Chapter 14

160 5 1
                                    

Chapter 14: Halo-halong Emosyon


 

"Ayan nahulog ka na, buti na lang nasalo kita!" Natawa ako sa sinabi niyang iyon. Hindi ko mapigilang kiligin para sa araw na ito.

"Oo na!" Sigaw ko sa kanya para itago ang kilig na nararamdaman ko. Finally, boyfriend ko na ang lalaking 'to!



"...Tsaka pwede ba tigil-tigilan mo ang pagmumura!" Medyo naiinis niyang paalala na para bang tatay ko siya.

Ngumuso lang ako sa sermon niya sa akin. Biglang umamo ang mukha niya kasabay 'nun ay ang paghingi niya ng tawad. "Sorry na. Ayoko lang na nagmumura ka. Okay?" Bumalik ang ngiti ko. Naks! Hindi lang ako merong boyfriend, meron din akong tatay na nagpapangaral sa akin ng dapat at hindi dapat gawin.

 


 

"Alam mo bang nagulat at nag-alala ako sa'yo? Akala ko kung napano ka na." Nag-aalala niyang sabi sa akin habang tinitignan niya ako.

Ngumiti ako sa kanya ng tipid dala na rin ng pagkahilo. Dahan-dahan niya akong binuhat mula sa pagkakasubsob sa armchair. Ramdam na ramdam ko ang init na dala ng mataas na lagnat ko. Nagprotesta ako ngunit mas pinilit niyang buhatin ako. Wala na akong nagawa kundi magpaubaya sa kanya.

Nanlalabo na ang paningin ko pero kita kong halos lahat ay nakatingin na sa amin. Ang iba pa nga ay kinikilig sa pagiging maalalahanin ni Shann.

"Grabe, ang bigat mo pa rin pala." Biro niya sa akin habang buhat buhat pa rin ako papuntang clinic. Kahit nahihilo ay nagawa ko pa ring hilahin at sabunutan ang manipis niyang buhok. Natawa lang ito sa inasta ko.

"Uy, tama na girlfriend ko! Nasasarapan ka na sa pagsabunot. Kahit may sakit ka ang sadista mo pa rin. Buti na lang mahal kita." Natatawa niyang saad.



 

Napahinga na lang ako ng malalim. Napatingin ang dalawang kasama ko sa akin. Tinaasan ako ng kilay ni Ej. "Anong problema mo ate kong haggard?" Tanong niya. Umiling lang ako at kumain na lang ulit.

"Weh? May problema yan. Baka may something na nangyari kanina sa library habang naglilinis silang dalawa." Malisyosong sambit ni Mhika.

"Ay, oo nga no! Care to share, friend!" Pagsang-ayon ni Ej. Hindi ko sila pinansin at mas pinagtuonan ang kanin at ulam kong 'di maubos ubos.

Pagkatapos ng sinabi niya kanina sa library ay bigla na lang kaming tinawag ng class president namin para sabihing mag-lunch daw muna kami at ipagpatuloy na lang ang paglilinis mamayang uwian. Gusto kong umapela na at ayoko na talagang maglinis kasama siya pero wala akong magagawa kundi gawin ang dapat gawin.

Sa totoo lang, hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Kanina naasar at nagselos ako sa kanya dahil dun sa chics-pero 'di niya alam yun, tapos nainis ako nang tinawag niya akong 'bitter' pero mas nangibabaw ang kilig nung sinambit niya ang mga linyang nagbigay sa akin ng libo-libong alaala. Ang sarap ibigti ang sarili ko gamit ang barbed wire!

Wala akong sinabi sa kanila sa ngayon. Masyadong nangingibabaw ang nararamdaman ko at hindi ito ang tamang oras para ikwento yun. Baka mag-over react ako, nakakahiya naman. Napatingin ako sa gawi nila. Masaya silang kumakain at sa mga oras na 'yun ay sigurado akong about na naman sa mga babae or 'chics' ang pinag-uusapan nila. Gusto ko na lang umalis doon at maglinis na lang ng library o 'di kaya'y ibuhos sa kanila ang pagkain kong kaunti lang ang nabawas at ihampas ang inuupuan ko sa kanila. I don't know why I'm thinking about how will I murder them. Nababaliw na naman ako.

Move On Ba Yun?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon