Chapter 8

153 6 1
                                    

Chapter 8: Shann


 

Panibagong araw. Ilang araw na din ang nakakalipas nang nag-text siya ng isang nakakakilabot na text message sa akin. Yung 'nevermind' niya hindi ko na nireplyan. Pake ko ba dun? Buti nga at hindi na siya nag-text pa sa mga sumunod na araw, kung hindi baka 'di na ako magdalawang isip na sugurin siya, bigyan ng mag-asawang suntok at sigawan ng, 'hey, you motherf*@#$%! Kapal din ng feslak mo, no! Dinelete ko na number mo, hinayupak! Baka gusto mo pati buhay mo i-delete ko na!'

Oh, yes! Hindi talaga ako magdadalawang isip na paulanan siya ng mura mula bumbunan hanggang talampakan kung ipapamukha niya sa akin na ako ang nawalan, na ako ang dapat magdusa, na ako ang hindi makaka-move on.

Siya na nga nanligaw, siya na nga ang sinagot, siya pa ang nakipag-break! Aba matinde si utol! Tsk.

"Good morning class!" Bati sa amin ng aming first teacher ngayong umaga na nagpabalik sa aking sarili.

Tumayo kaming lahat. "Good morning ma'am Sanchez!" Bumati din kami pabalik.

"Che-checkan natin today ang mga test papers niyo but before anything else magche-check muna tayo ng attendance." Sambit ni ma'am habang umuupo. Sinabi na niya ang mga apelyido namin. Halos lahat nandito pwera lang sa isa.

"Si Mr. Villagueras ba ay absent or late?" Tanong sa amin ni ma'am pero sa akin nakatingin. Wait. What?! Bakit sa akin nakatingin si ma'am? Hanapan ba ako ng mga unggoy na nag-aanyong tao na may pagka-feelingero? Hindi naman, di ba?

Nagkibit-balikat na lang ako para maipahayag kay ma'am na hind ko alam kung nasaan ang monggoloid na yun.

Napakunot din ang noo ko nang biglang humalakhak sa tabi ko si Ej. Napatingin tuloy ako sa kanya.

"Uy! Anong problema mo?" Tanong ko sa kanya habang siya ay tumatawa tawa pa rin.

Ngumisi muna ang babaita. "Nakakatawa si ma'am, sa'yo pa talaga hinanap si Shann. Hahaha!" Ewan ko ba kung ano ang nakakatawa sa sinabi ni Ej, inirapan ko na lamang siya.

"Ma'am!" Sa kalagitnaan ng ingay ay bigla na lang siyang sumigaw sa tabi ng pinto. Attention seeker si kuya. Pwe.

"Ma'am, sorry I'm late!" Mabilis niyang saad habang hinihingal pa. Halatang tumakbo ang mokong. Tinignan at tinanguan lang siya ni ma'am Sanchez saka nagsulat sa kanyang attendance.

Naglakad na siya sa upuan niya. Binati siya ng mga barkada niya. Hindi nila maiwasang mag-ingay nang dumating na si Shann. At—teka, bakit ba ako nakatitig sa kanya at bakit siya ang kinekwento ko, ha? Hay, ewan Daniela!

Iiwas na sana ako sa kanya ng... bigla siyang tumingin. Tumingin siya sa akin.

Oh my gosh!

Bakit ako nakatingin sa kanya?! Lechugas nga naman! Napalunok pa ako ng very hard nang hindi ko maiiwas ang pagtitig ko sa kanya. Nilamon ng kaba ang puso ko at para bang anytime ay lalabas ito mula sa katawan ko. Nakakapanghina ang mga titig niya. Na para bang matutunaw ka sa mga mabibigat niyang tingin. Na para bang may ibig sabihin ang bawat titig niya sa akin.

Hey, Daniela! Tigilan mo yan! Kay ma'am Sanchez ka tumingin at hindi kung saan saan. Shemay!

"Uy! Ano yan? Titigan to the max?" Nabali lang ang titigan moment namin ng biglang nagsalita si Mhika sa tabi ni Ej.

Thank you Mhika! You save me!

Napatingin ako sa kanila at pinanlakihan ng mata. Oh, guys just shut up! 'Di ko keriboom ang nangyare.

Nanahimik na lang ako at pinilit mag-focus kay ma'am pero ang dalawa kong baliw na kaibigan ay nagbibigay sa akin ng nang-aasar na mga tingin.

"Ano ba!" Untag ko sa kanila ng 'di nila ako nilubayan ng mga mapanuksong titig. Natawa lang ang dalawa at nagbulungan. Sige ganyanan, ha!

Move On Ba Yun?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon