Chapter 10

139 6 1
                                    

Chapter 10: Playlist


 

Ang pagmo-move ay parang mga babae. Tayong mga babae. Masyadong maraming arte. Hindi pwedeng ganito lang. Hindi pwedeng ganyan lang. Dapat magawa mo 'to. Dapat ma-achieve mo yan. Dapat alam mo ang ganito at malaman mo ang ganyan. Dapat mong tandaan ang ganyan at huwag mong gagawin ang ganito.

Pero, para din naman itong mga lalaki. Masyadong komplikado. Walang kasiguraduhan. Hindi mo alam kung tama pa ba ang pakikisama mo sa kanya, same as moving on; hindi mo alam kung tama pa ba ang pakikipagsalamuha mo sa salitang iyan.

"Patingin nga ng mga kanta mo." Saad ni Ej habang nakalahad ang kamay sa akin na nagpabalik sa aking sarili. Natutulala na naman ako. Ibinigay ko sa kanya ang phone at tinignan niya ang laman ng music ko.

Nagtatanong ako sa kanya ng mga magagandang kanta. Yung mga pang-rakrakan. Pangtanggal stress. Pang-alis ng sama ng loob. Yung mapapa-tumbling ka sa sobrang saya.

Tinawanan niya ang cellphone ko, kumunot ang noo ko sa naging reaksyon niya. "Kaya pala parang umay na umay ka sa mga kanta namin kahapon kasi nasa playlist mo lahat yun."

Sus, makatawa naman 'to parang hindi niya alam iyon. Inirapan ko siya. Kaya nga asar na asar ako at hindi malaman kung anong reaksyon ang ipapakita sa kanila. Sa dinami dami kasi ng kanta yun pa talagang mga kantang magpapa-alala sa kanya ang tinira at pinagtripan nilang awitin. Well, except na lang dun sa huling kinanta nila na 'di ko alam ang title pero malinaw pa sa sikat ng araw ang mensaheng pinapahiwatig.

Knowing Ej and Mhika, mga dakilang may saltik at sayad ang mga yan. Sila ang kasama ko sa paglimot, pero sila din ang nagpapa-alala. Ang saya, di ba?

"Wala akong alam na ganung kanta." Saad niya at patamad na binigay ang cellphone ko. Walang pakinabang ang isang 'to!

"Si Mhika! Si Mhika ang tanungin mo. Maraming alam yun!" Untag niya sa akin habang tinataasan ako ng kilay.

"Di ba dapat tinutulungan mo ako, para makahanap ng maayos na kanta?" Tanong ko sa kanya, "Saka nowhere to be found si Mhika. Absent siya. Kaya ikaw lang ang makakatulong sa akin ngayon." Dagdag ko na siyang kina-asiman ng mukha niya, inirapan ako ng bruhilda sabay sabing,

"Alam mo naman na wala akong maitutulong sa'yo, di ba? Kasi hindi naman po ako mahilig mag-soundtrip. Wala akong alam sa mga latest song na yan. Tsaka ikaw ang music lover sa ating dalawa, e, bakit 'di ikaw ang maghanap ng kanta?" Sermon niya habang nagtitipa ng kung ano sa cellphone niya. Isang buntong hininga lang ang sinagot ko sa kanya.

"Alam mo, hindi mo naman talaga kailangan ang mga kantang yan, pero dahil ikaw yung tipo ng tao na hindi mabubuo ang araw kapag hindi nasabit ang earphone sa tenga ay kailangan mo talaga ng maayos na kanta. Yung kantang hindi maglulunod sa'yo sa mga mabantot niyong memories!" Mahabang litanya niya na siyang nagpatigil sa akin.

Oh, yes! Lahat naman ata ng kabataan sa panahon ngayon ay laging may nakasabit na earphone sa tenga kaya hindi imposibleng hindi ka mahilig sa mga kanta. Pero dahil isa ako sa tipo ng babae na puro love song ang pinapakinggan, mahirap sa akin ang maghanap ng kantang hindi tungkol sa pag-ibig ang paksa, kaya nahihirapan ako dito at daig pa ang batang natae sa salawal kung mamroblema.

Kinulit ko lang ng kinulit si Ej tungkol sa pagtulong niyang maghanap ng kanta hanggang nasura na siya sa akin. Iniwan niya ko doon mag-isa sa canteen. Highblood ang isang yun dahil hinahanap na naman siya ng mga co-officers niya.

Napabuntong-hininga ako ng wala talagang tutulong sa akin kundi ang sarili ko lang. Ang laki ng problema ko. Andyan naman ang Google pero 'di ko ginagamit, parang utak ko lang.

Move On Ba Yun?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon