Chapter 1

627 9 2
                                    

Chapter 1: Friggin' Tears


 

"B-bakit... Bakit... Ba... kit..." Paulit ulit, pahina ng pahina at ngongo kong sambit habang umiiyak ng gabaldeng luha.

"Daniela hindi ka ba napapagod? Magdadalawang oras ka nang umiiyak dyan, a. Oh, tissue!" Umiiling na tanong ni Ejhie, kaibigan ko, sabay abot ng isa pang piraso ng tissue.

And yes! I'm crying for two freaking hours. Kinuha ko ang tissue'ng inabot niya tsaka ko pinahid sa aking basang pisngi. Hindi ko nga alam kung kailan titigil tumulo ang mga hinayupak kong luha. Gusto ko na silang kausapin at sabihin sa kanila na, 'Please tama na mga luha ko. Tama na ang pag-rampa sa makinis kong pisngi. Hindi na kayo nakakatuwa. Parang awa niyo na. Makisama naman kayo! Tumigil na kayo! Tumigil na kayo sa pagtulo. Isa ka pang sipon at uhog ka! Please tama na!'

Pero hindi ko yun magagawa.  Napaka imposible. Yung mga kaibigan ko nga dito na katabi ko hindi ko makausap paano pa kaya ang mga luha, sipon at uhog ko?

Nagpatuloy lang ako sa pagpupunas ng mga luhang lumalandas sa pisngi ko. I'm not okay, but I'm trying to be fine. Nahimasmasan na. Pero hindi ako makahinga sa sobrang bara ng sipon sa ilong ko.

"Oh, ano Daniela? Okay ka na ba?" May sinseridad na tanong ng isa ko pang kaibigan, si Mhika. Tumango na lang ako bilang sagot kahit alam ko sa sarili kong hindi pa ako ganun ka-okay.

"Ano ba kasi ang nangyari, ha? Hindi mo pa naman kasi nai-kukwento sa amin ang buong detalye umiyak ka na agad. Kwento na!" Atat na sabi ni Ejhie.

Tama siya, hindi pa ako nakakapagkwento pero ngumawa agad ako na parang batang hindi nabilan ng laruan sa harap nilang dalawa. Buti na lang at ramdam ng dalawa kong kaibigan na kailangan ko munang ilabas ang sama ng loob ko bago ako magkwento. At ngayon ngang okay na ako ay ilalahad ko na sa kanila ang futanesscang nangyare kagabi.

"Ganito kasi 'yan..." Pabitin kong panimula. Damang-dama ko ang mga luhang nakaantabay sa aking mga mata. Litsing mga luha! Hindi matapos-tapos ang pagtulo sa mukha ko! Masyadong nag-enjoy!

Umayos naman ng upo ang dalawa kong kaibigan sa nakakabitin kong panimula.

Tumikhim muna ako at nagpatuloy. "Kagabi si—si..." Ano ba yan! Sinisimulan ko pa lang ang pagkwento naiiyak na naman ako! At hindi ko pa mabigkas ang pangalan niya! Nakakainis.

"Si... Si Shann tumawag siya kagabi. Alam niyo naman... kahapon ay m-monthsary namin, di ba? Kaya a-ayun. Hindi niya ako binati buong araw, h-hindi niya rin ako tinext o tinawagan manlang. Hindi s-siya nakipagkita sa akin buong araw. At nung gabi nga..." Nanginig naman ang boses ko sa pagsabi sa pinaka-shocking at pinaka-climax ng sasabihin ko. Lumunok ako kasabay ng pag-atras ng luha ko, kaya ipinagpatuloy ko na ang pagkwento.

"At nung gabi nga, t-tumawag siya. Akala ko nga may surprise siya. Yun kasi yung mga nangyayare sa mga nababasa kong mga... teen fiction books. Kakalimutan nilang batiin yung girl... tapos magagalit si girl pero magugulat siya k-kasi may hinandang s-surprise pala si boy. Yun ang akala kong mangyayari. Lalo na nung t-tmawag siya at sinabi niyang lumabas ako ng b-bahay." Huminga muna ako ng malalim bago ko pinagpatuloy ang pagkukwento. "Inexpect ko na may manghaharana sa akin, may mga hinanda siya sa harap ng bahay namin at may sasalubong na isang napakagwapo at napakakisig na Shann. Pero isang nakapang-pajama at naka-t shirt na Shann ang sumalubong sa akin. Walang surprises, gift o kahit yung bati niya ng 'happy 7th monthsary Ria!' but still ngumiti pa rin ako sa kanya at hinayaan ko siyang batiin ako in his own way." Lumunok muna ako dahil feeling ko matutuyuan ako ng laway sa aking kinukwento.

"Malay ko ba kung may kinuha pala siyang banda at nagtatago lang sa halamanan namin. Kaya hinayaan ko muna siyang magsalita. At nang nasa harap na niya ako, walang pasintabi niyang sinabi na 'Daniela let's end our relationship. Maghiwalay na tayo'. Nakalimutan ko atang nasa realidad ako at hindi nasa isang libro." Hindi ko maiwasang maging bitter sa tono ng pananalita ko. Ang first name ko pa talaga ang ginamit niya, samantalang ang second name ko—which is 'Ria'—ang pinangtatawag niya sa akin. Siya lang ang bukod tanging tumatawag sa akin sa second name ko, pero kagabi, tinawag niya ako sa first name ko—at lalo lang napatunayan na ayaw na talaga niya sa akin.

Move On Ba Yun?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon