Chapter 15

165 5 0
                                    

Chapter 15: Shouldn't Be Jealous


 

Naramdaman ko na lang ang paglundo ng malambot na upuan. May umupo na sa tabi ko. Mas pinagtuonan ko na lang ang ice cream na unti-unting natutunaw. Amoy na amoy ang panlalalaking pabango niya. Hindi ko pa rin tinatapunan ng tingin ang katabi ko. Kinilabutan pa ako nang magtama ang mga braso namin. Para akong kinuryente! Halo-halong emosyon na ang nararamdaman ko. Sht na malagkit!

"Uy! Bumili na kayo!" Napaangat ang tingin ko sa katabi kong nagsalita. Napahinga na lang ako nang makumpirmang hindi pala si Shann ang katabi ko. Napansin siguro niyang tinititigan ko siya kaya bigla siyang napatingin sa akin. Nag-iwas agad ako ng tingin. Nakakahiya ka, Daniela!

"Sige na nga ako na bibili. Jeff, pakilala mo naman yung mga kasama natin. Baka magselos ang baby Ejhie ko, e!" Sabi ni Lorenz sa nanunuksong tono. Buti na lang at tumayo na siya at pumunta sa counter kung hindi ay hahablutin na talaga siya ni Ej.

"Oo nga pala! Girls, kilala niyo naman na yang si Joaquin, di ba?" Turo ni Jeff sa katabi kong si Joaquin. Tumango kami sa tanong niya. Kilala namin ito pero 'di namin ka-close dahil hindi naman namin kaklase. "Eto si Kristy." Pagpapakilala niya doon sa maputing babae. Ngumiti ito sa amin at nakipag-shake hands. "Eto naman si Ericka." Yung babaeng may lahi naman ang nakipagkamay sa amin. Sobrang friendly naman nila. "At eto si Andell." Kumaway at nag-'hi' naman yung babaeng morena dahil malayo siya sa amin.

"Girls, mga classmate namin sila. Iyon si Mhika, si Ejhie..." Kami naman ang pinakilala ni Jeff. Tinuro niya ang dalawang nasa harap ko. Ngumiti din sila tulad ng ginawa ng mga pinakilala sa amin. "At iyon naman si Daniela..." Turo niya sa akin. Parang may gusto pa siyang idagdag sa pagpapakilala sa akin. Buti na lang at wala siyang ibang dinagdag at sinabi kundi ang pangalan ko lang. Saktong nakabalik si Lorenz dala-dala ang iba't ibang flavor ng ice cream na naka-cup.

"Bakit nga pala kayo nandito?" Tanong ni Mhika sa kanila.

Samantalang ako, tahimik na inuubos ang bahagi ng ice cream na para sa akin. Nagkukurutan naman ang magkatabing sila Ej at Lorenz. Asar na 'to mamaya. Sa ice cream lang talaga ako nakatingin pero ramdam ko ang pagsulyap niya sa akin. Shems! Nag-usap usap sila na parang wala ako doon dahil hindi nila ako sinasali. Ganun din ang katabi kong si Joaquin. Minsan lang siya makisali sa usapan.

"Ba't ang tahimik mo?" Nagulat ako nang bigla niya akong kinausap sa mahinang boses.

"Ha?" Mahinang tanong ko sa kanya.

"Hindi ka nakikisali sa usapan. Bakit? Dahil ba nandito si Shann?" Bulong niya na para lang talaga sa amin ang usapang ito. Hindi na ako magugulat kung alam niya ang tungkol sa amin ni Shann o sa awkwardness na nararamdaman ko tuwing makakasama ko ang ex ko. Given naman na mailang ka sa tuwing kasama mo siya pati na rin ang kaibigan mo at kaibigan niya.

Napangiti na lang ako nang mapait sa aking sarili. Ewan ko. Pero sa tuwing kasama ko talaga si Shann parang nakakalimutan ko lahat ng salitang binitiwan niya noong araw na 'yun. Mas nangingibabaw ang pagmamahal ko sa kanya. At ayoko nang ganun. Na siya nakakamove on samantalang ako hindi. Gusto kong isagot at sabihin iyan kay Joaquin pero nagkibit balikat lang ako sa kanya, pinagpatuloy ang pagkain ng ice cream.

"Alam mo, kung hindi ka makikisali sa usapan magmumukha kang 'di pa nakakamove on kay Shann. Oo, alam naman nating hindi ka pa ganun nakamove on pero syempre iba ang iisipin ni Shann. Iba ang iisipin ng ex mo." Napakunot ako ng noo sa sinabi ni Joaquin.

"So, kailangan makisali ako para lang masabing hindi ako naiilang sa kanya?" Maski ako ay nagulat sa inusal kong tanong. Ngumiti siya at natawa sa sinabi ko.

"Siguro." Kibit balikat niyang sagot. "Basta tandaan mo, iba lagi ang iniisip ng mga lalaki. At ang mga babae minsan dapat matutong umarte para hindi halata ang tunay niyong nararamdaman. Minsan kasi yan pa ang nagiging dahilan kung bakit kayo nasasaktan ng sobra." Napatango na lang ako sa sinabi niya.

Move On Ba Yun?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon