Chapter 23

88 6 5
                                    

Chapter 23: Last Dance


 

"May susuotin na kayo sa Prom?" Natatarantang tanong ni Ej sa amin nina Kristy at Mhika habang kumakain dito sa canteen.

"Meron na." Pare-pareho naming sagot.

Mamaya na ang hinihintay ng halos lahat ng highschool student, ang Promenade o students' night kung tawagin sa amin.

Nadaan lang kami ngayon dito sa school dahil may kailangan lang kaming kunin. Mamaya lang ay aalis na kami para makapaghanda.

"Shemay naman kasi si mama, e! Sabi niya, hindi daw pwede yung dress na pahirapan ko pang hiniram sa pinsan ko!" Mangiyak ngiyak siyang binubulalas ang problema niya.

"Ano ba kasing dress yan, Ej?" Tanong ni Kristy.

"Ano... Uhm... Ano bang itsura nung dress? Ah! Basta, dress na maikli! Color light blue na long sleeve?"

At dahil sa problema niya ay hindi pa kami nakauwi. Dumiretso pa kami sa Robinson para lang sa damit niya pero ang bruha walang napili. Ang pangit daw, kesyo ang OA ng pagkakagawa ganito ganyan, ewan.

Kaya umuwi na lang kami nang mag-alas tres na. Wala namang mangyayari sa pagtambay namin dun. Maghahanda na lang kami.


Habang nasa bahay at nagpapatay ng oras ay hindi ko maiwasang maisip kung anong mangyayari mamaya. Kung saan saan napupunta ang imagination ko. Hanggang sa naalala ko pa ang prom namin last year kung saan siya ang date ko.

Napabuntong hininga na lang ako. I shouldn't mind all those things. Mas magandang tumayo na ako at ayusin ang sarili para sa prom.


"Joaquin ha, iuwi mo na agad yang anak ko... Sa bahay namin, ha!" Ilang ulit na paalala na yan ni papa.

At eto namang si Joaquin, tango lang nang tango, sige nang sige. Tawa pa nang tawa, parang baliw. Siya ang sumalubong sa akin dito sa gate at siya ang maghahatid sa akin sa bahay mamaya.

Ako na ang pumutol ng kontratahan nila sa pag-uwi sa akin. Nakakaloka lang silang dalawa.

Nauna na akong pumasok at sinundan ng nakangising si Joaquin na bumabati sa lahat ng kakilala at naka-Amerikana nga pala ang loko. Nagmukha tuloy siyang tao ngayong gabi sa paningin ko. Kinurot niya ko sa pisngi nang sinabi ko yun sa kanya, pakiramdam ko tuloy nawala na yung pinaghirapan kong make up.

Ang mga nagsasayaw na makukulay na ilaw at samahan mo pa ng magandang kanta ang bumungad sa akin pagkapasok ng entrada ng venue'ng pinagdadausan. Ramdam na ramdam mo ang masaya at nae-excite na presensya ng bawat estudyanteng naririto.

"Tara?" Yaya sa akin ni Joaquin at nagmukha pa siyang escort ko papasok. Hinawakan ko ang red pleated chiffon gown ko upang makapaglakad ng mas maayos, tinernuhan ko 'to ng makintab na 4 inches high heels.

Hinanap agad ng mata ko ang mga kaibigan ko. I'm excited to see them with their beautiful long gowns tonight, especially Ej. Tinuro ni Joaquin ang lamesa kung saan sila nandoon.

Agaran akong lumapit sa kanila. Binati at pinuna ang kanya kanya naming suot. Pinuno nga namin ng asar si Ej dahil ang suot niya ngayon ay bigay daw ni Lorenz. How sweet.

Doon ko lang napansin na wala pa si Kristy at bukod sa dalawa ay may iba pang nakaupo sa aming mesa. Binati ako nila Lorenz at Jeff. Binalingan ko sila at nginitian, ganun din ang ginawa ko kay Shann na tahimik na nakamasid sa akin.

Tinignan ko ang paligid at pinansin din ang ibang kaklase at kakilala. Hindi pa nag-uumpisa ngunit damang-dama ko na ang excitement.

Ilang minuto lang, ang programa ay nagsimula na. May mga special number, kantahan ng mga banda at kung ano ano pa. Ang mga nanalo pa sa Mr. and Ms. Prom Night ay kinagimbal ata ng lahat ng nakakakilala sa kanila. Ang nanalo lang naman ay yung dalawa na kinumpulan pa namin ng asar.

Move On Ba Yun?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon