Chapter 25

63 2 0
                                    

Chapter 25: Move On

Shann's POV

"Daniela, let's end our relationship. Maghiwalay na tayo." Nanghihina kong sambit habang nakatingin sa mga mata niyang kanina ay punumpuno ng kasiyahan na ngayon ay unti-unti nang nalulusaw.

Pagak siyang tumawa sa sinabi ko. Pilit na ngumingiti ngunit hindi ko na ulit nakita ang mga kinang sa kanyang mga mata.

Kaba. Pag-aalinlangan. Takot. Yan ang nakikita ko sa kanyang maamong mukha pero tinatakpan niya ng tawa sa pag-aakalang nagbibiro lang ako sa aking sinabi.

"Daniela... Ayoko na..." Napahinga ako ng malalim. Hindi alam kung ano pa ang idudugtong. "Ayoko na... sa'yo..." I rudely said. You're such a heartless jerk, Shann. Such a pain in the ass, you coward!

Umiling siya at kahit madilim na ay 'di nakatakas sa paningin ko ang luhang pinipigilan niya. "S-Shann, ano b-bang sinasabi m-mo?" Her voice was trembling just like my knees. I don't know what to say.

"Uh... Wala k-ka bang r-regalo para sa... sa monthsary n-natin ngayon? O-Okay lang naman e... Okay l-lang basta w-wag mo na ulit sasabihin y-yan." Parang tinutusok ang puso ko sa boses niya, sa mga sinasabi at sasabihin niya.

Yumuko ako. Naiirita akong napabuntong hininga para mas maipahatid sa kanyang ayoko na sa relasyon namin.

"Please, Daniela... Wag na nating pahabain 'to. Ayoko na! Ayoko na sa'yo, naiintindihan mo ba?!" Napataas ang tono ng boses ko. Napaatras siya sa bigla at maski ako ay nagulat din. I didn't mean that tone.

Nang makabawi sa pagkakagulat ay hinawakan ni Ria ang kamay ko. Nabigla rin ako sa sunod niyang ginawa. She's kneeling down next to me. She's crying out loud. She's begging. Begging to take my words back but I can't. And I will not take it back. I won't.

Sa pinapakita niyang pag-iyak ay mas lalo lang nagpamukha sa aking ang tanga tanga ko sa ginagawa ko. I'm such a lucky asshöle. There's a girl who is ready to break her pride for a guy who ripped her heart.

Pinatayo ko siya kahit pa sinabi niyang tatayo lang siya kung hindi ako makikipaghiwalay. Kung kanina ay parang tinutusok lang ang aking puso, ngayon ay nararamdaman ko ang pagkapunit nito sa bawat luhang dumadaloy sa kanyang pisngi. Ramdam ko ang kabigatan nito sa bawat pakiusap niya. Binabalot na ko ng kalungkutan sa bawat iyak niya para lang bumalik ako sa kanya at bawiin ang lahat.

Tinignan ko lang siya ng taimtim. "Sorry..." At walang awang iniwan siya sa labas na humahagulgol, nakaluhod at umaasang muli ko siyang babalikan sa sitwasyon niya ngayon. Pero hindi ko ginawa.

That's the worst night for me. The worst night that I made and it makes me feel numb for a minute but feel me the pain deeply in my heart for the rest of my days without her. My first heartbreak.



Sa mga sumunod na araw ay ayos na ayos ako. Nakukuha kong ngumiti at makipagtawanan. Makisalamuha at makipagkwentuhan. Parang back to normal lang. Pero hindi ko alam na ang lahat ng yan ay panandalian lamang.

Anim. Anim na linggo pagkatapos ko siyang saktan, iwan at balewalain ay unti-unti ko nang nararamdaman ang pagkawala ng isang tao na may malaking puwang sa puso't isipan ko. Unti-unting tumatanim sa isipan ko na hinayaan kong mawala ang taong minsan ko nang minahal. Nagbigay ako ng isa ngunit kumplikadong rason na maaaring maging dahilan ng pagkamuhi niya sa akin.

Napakuyom ako sa aking kamao. Gusto kong sapakin ang sarili ko. Ang tanga tanga mo, Shann! Tāngina, ang tanga mo! Ang pagtadtad ko ng mura sa aking sarili ay hindi sapat. Mas masakit pa rin ang gabing iyon para sa kanya.

Nakakatawang isipin na gusto kong malaman kung ano na nga ba ang nangyari sa kanya pagkatapos ng gabing iyon. Bukod sa nakita ko siya na nagsusumbong sa mga kaibigan niya habang umiiyak ay wala na akong iba pang alam.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 03, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Move On Ba Yun?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon