Chapter 4

76 4 0
                                    

Chapter 4

"Pag-iisipan ko po."

"Wag mo nang pag-isipan, alam ko namang fit ka sa position, e."

"Pero Ate Val..."

"Sige na, Bjorn?"

I was seriously making pigil sa sarili ko na matawa kasi Bjorn's really pressured na sa pag-pilit sa kanya ni Valerie. Pinost na kanina sa bulletin na next week na daw 'yung submission ng certificate of candidacy so we can make buo na the partylist.

"Pwede po bang sa ibang position nalang?"

"Bakit ba ayaw mo ng Treasurer?"

"E, kasi po..." Bjorn looked hesitant. "Basta. Ibang position nalang po, please?"

Ang cute! Mukhang inosente talaga!

When Val learned kasi kay Nate na naging club president si Bjorn last year, kinausap na agad namin siya. Syempre, dun kami sa experienced na!

"Hay, nako. Sige na nga! Ano bang gusto mo takbuhin?" Val asked.

Super hands-on kasi ni Val dito sa elections kahit 'di siya natuloy mag-president. Di pwedeng any-any nalang kaya sinasala talaga niya.

"Kayo na po bahala..."

"Nakakaloka ka, beh! Ako na bahala tapos ayaw mo naman nung inaalok ko sayo?" Val replied. Natawa tuloy ako. "PIO, bet mo?"

Bjorn took time to think saglit bago tumango. "Yes, master."

"Oh ayan na, guys! We just earned ourselves the next SSG Public Information Officer!"

Val told him lang about the requirements na need niyang ipasa for us to compile so pag nag-submit kami ay organized na lahat.

"Sa executive, tatlo pang positions," Nate said, checking the list. "Treasurer, auditor and PO. Any recommendations? Preferably, 'yung may experience and may substance."

"Let's try kaya sa juniors?" I suggested. "Sa advisory ni Sir Kean?"

"Ay sige, be. Bet ko 'yarn," sabi ni Val.

When break time arrived, sabay kaming tatlong bumaba sa third floor at dumiretso sa class ng adviser namin last year. Sakto kasi siya pala 'yung teacher at the moment.

"Hi, sir!" I greeted after knocking sa bukas na pinto. Malakas ako kay Sir Kean kasi naka-abot kaya kami ng regional level sa 2048 last year! That was so fun kaya.

"Oh, Debbie. Anong mapagli-lingkod ko sa inyo?"

"Busy po kayo? Crowdsourcing po sana kami sa class niyo for the SSG partylist na binubuo namin," I replied.

He nodded. "Sige, pero sasagutin muna ni Alonzo 'yan," sabi ni sir then he pointed at the Math problem sa board. Quiz yata nila.

"Grabe, sir!" Val said kaya natawa kami.

"Biro lang," sabi ni sir. "Talaga, tatakbo ka rin, 'nak?"

"Ah, yes, sir," I said, chuckling. "Trying new things, you know?"

"Maganda 'yan, 'nak. Bukod sa beauty and brains, ginagamit mo rin 'yung influence mo for the good. Magaling 'yung daddy mo, sure ako kaya mo 'yan."

"Salamat, sir," I nervously said. So nakaka-flatter naman!

"Oh, sige na, 'nak," he said then faced the class. "Pasalamat kayo sa mga ate at kuya niyo, ha! Next meeting na 'yung quiz."

Nag-cheer naman 'yung buong class. When Sir Kean left na, pumasok na kami sa classroom. I told Nate to speed up lang onti kasi our break time's about to end tapos sila naman 'yung next.

Becoming The Man (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon