Chapter 24

62 2 0
                                    

Chapter 24: Learn From It


May mga bagay na gusto mo pero hindi pwede. Nais mong mangyari pero hindi pinahihintulutan. Ang masakit pa ay gagawa ng paraan ang tadhana para hindi ito mangyari. At bilang isang hamak na umiibig, wala kang magagawa kundi ang tanggapin ang lahat. Pwedeng iyakan ngunit hindi pwedeng baguhin; kung iyon na talaga ang nakatakda at nararapat, wala kang magagawa.

Muli akong napatingin sa papel. Ang papel kung saan nagsimula ang lahat. Ang lahat ng paglimot at pagtanggap ng nangyari sa amin.

Ang mga tips na nagpalabas ng lahat ng nararamdaman ko. Hinanakit, lungkot, hinagpis, inis, galit at maski selos. Mga tips na nakasama ko sa 'adventure' kong ito. Mga tips na naging magulang ko o pwedeng sabihin nating naging mapa ko pabalik sa Daniela Ria Fernandez na dati'y walang iniibig, walang minamahal at walang iiyakan. Pabalik sa dating ako na isang malaking inosente sa laro ng pag-ibig. Back to zero.

Masasabi kong hindi ako ganun nakalimot gamit ang mga paalala at gabay na yan. Sino bang nagsabing magkaka-amnesia ako kapag sinunod ko ang mga tips? Wala naman, 'di ba? Pero ito naman ang naging starting line ko para sa pagmo-move forward.

Oo, alam kong may parte pa rin sa akin na nanghihinayang at hindi matanggap ang nangyari pero sino nga ba kasing nagsabing lasapin mo lahat agad? Sino ba nagsabing pagginawa mo ang mga tips ay matatanggap mo agad ang lahat na parang tumanggap ka ng regalo? Wala. Maski ang mismong mga salita sa papel na hawak ko ay hindi sinabing 'malilimutan mo agad ang nararamdaman mo sa kanya kapag ginawa mo 'to at kapag sinunod mo ay matatanggap mo nang buong puso. Promise, 'di ka na brokenhearted after this'.

Pero sabi ko nga, ang papel na ito ay ang naging daan lang para simulan ko ang lahat dahil sa huli nasa sa iyo pa rin kung gusto mo siyang malimot o hindi. Nasa iyo ang desisyon kung patuloy mo pa rin siyang mamahalin pero ikaw na lang mag-isa. Ikaw pa rin ang magbibigay ng pasya kung tatanggapin mo ang lahat nang buong puso o hindi at patuloy na aasa at ang masaklap ay maging bitter.


Karamihan sa mga babae pagkatapos silang iwan sa ere ay magrereklamo, nagsisisi at magsasabing 'bakit siya pa ang minahal ko?'.

Nung umpisa ay hindi ako naging ganyan pero mga kalagitnaan ay halos ibulyaw ko na ang mga katagang, 'ang pangit niya, ba't siya pa ang minahal ko?' with matching iyak iyak pa.

Ewan. Pero siguro dala na rin ng bitterness lalo na at iniwan niya akong walang tiyak na dahilan; 'di ko alam kung siya ba ang may maling nagawa o ako, clueless ako sa naganap.

Pero narealize ko rin namang mas okay nang nakipagbreak siya ng mas maaga kaysa naman pilitin lang niya ang sarili dahil lang sa may obligasyon siya sa akin.


Noong nagsorry siya habang nagsasayaw kami, 'di ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Basta ang alam ko pakiramdam ko ay kaming dalawa lang ang tao. Walang ibang nagsasayaw kundi kami.

Hindi ko rin alam kung dapat ba talaga siyang magsorry sa akin o hindi, kahit wala naman siyang ginawang masama-well, para sa'kin wala naman. Tinanggap ko iyon.

Pero ang nakakagimbal sa mga sinabi niya ay yung mahal pa rin daw niya ako. Nung sinabi niya yun ay parang may isandaang kabayo ang nagkakarera sa aking puso. Parang inagawan ako ng oxygen sa mga oras na yun at parang hinahalukay ang sikmura ko.

Sino bang hindi, 'di ba? Yung ex mong iniwan ka sa ere ay bigla na lang magsasabing mahal pa rin niya ako? Just great. Sinong hindi mabibigla doon? Parang sinabi at inamin na rin niyang bakla siya.

At isa na rin sa kinagugulat ng kaluluwa ko ang pagsagot ko sa sinabi niya kahit hindi naman talaga iyon tanong.

I love you too, Shann. Ewan ko ba kung bakit yan ang naitugon ko sa kanya.

Move On Ba Yun?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon