AURELIA HEREDIA
"Kumalma ka, Aurelia..." Ilang beses na iwiginayway ni Chad ang kamay niya sa ere dahil sa pagkabalisa ko.
Suminghap ako at hinawakan ulit siya sa magkabilang braso. "Si Aidan ay si Anthony."
Nasira ang kanyang mukha sa rebelasyon ko. His face scrunched up and his mouth opened wide. "Ano?"
Kaagad ko siyang hinila para makatago kami sa malalaking puno. Hindi pa kami nakakaalis sa village nila Aidan. Sa katotohanan ay nasa harapan pa nga kami sa kanilang mansyon.
Pagtakbo ko papalabas kanina ay hinabol ako nina Adjer at Adonis. Pero mabilis akong nakatakas at nakita pa na papalapit din si Chad sa puwesto ko dahil plano niyang sunduin ako.
"I saw his family Chaddler. Pamilya iyan ni Anthony." Tinuro ko ulit ang malaking mansyon habang inaalala ang mga mukha nila.
Hinawakan ako nang mahigpit ni Chad. "Sigurado ka ba? O nag-iilusyon ka naman dahil sa kagustuhan mong buhay pa si Anthony?"
"Chad! Hindi ako nagsisinungaling!"
I remember Anthony showing me a picture before of his family. Iniligay niya iyon sa wallet niya.
It's all his siblings. Everyone was still so little that when I saw them the first time, I couldn't really say it's them. Pero nang nakita ko na silang magkasama ngayon ay doon pa bumalik ang lahat sa akin.
"Shit. Shit. Shit." Bigla akong hinila ni Chad nang mapansin namin na may lumabas ulit sa gate ng mansyon.
It's Allaniah Formentera and another man who resembles a bit as Aidan and Adonis mixed together.
Saglit silang nag-usap sa labas. But minutes after, another luxury car arrived and fetched Allaniah. Nanatili ang lalake sa labas na parang may hinihintay.
Umusog pa ako ng kaunti para hindi kami makita ni Chad. But his hawk-like eyes immediately caught us!
Ilang beses akong napamura sa isipan. He remained watching us but seconds later, he went back inside. Napasinghap tuloy kami ni Chad sa ginhawa.
"Umalis na tayo rito. Tangina." Nasapo ko ang noo.
"Mag-eempake na ako."
Malakas kong itinulak si Chad. "Ang bobo mo!"
***
I sighed and called my sister again. Kagabi pa ako tumatawag sa kanya, pagkatapos ng insidente sa mansyon ng mga Formentera. Pero hindi niya ako sinasagot. Hindi ko rin gustong tawagan si Athena para 'di siya masali sa gulong ito.
BINABASA MO ANG
Behind Every Lie [Completed]
Misteri / Thriller[COMPLETED] Aurelia's past has been haunting her ever since the day she saved Aidan Formentera, the man who looks and acts exactly like her dead lover. Intending to unfold the truth behind his lies, she uncovers even more secrets that cost the lives...