AURELIA HEREDIA
"Aidan..." I cleared my throat when he still didn't open his eyes.
Marahan akong naglakad patungo sa kanyang pwesto, sinisigurado na hindi siya magising kung sakaling tulog.
"Aidan..." bulong ko nang marating na siya. It's a miracle I haven't called him Anthony yet.
His eyes never flickered and his body remained frozen. Napakurap ako at inabala ang sarili sa pagtitingin sa mukha niya. My eyes trailed his hair, then his forehead, brows, nose, eyes, and his lips.
Lumunok ulit ako at napapikit. Kaparehas talaga sila ni Anthony. Pero bakit ang pula? Kinagat niya ba?
Tangina. Ako pala ang bastos... hindi si Chad.
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata at halos atakehin sa puso nang makita siyang gising.
Nakakunot ang kanyang noo at may nakasalubong pa na kilay.
"You want to kiss me..." inakusahan niya kaagad ako.
"H-Huh?" Mabilis akong lumayo sa kanya at tumayo nang maayos. "Sinong nagsabi?"
I tried my best to answer him calmly. Pero nabatid ko pa rin ang konting panginginig ng aking boses. Sa tingin ko'y napansin rin ito ni Aidan kaya nagtaas siya ng kilay.
"Ako... bago ko lang sinabi, diba?" Medyo iritado na ang boses niya.
Nag-iwas ako ng tingin at halos mapahalukipkip.
"Suplado... parang sino..."
"What?"
Napalingon ako, kinalaban din ang pagtaas ng kilay niya. "Bago ko lang din sinabi, diba? Kaya bakit hindi mo narinig?"
"Mahina ang boses mo..." Napaiwas siya ng tingin at pinikit ulit ang mga mata, parang ipinagpatuloy ang naudlot na pagtutulog.
I sighed and sat on the ground. Dahil nakahiga siya sa bench at ako sa sahig ay magka-lebel lang ang mukha namin. Hinarap ko si Aidan at tinitigan ang kanyang tigiliran.
I searched for familiar and possible similarities in him with Anthony. Sinuri ko ang ilong niya at napakurap. I looked at his ears and saw a faint mole...
I shuffled in my seat and tried to reminisce where Anthony's mole was. Pero ang tangi kong naalala ay ang pagkawalang-muwang ko sa lahat ng bagay tungkol sa kanya.
How I even wondered how I fell in love with a man I didn't completely know.
"Huwag mo akong titigan nang ganyan..." His voice came out as a warning.
BINABASA MO ANG
Behind Every Lie [Completed]
Mystery / Thriller[COMPLETED] Aurelia's past has been haunting her ever since the day she saved Aidan Formentera, the man who looks and acts exactly like her dead lover. Intending to unfold the truth behind his lies, she uncovers even more secrets that cost the lives...