TRUTH 28

16 1 0
                                    

AURELIA HEREDIA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

AURELIA HEREDIA

"Sinungaling ka!" Itinutok ulit niya ang kutsilyo sa pagmumukha ko.

Sa una ay nanlaki ang aking mga mata. Buhay siya? How? She died... along with Zyf!

But seconds passed and all I could do was bend my head down out of embarrassment. Ni isang katiting na takot ay hindi ko rin naramdaman. I can even sense that Lucho is starting to feel threatened at my back. Ngunit, hindi siya makalapit sa akin dahil pinipigilan ko siya.

I deserve this.

Kasalanan ko 'to.

"You're not even Aurea! Aurelia ang totoong pangalan mo. You're a Heredia! You lied! You lied to me!" Nanginginig si Eula habang dinuduro niya sa akin ang matalas na kutsilyo.

I still remained bowing my head down, allowing her to do whatever she wants. Kahit patayin niya pa ako ay pinahihintulutan ko.

"A-And... a-and..." She stuttered and touched the stroller next to her. Biglang kumislap ang kanyang mga mata habang tinititigan ang laruang bata. Her eyes twinkled... not because of happiness but of agony.

Nahuhulog ang bawat butil ng kanyang luha sa kanyang pisngi, tinatangay din ng malakas na ulan.

"Y-You... killed my baby," Eula whispered but I could still hear her amidst the strong wind. Parang kinailangan ko talaga siyang dinggin kahit parang impossible naman.

Slowly, I lifted my head and extended my arms.

"Eula... please." My voice came out soft.

Umiling lang siya at mas nagpursigido pa na tutukan ako ng kutsilyo... at ngayon ay mas malapit na.

"Hindi. H-Hindi! You ruined my life! You killed Zyf! You killed my baby!"

Malakas siyang humikbi sa harapan ko. All her things were already on the muddy ground. Even her veil was not protecting her anymore, kaya kitang-kita ko ang pagkasunog ng kalahati niyang mukha.

"E-Eula..."

"Shut up!" singhal niya sa akin.

My body slightly shivered out of fear for the first time. Habang tinititigan siya ay kitang-kita ko ang pagdilim ng kanyang mga mata. Para siyang sinapian. She doesn't even look like herself anymore. Even the thought that she's bringing a toy baby with her is already crazy.

"Shut up, you liar!" Mas tumindi lang ang luha niya at ang pagbuhos din ng ulan. "Shut up because I will kill you! You deserve to die! You killed my family!"

Tahimik akong tumango. "I know... I know..." I whispered but I believe that she couldn't hear me.

"I thought you were my friend..." Natigilan siya. Her eyes twinkled with tears. "I-I thought..." Naging balisa ang mga mata niya.

Behind Every Lie [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon