Chapter 5

148 5 0
                                    

Chapter 5: Pictures and Bitterness


 

Pauwi na kami at medyo humupa na rin ang pagka-irita at pagka-badtrip ko sa nasaksihan ko kanina. Ayaw ko sanang sabihin sa dalawa ang nangyare pero dahil mentor ko sila sa moving on mission ko ay kailangan nila itong malaman. Tsaka mapilit sila kaya wala na kaming nagawa ng aking bibig kundi i-share sa kanila ang kaganapan kung bakit may sinusumpa ako kanina at kulang na lang ay ipa-salvage ko iyon. Halata ba masyado na, sobra akong nainis kanina?

Hindi pa ba iyon halata sa pagdadabog mo kanina at paghihiling na, sana mamatay na ang puchi-puchi niyang ka-text?

Pinilig ko na lang ang aking ulo sa aking narinig na pagsabat ng konsensya ko. Okay, fine! Inis talaga ako sa kanya at sa ka-text niya kanina. Hindi ko lang talaga napigilan ang pag-aalburoto. Buti nga hindi ko pa siya nasakal sa sobrang inis, kung hindi, naku! Ewan! Baka ngayon, sa harap na ng guidance counselor namin ako nagpapaliwanag.


 

Kung noong nakaraang araw ang mga bittersweet conversation namin ang pinagdiskitahan nila, ngayon naman ay mga lovable pictures namin na naka-developed ang balak nilang puntiryahin. Kasama kasi ito sa unang tip, eto yun oh...


 

1. Itapon lahat ng bagay na magpapaalala sa kanya. I-delete lahat ng pictures at messages niya ng sa ganon ay hindi mo ito gabi-gabing tinitignan.


 

Yung mga dapat itapon ay naitago ko na. Ang mga messages ay na-delete ko na. At ang mga pictures na lang namin ang hindi pa nadidispatya. Marami akong pictures namin—na naka-developed pa. Mahilig kasing mag-picture ang lalaking yon, kaya ayan ang dami ko tuloy itatago.

Kaya naman pagdating na pagdating namin sa bahay ay dumiretso agad kaming tatlo sa kwarto ko at kinuha ang mga naka-developed naming picture. May isa pa ngang picture na naka-frame, e, at di ko alam kung paano ko nasikmurang i-display ang mukha ko na kasama siya dito sa kwarto ko.

"Ang dami niyo namang pictures." Sabi ni Mhika habang sinisipat ng mabuti ang mga picture namin ni Shann. Nandito kami ngayon sa likod-bahay at nakapalibot sa mga tuyong dahon. Medyo may clue na ako kung bakit kami nandito kasama ang mga larawang ito.

"Oo nga." Pagsang-ayon ni Ej, "Parang bawat ginagawa at pinupuntahan niyo pinipicturan niyo, a!" Pagpapatuloy niya.

"Ilang months lang kayo pero dinaig niyo pa yung mga magjo-jowang ilang taon na kung mag-picture." Sabat ni Mhika habang hawak ang isang photo album at mga picture namin. Wala akong ginawa kundi titigan lang sila kasama ang mga reklamo nila.

"Uy!" Untag ni Mhika nang mapansin niyang kanina pa ako walang imik

"Hmm?" Binalingan ko siya ng walang kabuhay-buhay. Feeling ko na-drained lahat ng energy ko dahil lang sa pagka-badtrip ko kanina.

"Ayos ka lang?" Tanong niya habang tinitignan ako. Tumango naman ako bilang sagot pero biglang sumabat si Ej.

"Natural, hindi 'yan okay. Ikaw ba naman sinugin lahat ng picture na may mukha niya magiging okay ka ba? Hindi ko nga alam kung sinusumpa na tayo ni Daniela dahil sa gagawin natin na pagsisiga sa mga picture nila." Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa huling sinabi ni Ej o ano, pero mas pinili ko na lang manahimik muli. Hindi ko nga alam kung naubos ba talaga ang energy ko o sadyang nasapian lang ako ng espiritu ng mga pipi.

Napanguso na lang ako sa mga sinabi nila at tinitigan ang isang kumpol ng mga tuyong dahon dito sa likod-bahay namin.

"Tara, simulan na natin!" Yaya ni Ej. Sumang-ayon naman itong si Mhika, nilagay na nila ang mga pictures sa ibabaw ng mga tuyong dahon.

Move On Ba Yun?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon