Chapter 12

139 5 4
                                    

Chapter 12: Hanggang Ngayon


 

Halakhakan na may kasamang asaran. Iyan ang sinagot sa akin ng dalawa kong magaling na kaibigan matapos kong ikwento sa kanila ang little chitchat namin ni Shann kahapon tungkol dun sa activity. Kinakabahan na rin ako mamaya sa kadahilanang pupunta ako ulit sa bahay nila sa hindi na mabilang na pagkakataon. Ang pinagkaiba nga lang ay noong unang punta ko ay kami pa, pero ngayon wala na.

Inirapan ko lang ang dalawa. Si Mhika naman makatawa akala naman nakita yung scene, eto namang si Ejhie akala mo narinig yung pinag-usapan namin kung maka-react. Hindi ko nga alam kung alam pa ba nilang nasa moving on stage ako dahil sobra sobra na ang asar na natatanggap ko sa kanila. Akala ko ba gusto nilang makamove on ako? Hay, ewan. Natigil lang ako sa kakareklamo sa sarili ko nang biglang nagtanong si Mhika.

"Anong kakantahin niyo?" Nakaabang na din si Ej sa sagot.

"Hanggang ngayon." Sagot ko sa kanila.

"Ha?" Katulad ng reaksyon ko kahapon ang naging reaksyon din nila.

Ngumisi na lang ako at napailing. "Hanggang ngayon ang kakantahin namin."

Ilang segundong katahimikan ang namayani sa pagitan naming tatlo, tsaka sila nagsalita. "Ayiiie! Hanggang ngayon, huh." Well, nang-asar na naman ang dalawa. "Hanggang ngayon. Bakit hanggang ngayon?" Malisyosong tanong ni Mhika habang may mapang-asar na tingin.

Gusto ko siyang bigwasan dahil sa nakakaasar niyang tanong. "Oo nga! Bakit hanggang ngayon?" Segunda ni Ej na may nakakalokong ngisi. Napasimangot ako sa mga tanong nila. Hindi ko rin naman alam kung bakit iyon ang ginustong kantahin ni Shann. Malay ko ba dun.

"Ewan ko. Siya naman ang namili ng kakantahin namin, e!" Sagot ko sa pareho nilang tanong. Humagikgik ang dalawa sa sobrang kilig at kulang na lang ay mangisay ang mga 'to. Parang mga timang!

"Sus, if I know may something talaga kung bakit iyon ang pinili ni Shann na kakantahin niyo sa Friday!" Kinikilig na sambit ni Mhika.

"Hindi, no! Baka wala lang talagang maisip si Shann kaya iyon yung napili niya. Ikaw naman Mhika oh, pinapaasa mo yung isa dyan, wag ganun." Panira ng moment na sabi—well sino pa nga ba?—ni Ej. Minura ko lang ng medyo hard si Ej, tumawa lang ang intrimitida. Baliw na naman silang dalawa. Push and pull. Yung isa pinupush ako kay Shann, samantalang yung isa hinihila ako palayo. Ang ewan ng mga kaibigan ko.

Katulad ng mga kaibigan ko, ang ewan din ng nararamdaman ko kanina pa. Parang kinakabahan na tensyonado na nininerbyos na... ewan! Nagsimula ang klase na hindi ako mapalagay hanggang sa nilubayan ako ng dalawa para ipaubaya ako kay Shann.


 

Naglalakad na kami papuntang bahay nila pero kinakabahan ako. What the hell was happening in you, Daniela? Nabubuang ka na ba?

Hindi kami nagkakasabay sa paglalakad ni Shann. At oo, sinasadya ko yun. Hindi rin ako nagsasalita, ganun din naman siya. Inaabala ko ang sarili ko sa mga nadadaanan naming tindahan at bahay samantalang siya ay may nakapasak na earphone sa magkabilang tengga kaya paniguradong may sariling mundo din siya.

Huminto kami sa isang malapad na kulay berdeng gate, eto na ang bahay nila. Binuksan niya ito at una muna siyang pumasok. Nung tinawag niya ako ay saka lang ako pumasok, pabebe muna. Wala namang pinagbago ang bahay nila, ganun pa rin. May saktong garahe na para sa kotse ng tatay niya sa kaliwa at may maliit na garden naman sa kanan. Simple lang ang bahay nila, up and down ang style.

"Ma! Andito na po si kuya!" Biglang sigaw ng cute na cute na anim na taong gulang niyang kapatid mula doon sa mini garden nila habang nagbibisikleta siya. Ngumiti ito at kumaway sa akin. Hindi pa siya nakuntento at nilapitan niya pa ako. "Hi, ate Daniela!" Mas hyper pa sa hyper na bati niya.

Move On Ba Yun?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon