Chapter 13

119 5 0
                                    

Chapter 13: Nakakabaliw


 

"Teka, bakit ganyan yang pinapatugtog mo?" Napatingin ako kay Ej nang bigla niyang kinuha ang kaliwang earbud at pinakinggan ang kantang pumapailanlang sa phone ko. Eto namang si Mhika kinuha na lang bigla ang cellphone kung saan nakapasak ang earphone ko. Naguguluhan ko silang tinignan. Anong problema ng mga 'to?

"Grabe naman yang pinapatugtog mo. 'Di ba nga sabi wag kang makikinig ng mga kantang pang-emonggoloid?" Saad ni Mhika habang kinukunutan ako ng noo.

"Baka nakalimutan nang mag-move on." Entrada naman ni Ej sa tabi ko pero feel na feel naman yung kanta. Ina-action pa ng baliw yung kanta. Inismidan ko lang ang dalawang loka-loka sa tabi ko. Nakalimutan? Hindi ko naman nakalimutan pero nawawala lang ako sa landas. Nakaka-ewan pala talagang mag-move on.

"Oo par, chics yun! Maniwala ka! Ang ganda-ganda 'nun, e!"

"Naku, par wag kang makinig dyan kay Lorenz. Mga mukhang tyanak naman yung pinapakilala. Kung gusto mo talaga ng tunay na chics, eto search mo yung pangalan!"

Napatingin kaming tatlo sa mga asungot na kakapasok lang e naghasik na agad ng kaingayan. Asar na tinignan sila ni Ej. Lagot sila.

"Hoy, mga iglot! Kakapasok niyo pa lang ang ingay-ingay niyo na! Puro na lang chics ang naririnig ko sa mga manyak niyong bibig! Ang iingay!" Bulalas ni Ej habang tinataasan sila ng kilay. Taray talaga ng loka lokang 'to.

Napadako naman ang tingin ko sa tatlong iglot na pinagalitan ni Ej. Natahimik sila pero ngumisi si Lorenz kay Ej. Tumawa lang si Jeff—yung isang sobrang haba ng sinabi pero pasigaw naman. And guess who, ang isa lang namang kasama nila is no other than... Mr. Shann Villagueras. Nahuli niya pa akong nakatingin sa kanya kaya agad kong nilipat ang tingin ko sa katabi niya, kay Lorenz na nakangisi.

So, pagchi-chics na ang new hobby niya? Ha? Nagpa-impluwensya naman siya sa mga babaero niyang barkada? Sino naman yang chics na yan, ha? Mas maganda ba yan? Mas famous? Mas maputi? Mas makinis? Lahat na ba ng 'mas' nasa kanya na, ha?

Napalunok ako ng maramdaman ko ang pagiging bitter ko dahil lang sa sangkatutak na tanong ko sa aking isipan tungkol dun sa damuhong chics na pinagsasabi nila. Gusto ko na talagang bigwasan ang sarili ko dahil mukhang tama si Ej. Nakakalimutan ko na nga siguro ang mag-move on. Iba-backread ko na lang yung mga tips para kahit papaano ay hindi ako maligaw ng landas. Mahirap 'to. Baka maakusahan na naman akong hindi maka-move on or patay na patay sa kanya. Eww.

Nagsimula na ang klase namin pero nabo-bother pa rin ako dun sa pinagkakanulo nila Lorenz kay Shann na babae, na chics daw ng kabilang school. Napapasulyap pa ako sa likod sa tuwing iyon ang topic nila. Minsan nati-tyempuhan ko pang may ipinapakita sila kay Shann mula doon sa phone at todo ngiti ang monggi. Mukhang maganda nga talaga yung chics na sinasabi nila.

Kaya nga chics, e! Ano ba, Daniela! Leche!

Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko. Gusto kong mag-move on pero hindi ko maiwasang tumingin kay Shann. At worst, nararamdaman ko na ang paunti-unting paglaganap ng selos sa sistema ko. This is not good. Wala akong karapatang magselos, dahil wala nang kami. Pero eto talaga ang nararamdaman ko. Kung nakamamatay lang ang pagiging weird sa feelings, paniguradong kada-oras may inililibing sa sementeryo at matagal na akong nandoon.

Pinipilit kong huwag pakinggan ang boys talk nila, pero parang kusang nakikinig ang kabilang side ng utak ko. Kakaloka! Kaya ayan, unti-unti na akong nakararamdam ng inis, asar at galit sa mga kabarkada niyang pinipilit siya doon sa chics. Nabubwisit din ako sa nagpa-uso ng salitang 'chics'. At higit sa lahat, nagseselos na ako kahit hindi naman na dapat talaga.

Move On Ba Yun?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon