AURELIA HEREDIA
Pagkalabas namin sa dining room ng mansyon ay isang pasilyo kaagad ang bumungad sa amin. Nasa likuran pa rin ako ni Martinez, tahimik, at abala sa pag-iisip sa mga nangyari.
Aidan is not Anthony. He is completely a different person. Anthony could be alive... but even his parents want him lifeless.
Gusto nila na patay si Anthony... kagaya ko.
Mas napayuko lang ako. Ngayon na naririnig ko na ang sarili na sinasabi ito ay nanghihina ako.
I am cruel. Sinungaling din ako. But I have my own reasons. We all have our reasons.
"Who's that?"
Kahit may narinig akong panibagong boses—possible na kausap ni Martinez dito sa pasilyo, ay hindi ko pa rin magawang itaas ang paningin.
"Heredia..." sagot ni Martinez sa kausap.
Natahimik silang dalawa hanggang sa napalunok ako. The man talked again while walking towards us.
"The Heredia?"
Hindi ko siya nakikita pero alam kung magka-edad lang kami dahil sa boses niya.
Nasulyapan ko ang bahagyang pagtango ni Martinez. "Bring her to the warehouse."
Hindi na ako nagulat pa sa kanyang desisyon. It would be very unlikely of them to let me go... lalong-lalo na pinapakita ko ang intensyon na suwayin sila.
"I'll just take her..."
Biglang may humila sa nakatali kong kamay. For the first time, I gained the courage to raise my head.
A familiar man greeted my eyes. He's one of Aidan's brothers and probably someone older. Siya iyong nakakita sa amin ni Chad sa labas ng mansyon ng mga Formentera.
"Let's go." Tahimik niya akong hinila papunta sa dulo ng pasilyo kung saan may pintuan.
I remained to stare at his broad back and muscular shoulders.
Hindi ko siya kilala. I don't know if he's crueler than his parents and relatives... o kung kagaya rin siya nina Aidan.
Well, I just hope he's not like Anthony.
"Did they hurt you?"
Napatingala ako sa kanya. Mukhang iba siya. "No..."
Napatango lang siya sa sagot ko. Ilang minuto pa kaming naglakad bago makaabot sa destinasyon.
Parking area? Gusto ko siyang tanungin. Pero bago pa ako makapag-isip sa intensyon niya'y pinaharap na niya ako.
He silently fished a knife from his pocket.
"Anong ginagawa mo?"
Binalewala niya ako. Pero bigla niyang pinutol ang tali sa mga kamay ko. He even took the liberty to fix my clothes.
BINABASA MO ANG
Behind Every Lie [Completed]
Mystery / Thriller[COMPLETED] Aurelia's past has been haunting her ever since the day she saved Aidan Formentera, the man who looks and acts exactly like her dead lover. Intending to unfold the truth behind his lies, she uncovers even more secrets that cost the lives...