Chapter 7

139 6 3
                                    

Chapter 7:Text Message


 

"Bakit ganyan yang mata mo, ha? Parang pinapak ng isang batalyong ipis," sabi ni Ej nang mapansin niya ang mugto kong mata. Kahit naglalakad kami papuntang eskwelahan at sa kalsada nakatuon ang mga paningin niya ay napansin niya pa rin ang mga mata ko.

"Oo nga. Ano bang ginawa mo kagabi, babae?" Sinundan naman ito ng tanong ni Mhika. Wala sa sarili akong tumingin sa nadaanan naming isang naka-park na sasakyan. Kitang-kita mo dun ang repleksyon ko. Kitang-kita din ang mga mugto kong mata.

Ano nga ba ang ginawa ko kagabi at parang ni-rape ng mga ipis ang mata ko?

Sasagot na sana ako nang maunahan ako ng isang masayang tawanan ng mga lalaki. Napadaan lang naman kami sa tindahan. Napagawi ang aming tingin sa kanila, pero agad ko itong binawi nang mahagip siya ng aking paningin.

Nagtuloy-tuloy lang kaming tatlo sa paglalakad na parang walang nakita at sumakay na sa tricycle papuntang school.

Ewan ko kung bakit hindi nila ako tinukso gayung nandoon siya. Heller, nandon po siya! Nakatayo at nakatingin sa akin. Hindi naman sa gusto kong batuhin nila ako ng mga mapang-asar na linya, nakakapanibago lang talaga at hindi nila ako kinumpulan ng asar. Baka naman hindi nakita at napansin nila Ej at Mhika si Shann? So, ibig sabihin ako lang ang nakakita sa kanya? Ako lang ang nakapansin? Hay.

Kasabay ng paglipas ng oras at mga klase, ang pagkawala ng pagkamugto ng aking mata. Buti nga at hindi napansin ng iba ko pang mga kaibigan ang mataba kong mata. Sila Ej at Mhika lang talaga ang nakapansin nito.


 


 

"Hoy, babae! Hindi mo pa sinasabi sa amin kung bakit ganyan yang mata mo?" Mahina pero may diin na tanong ni Ej sa akin. Nakatingin naman sa akin si Mhika na para bang isang doktor na kinikilatis ang kanyang pasyente base sa kanyang pisikal na kaanyuan.

Akala ko nakalusot na ako sa kanila pero mukhang hindi talaga nila ako tatantanan hangga't hindi nila nalalaman ang dapat malaman.

Uhm. Paano ko nga ba sasabihin? Aish. Ewan.

Pero sa huli ay napagkasunduan namin ng utak ko na idetalye sa kanila ang buong pangyayare. Mula sa pagpaplano ko kung paano maisasagawa ang 2nd tip, ang biglang pagpapatugtog ng butihing kapitbahay namin ng kantang 'ikaw at ako' na nagbigay ng flashback sa akin nung nililigawan pa lamang niya ako, sa balot at puto na siyang nagbigay din sa akin ng makapanindig balahibong flashback naming dalawa at ang pag-iyak ko kagabi sa mga sunod-sunod naming alaala.

"Ewan ko kung bakit ako naiyak. Siguro yun talaga ang epekto lalo na kung 'di pa ganon nakaka-move on." Saad ko sa kanila. Gusto ko sanang idugtong na, 'ang OA pala ng 2nd tip at ma-effort pa, kailangan pa ng gabaldeng luha para lang diyan', pero naisip kong wag na lang. Parang sinabihan ko na rin ang sarili kong ang OA ko.

Pero ang mga bruhilda ay sinagot lang ako ng...

"Syempre yan yung nararamdaman mo. Naiiyak ka dahil alam mong hanggang pagbabalik-tanaw na lang ang magagawa mo at wala nang iba. Dahil wala nang kayo!" Napasimangot na lang ako sa sinagot nila. Yeah, whatever! Nararamdaman my face!

At hindi pa nakuntento ang dalawa. Dinugtungan pa talaga nila ng...

"Wag kang mag-alala, kasama talaga yan sa pagmo-move on. Ang paulit-ulit na pag-iyak dahil lang sa mga lechugas niyong alaala." Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa sinabi nila dahil sinabayan nila ito ng tawa.

Yun nga ba talaga yun? Yun ba talaga ang rason kung bakit ako naiyak kagabi?

Hays. Ang hirap naman nitong nararamdaman ko.

Move On Ba Yun?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon