Chapter 11

124 7 6
                                    

Chapter 11: Kaba


 

Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga. At doon ko lang narealize na, kanina pa pala ako nagpipigil huminga. What was that? Dapat kanina pa ako umalis doon o 'di kaya ay sumabay na lang ako kay Ej nang lumayas siya sa canteen. That was too awkward. 'Di ko alam kung saan ako titingin. Sa mga tao ba sa paligid na nakamasid din sa aming dalawa? Sa phone niyang naglalabas ng isang musikang libo-libo ang hatid na alaala? Sa kanya na tinatapunan ako ng mga mabibigat na tingin gamit ang kanyang malamlam na mata? O sa librong hindi ko na maintindihan ang ni-isang letra?

Tahimik akong napaupo sa aking armchair nang marating ko na ang aming classroom. Wala pang masyadong estudyante, marahil ay nasa canteen pa. Wala pa din doon si Ej. Absent si Mhika. Hindi ko na din alam kung sino ang sasabihan ko. Sasabihin ko nga ba ito sa dalawa? Hindi ko alam.


 

"So honey now... Take me into your loving arms... Kiss me under the light of a thousand stars... Place your head on my beating heart... I'm thinking out loud... That maybe we found love right where we are..."


 

Napatingin ako sa pumasok kong kaklase habang kinakanta niya ang isang parte ng kantang kanina ko lang narinig. Kasunod niya ang lalaking kanina ko lang nakasama. Ang huling lalaking gusto kong makita.

Nagkasalubong ang aming mga tingin at kasabay 'nun ang pagragasa ng kaba sa aking dibdib. Paglipas ng ilang segundo ay bumitiw na ako sa mainit na titigan at sa blackboard na lang nag-focus. Dumadami na ang mga estudyanteng pumapasok, siguro ay nandyan na ang susunod naming subject teacher. Umupo na din sa tabi ko si Ej pero nagco-concentrate pa rin ako sa pagpapatahimik ng puso ko.

Hoy, heart masyado kang traydor! Tumigil ka nga!

Pumailanlang ang katahimikan nang pumasok na ang subject teacher namin. Inilabas niya ang MAPEH na libro niya. Naglabasan din ng libro ang mga katabi ko. Wala akong dalang libro kaya naki-share na lang ako kay Ej. Ilang minuto din ang lumipas sa pagdi-discuss ni ma'am kasabay 'nun ang pagkawala ng kaba ng dibdib ko. Ayoko nang tumingin sa gawi niya dahil feeling ko magwawala na naman si heart. Fact sheet na heart!

Pagkatapos ng kalahating oras ng isang masinsinang pagtuturo ay may plano ang teacher naming magkaroon ng activity—by pair. Hihigitin ko na sana si Ej nang nagsalita si ma'am.

"Class, ako ang mamimili ng magiging ka-pair niyo sa activity natin, okay?" Marami ang umangal, marami ang nagreklamo at nagsisisigaw, marami din ang taimtim na nagdasal na sana ay isa sa mga kaibigan nila ang maging kapares nila at isa na ako dun.

"Karamihan naman sa inyo ay magagaling kumanta, so connected sa naging topic natin kanina sa Music, ang activity natin ay pipili kayo ng partner niyo ng isang OPM song at kakantahin niyo this Friday. So you have 3 days—Tuesday, Wednesday and Thursday—to practice it. Hindi lang ako ang mag-g-grade sa inyo. So, isip na kayo ng OPM hit songs na gusto niyong kantahin." Paliwanag niya. Habang nagkaka-ingay kami ay pumili na si ma'am ng magiging magkapares sa aktibidad namin at nang napagtanto kong ako na lang ata ang walang kapareho ay nagtaas na ako ng kamay.

"Ma'am! Wala pa po akong kapartner!" Sigaw ko na siyang nakaagaw atensyon sa kalahati ng klase. Tinignan pa ni ma'am ang class record niya at inalam kung sino ang ipapares sa akin. Nag-angat na ng tingin si ma'am at kasama 'nun ang isang magandang ngiti na para bang may hatid na magandang balita.

"Si Villagueras wala pa pala. Kayong dalawa ni Shann ang magkapartner." Masayang anunsyo ni ma'am sa amin. Nanigas ako sa kinauupuan ko at bumalik muli ang kaninang kaba sa aking dibdib. Kinumpulan kami ng hiyawan at asaran pero sa mga oras na 'yun ay parang panandalian akong nabingi.

Move On Ba Yun?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon