LIE 05

46 2 10
                                    

AURELIA HEREDIA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

AURELIA HEREDIA

I am not avoiding Aidan Formentera.

Ilang beses ko na itong inulit sa isipan ko simula noong nag-iba kami ng landas ni Chad. Inakusahan niya ako, sa bahay pa lang, na baliw daw ako para sa kanya kahit puro ilusyon lang ang nasa isipan ko na siya raw si Anthony.

So, avoiding him would confirm that indeed, I have feelings. Kaya hindi ko siya iiwasan.

Chad strongly believes in his theory that he is just another Formentera. At hindi naman impossible ang kanyang teorya.

Pero sa mga nagdaang araw ay mas naniniwala ako sa aking hinuha na iisang tao lang sila dahil magkatulad talaga sina Aidan at Anthony, lalong-lalo na sa mga salita nilang binibitawan.

Love... he even called me love.

"Oh!" Halos mabangga ako sa isang pader sa kakaisip.

Inilibot ko ang tingin para makita kung saang parte na ako ng school, pero ang tangi kong alam ay nawawala ulit ako.

I sighed and tried reaching for my phone in my pockets. Ngunit, habang ginagawa ko ito ay natitigilan dahil may nararamdamang anino sa kapaligiran.

Slowly, I hid my body in one of the cornered walls. Sinilip ko ulit ang kakaibang pasilyo at doon na nakumpirma na mayroon talagang paligoy-ligoy na tao.

Mabilis akong lumipat sa kabilang haligi. I watched the man walk in the hallways again.

Hindi siya estudyante ng EIA dahil hindi siya nakasuot ng uniporme. I doubt he'd be a student, too, because he has countless tattoos.

Nasindak ako sa puwesto. Tattoos.

Hindi na banayad ang bawat galaw ko. I began acting carelessly when I realized he could be someone who knows me.

Tahimik ko siyang sinundan kahit tumunog na ang bell para sa unang klase. Mukhang nagpapasunod rin naman siya dahil sa kabila ng maingay kong paghinga ay nagpapatuloy pa rin siya sa destinasyon.

But suddenly, he paused. Huminto rin ako sa paglalakad at nagtago. My eyes squinted when his face got visible... and familiar.

Nanliit pa ang aking mata habang pinipilit ang sarili na tandaan siya. Pero sa sandaling sumiklab ang isang memorya ay ang pagkawala niya sa tinatayuang puwesto.

He began walking so fast towards some congested area of the school. Nanatili akong nakasunod, ngayon ay mas pursigido na siyang makausap.

We both continued walking until he looked at his back. Nagulat ako at biglang napatago sa isang sulok. Sa bilis ko ay hindi na napansin na may matulis pala na bagay doon.

Behind Every Lie [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon