Chapter 21

83 4 0
                                    

Chapter 21: Gift


 

"Oo nga, Ej. Paulit ulit? May pakunswelo na nga ako sa inyo, e!" Sumusukong saad ko sa dalawang bruha. Sa totoo lang hindi ko alam kung paano ko sila makukumbinsing maniwala sa mga pagpapaliwanag ko about sa pagpunta ko sa Baguio kasama si Joaquin.

Binigyan ko pa sila ng tig isang strawberry at ube jam, may T-shirt pa at keychain bilang mga pasalubong ko sa kanila. Kinuha naman nila pero parang hindi pa din sapat yung pag-e-explain ko sa kanila ng buong detalye ng pagbabakasyon ko. Ewan ko kung ano sa kinwento ko ang 'di kapani paniwala.

Tinapunan ko sila ng nababagot na tingin. Now, it's my time to ask them. "E, kayo? Dapat pati kayo nagkukwento. Lalo ka na." Sabay nguso ko kay Ej.

Kumunot ang noo niya. Dinuro niya ang sarili. "Ako? Ano namang sasabihin ko?"

"Sino yung kasama mo nung tumawag ka sa'kin?" Kahit medyo may hint na ako kung sino yun gusto ko pa ring makumpirma iyun galing mismo sa kanya at sa bibig niya. Akala mo, Ej!

Kumunot ang noo niya. Halatang nag-aabang din si Mhika ng isasagot ni Ej. Wala kang kawala ma'men. "Ang alam ko taga-La Union si Lorenz, e 'di ba doon ka nagbakasyon, Ej? Hindi ba kayo nagkita?" Inosenteng tanong ni Mhika.

Gusto ko na lang humagalpak ng tawa dahil sa itsura ni Ej. Magde-deny pa 'to. "Mhika, ano ka ba? Ang laki laki ng La Union tapos magkikita kami?" Palusot ni Ej.

"Weh? E, bakit parang narinig ko yung boses niya sa phone?" Nanghuhuli kong tanong. Parang nagka-hint na din si Mhika sa usapan base sa itsura niya nang tignan niya nang maigi si Ej. Magaling manabla at magpayo 'tong babaeng 'to pero 'di siya magaling magsinungaling at magpangggap sa harap ng tao.

"Ano ba 'yang pinagsasabi mo, Daniela?" Napairap na sagot niya.

"E, paano mo nalaman na si Joaquin ang kasama ko? Wala naman daw siyang sinabihan , a!"

"Edi nakita ko sa Facebook!"

"Paano ka nakapag-Facebook e di ba sabi mo sa'min dati, kaya ayaw mo umuwi sa La Union kasi mahina ang signal ng internet doon?"

"Ano ba yan! Ang dami niyong tanong. Syempre, nanghiram ng pocket WiFi!" Naiirita niyang sagot.

"Kaninong pocket WiFi? E, wala ka namang ganun, a!" Nakangisi kong tanong ulit sa nakasimangot na si Ej.

"Last mo nang tanong yan, ha? Yung pocket WiFi ay kay Lorenz, o ano okay na?" Natigil siya sa pagsasalita nang may marealize siya.

"Kanino ulit?" Makulit na tanong ni Mhika, nakangisi.

"H-Huh?"

"Aha! Malandi ka! Deny deny ka pang hindi si Lorenz ang kasama mo, a!" Natatawa kong turo sa kanya at ganun din si Mhika. Ang isda nga naman ay nahuhuli sa sarili nitong bibig.

"Mga pākyu kayo! Bahala na nga kayo dyan!" At nilayasan na kami ni Ej dala dala ang pasalubong niya. Matawa tawa kaming naiwan doon ni Mhika pero nahinto ako at tinignan ang kasama ko.

"E, ikaw Mhika? Sa'n ka pumunta?" Simpleng tanong ko pero parang sobrang kinabahan si Mhika. Don't tell me may tinatago din 'to?

"S-Sa Laguna. After 2 years nakauwi d-din ako." Pilit siyang ngumiti. Simula noong nag-transfer siya dito-grade 8 to be exact-hindi na siya nakauwi sa probinsya at dati nilang tinitirhan. At sabi nga niya, ngayon lang ulit siya naka-uwi. Napakunot noo ako sa inaakto niya.

Bigla siyang tumayo muntik pang bumaliktad yung mesa dito sa canteen. "Teka hanapin ko muna si Ej, baka mag-transform yun sa sobrang asar. 'Di ba sabi mo may bibilin ka pa? Sumunod ka n-na lang sa taas, ha?" Hindi mapakaling saad ni Mhika saka nilisan ang pwesto niya. Naiwan na akong mag-isa.

Move On Ba Yun?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon