AURELIA HEREDIA
"Amora..." I whispered while looking outside the window. Tinatawagan ko siya habang inaayos ang mga kagamitan ko.
Biglang nasagi ng mga daliri ko ang paboritong libro ni Lucho at halos mapamura na lamang dahil sa galit. Pero bago pa ako makaramdam pa ng mas matinding pagkamuhi ay sinagot na ako ng kapatid. Napabaling tuloy ang atensyon ko sa kanya.
["Ano?"] masungit niyang bungad sa akin. But I still couldn't afford to fight back. ["Dalian mo kasi may gagawin pa ako."]
Ipinikit ko ang mga mata at pinisil ang mga daliri.
"Fuck..." I whispered.
["I will not hesitate to put down this call, Aurelia. Magsalita ka na."]
Napasinghap ako.
"You have to save him..." Bigla akong natigilan nang matingnan si Aidan na naghihintay sa labas ng sasakyan.
["Ano? Sino?"]
"You have to save Aidan, Amora."
***
Tahimik lang kami ni Aidan sa loob ng sasakyan. I kept playing with my fingers under my bag. Ilang ulit din akong napapatingin sa labas para kalmahin ang sarili ko... kaya ngayon ko lang napansin na 'di mataong daan ang tinatahak namin.
"Kasabwat mo ba si Anthony?" Hindi ko na napigilan ang sarili at tinanong si Aidan.
Muntik siyang matigilan sa pagmamaneho dahil sa pang-iintrega ko. But he quickly regained himself.
"No," maikli niyang tugon sa akin.
Umiling ako at halos hindi naniwala sa kanya.
"You're brothers... Aidan. How could you not be with him?"
"I know..." tumiim ang bagang niya.
"So, you're with him," I insisted pero umiling lang siya.
"I am not."
"Bakit?" Mapangahas ko siyang sinulyapan.
Aidan remained quiet and he continued driving. Umiling lang ako sa puwesto at hindi nakontento sa kasagutan niya.
"Kilala mo rin ako, Aidan... but you tolerated me lying about my identity. I wonder why..." I brought another issue I've identified.
Natahimik ulit siya.
"Bakit hinayaan mo akong magsinungaling? And why didn't you ever tell me you know Anthony?" Nanliit ang mga mata ko.
Saglit niya akong sinulyapan. "You never asked, Aurelia."
"Kahit pa siguro tatanungin kita'y hindi mo ako sasagutin!"
I avoided my gaze when anger began to eat me.
BINABASA MO ANG
Behind Every Lie [Completed]
Gizem / Gerilim[COMPLETED] Aurelia's past has been haunting her ever since the day she saved Aidan Formentera, the man who looks and acts exactly like her dead lover. Intending to unfold the truth behind his lies, she uncovers even more secrets that cost the lives...