few friends. I only got Andromeda and Mhelissa, my bff.
Not all the time, kasama ko sina Meda at Issa, they have their own life. But still nagpapasalamat ako sa kanila dahil isa sila sa mga nagbigay ng lakas sa akin para mag move on at tanggapin ang nangyari sa aking pamilya. They never left me. They became my shield against depression and heart breaking sadness.
I also have Saccharine, my parents business. It's just a small resto but has an instagramable ambiance that caters sweet foods and beverages. Different kinds of cakes, pastries, and kakanin.
After I graduated Hotel and Restaurant Management, unti unti na akong sinanay ng aking mga magulang sa paghawak ng aming business hanggang nga sa iturn over na nila sa akin ang Saccharine. Malugod kong niyakap ang responsibilidad na hawakan ang business namin so that my parents would enjoy their life at hindi na nai-stress.
My life then is so simple and yet we are happy. I am contented of what we have as long as nariyan sa aking tabi ang aking mga magulang and of course my friends.
Never or hindi ko talaga pinaghandaan ang time na mawawala ang aking mga magulang.
Every night at our house is like torture. Ang tahimik, ang lungkot.
Nakakatakot ang mag isa, nakakatakot ang walang masandalan sa oras na nangangailangan ka ng tulong. Nakakatakot ang kalungkutang unti-unting namamahay sa aking puso.
I know I'd overcome my depression. Hindi ko naman naiisip na magpakamatay dahil malakas pa rin naman ang pananalig ko sa Maykapal. Natatakot lang ako sa kalungkutang bumabalot ngayon sa aking pagkatao. Hindi na ito muling nawala sa akin. may hinahanap ako na maaaring maging kasagutan upang masilayan ko muli ang aking sarili na masaya.
Parang may kulang sa buhay ko. May mga instances na napapaisip ako kung ano nga ba ang kailangan ko upang mamuhay ng gaya ng dati. Nakakabagot ang buhay na meron ako ngayon.
Trabaho-bahay, bahay-trabaho, yan ang palaging routine ko sa araw-araw na dumaraan. Minsan magyayaya si Meda na kumain sa labas pero bibihira lang iyon lalo't busy rin ito sa kanyang trabaho.
"I have to go mom, dad. Magkikita pa kami ni Meda . kakain daw kami sa labas." Pinagpag ko ang aking suot na pantalon habang papatayo sa pagkakaupo mula sa may damuhan. Narito kasi ako ngayon sa sementeryo kung saan nakahimlay ang aking mga magulang.
YOU ARE READING
That One Week of Pleasure
Narrativa generaleShe needs to look for the perfect person for her perfect plan. Magpapabuntis siya sa lalaking makikita niyang tutugma sa mga qualifications na gusto niya. The hell she cares about her virginity.