Epilogue (Part 1)

65 1 1
                                    

Epilogue (Part 1 of 2)

"The word is Rendezvous. Spell rendezvous."

R-a-n-d-i-v-o-o.

Nak ng! Sino bang naka-isip ng salitang 'yan at ang hirap i-spell? Mas may sense pa 'yung sakin.

"Pwe! Luto!" sigaw ko sabay bagsak ng illustration board at chalk. Nasaway pa ako ni Mrs. San Juan. Pa'no ba naman kasi, dinayo pa namin 'tong school tapos uuwi lang pala kaming luhaan! Sana nag-perya nalang ako! "Aanhin ko 'yang medal? Nakakain ba 'yan? Tsk!"

Sumakay na ako sa jeep na nirentahan ni Mrs. San Juan. Marami rin kaming naki-contest dahil nga English Month. Di naman ako boplaks. Natalo ko nga 'yung taga-section A sa school-level, e. Minalas lang talaga sa District!

Naka-busangot lang ako sa jeep habang involuntary na nakikinig kay Julian mag-yabang. E ano naman kung nanalo ka ng Extemporaneous? Pag ako talaga napunta sa section A, 'kala mo ah... Na-late lang ako ng enroll pero dapat dun din ako! Tss.

"Babye po, Mrs. San Juan," paalam ko nang makarating na kami sa amin. Tapos bumaba na ako ng jeep at 'di ko na sila inantay na maka-alis bago pumasok ng bahay.

Papasok palang ako pero nakaka-amoy na ako ng usok ng sigarilyo. Hindi naman nagbi-bisyo si Papa bukod sa tuba kaya alam ko na agad kung kanino iyon.

Nakita ko si Papa at si Don Manuel na seryosong naka-upo sa may sala. Kumunot ang noo ko.

"Mano po, Uncle," sabi ko sabay mano kay Don. Hinubad ko iyong bag at ID ko at sinabit iyon sa likod ng pinto. Napansin kong naka-sunod sila ng tingin sa akin. "Bakit po?" tanong ko. Anong meron?

"Maupo ka muna, anak," sabi ni Papa.

Tumango ako at umupo sa tabi niya, katapat ni Don Manuel. Mag-pinsan sila ni Papa pero mayaman 'yan. Sa kanilang bukid kami nakiki-saka ngayon.

"Tatapatin na kita, anak," bungad ni Papa. Lalong kumunot ang noo ko. "Hindi ka na namin kayang pag-aralin ng nanay mo sa kolehiyo. Binilang na namin ang ipon namin... hindi nga yata aabot sa sunod na linggo..."

Napa-tungo ako.

Alam nina Mama at Papa kung gaano ko gustong mag-college. Pero alam ko rin naman ang sitwasyon namin. Mas praktikal nga namang mag-trabaho para may mapang-kain. Kung gusto ko pa rin, pwede ko namang tuparin 'yung pangarap na iyon balang araw.

Hindi naman ako nagmamadali, pero alam mo 'yon... sayang?

Maiiwanan ako nung mga ka-schoolmate ko. Baka mamatay ako sa inggit pag nakita ko 'yung mga section A na maganda na ang buhay tapos ako nandito pa rin sa probinsiya.

Hay! Ano ba 'tong naiisip ko?!

"Pero pumayag si Don Manuel na tulungan ka, Bailey," sabi ni Papa kaya agad na napa-taas ang tingin ko.

Tumingin ako kay Don Manuel na naka-de kwatro ng upo at binaba ang tobacco pipe niya. Bago na naman. Ibang-iba rin 'yung postura niya. Para siyang na-stuck sa 80s pero alam mong mayaman talaga.

"Talaga po?" di makapaniwala kong tanong.

Tumango siya. "Susuportahan ko na ang kolehiyo mo, hijo... Sa isang kondisyon, magta-trabaho ka na rin sa sakahan. Pero sa sandaling may ibagsak kang klase, ihihinto ko na ang pag-suporta sayo."

"Nako, hindi magiging problema 'yan dito kay Bailey, Don Manuel," sabi ni Papa habang minamasahe ako sa balikat. "Matalino 'to! Kapapanalo nga lang nito sa spelling bee, diba anak?"

Becoming The Man (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon