AURELIA HEREDIA
Pakiramdam ko ay mamatay kami.
"Mag-ingat ka sa pagmamaneho..." Sa wakas ay nilabas ko na ang sariling hinanakit.
Pa-simple siyang ngumiti at biniro pa ako. He picked up our speed and did a couple of horns, too.
"Anthony, mababangga talaga tayo nito." Pansin ko na ang panginginig ng aking boses.
He noticed my unfaltering nervousness since we left the house so he shook his head.
"I'm sorry, love... now, I'll be careful." He smiled at me and started driving slowly.
Kaagad akong kumalma nang pinahina niya ang takbo ng sasakyan. I clasped one of our hands together and sighed.
Sa gitna ng gabi ay napagdesisyunan naming bumiyahe para tumakas. I've been doing such bad things to my family, might as well do the worst thing.
"Tao ba iyan?" Itinuro ko ang isang matingkad na anino sa daan. Malayo-layo pa kami sa kanya pero mukhang hindi impossible ang pangyayaring pagkabangga kung hindi siya aalis sa pwesto.
"Wait..."
Anthony stopped the car and got out. Sinundan ko lang siya ng tingin, ngayon ay kinakabahan na sa maaaring mangyari.
He started walking near the faint shadow of the man until we both realized no one was there.
Mabilis kong ibinaba ang bintana ng sasakyan para sigawan siya. "Bumalik ka na rito, Anthony!"
Napatango siya at bahagyang tinititigan pa ang pwesto ng anino kanina. Hindi nagtagal ay tahimik siyang bumalik sa loob ng sasakyan.
"Tara na... baka maabutan pa tayo nina Amora..."
Nagsimula ulit kami sa pagbiyahe. Ngunit, hindi pa kami nakakarating ng ilang metro ay malakas na lumipad ang sasakyan sa malapit na puno.
Hindi na ako nakapag-isip pa kung ano ang dapat gagawin. I only held Anthony's hand and watched his face hit the windows.
Tumalsik ang maliliit na piraso ng salamin papunta sa katawan ko pero hindi pa rin ako makaramdam ng kahit ano mang sakit.
I closed my eyes, tightened our clasped hands, and realized that my feeling was right. We are going to die.
Sa ilang kurap ay nakita ko na lamang ang sarili na umiiyak.
"Anthony? Anthony!" Ilang beses ko siyang iniyugyog.
Inilabas ko na siya sa nasusunog na sasakyan. I'm giving him CPR despite the blood running down my face. I must've hit my head hard and didn't notice.
BINABASA MO ANG
Behind Every Lie [Completed]
Mystery / Thriller[COMPLETED] Aurelia's past has been haunting her ever since the day she saved Aidan Formentera, the man who looks and acts exactly like her dead lover. Intending to unfold the truth behind his lies, she uncovers even more secrets that cost the lives...