Chapter 6

160 5 5
                                    

Chapter 6: Flashback


 

Tahimik akong nakaupo sa kama ko at nakasandal sa headboard nito habang paulit-ulit na binabasa ang ikalawang tip ng moving on mission ko.


 

2. Maglaan ng isang gabi na aalahanin mo ang lahat ng nangyare sa inyo. Pero sabihin sa sarili na ito na ang huling araw ng pag-iyak at pag-alala sa nakaraan ninyo.


 

Gusto ko na itong simulan kahit wala ang dalawa kong baliw na kaibigan. Ayaw ko naman kasing i-depende ang lahat ng ito sa dalawa, kailangan gumawa din ako ng sarili kong way para maka-move on at hindi laging umasa sa kanila. Pero ang problema, hindi ko alam kung paano o saan ko sisimulan. Ta-tumbling ba ako sa CR? Mag-e-exhibition sa veranda? Mag-split sa sala? Punuin ng tubig ang lababo sa kusina? Kailangan ko na bang magbukas ng Google or Wikipedia? Hay! Hindi ko talaga alam kung ano ang unang gagawin para masimulan ko na 'to.

Ayaw ko na talagang subukan ito, pero dahil pinagsabihan ako nila Ej at Mhika na ang ayaw balikan ang mga alaala nila ng kanyang ex ay isang malaking duwag dahil natatakot silang masaktan uli, gagawin ko na tuloy. Kung marunong kang mag-let go ibig sabihin daw 'nun ay matapang ka. Matapang kang harapin ang lahat ng alaala niyo, kahit na ngayon ay masakit at mahirap nang alalahanin.

Binaba ko na ang kanina pang papel na hawak ko at ang puting pader na ngayon ang tinititigan ko habang iniisip kung paano sisimulan ang 2nd tip.

Kailangan ko bang umiyak para maalala ko ang lahat. O kailangan ko munang alalahanin ang lahat nang ako ay maiyak? Ito na ba ang gabi para alalahanin ang lahat? O bukas pa? O baka sa susunod na araw o linggo pa? Hays! Nakakabaliw pala kapag ikaw ang gumagawa ng sarili mong hakbang.

Nakikipagtitigan pa ako sa pader ng may kantang biglang sumulpot out of nowhere. Akala ko ang isip ko lang ang kumakanta, pero ang kapitbahay pala namin ang naglakas loob na ipatugtog ang kantang iyon.


 

"Ikaw at ako oohh... Tayo'y pinagtagpo... Ikaw at ako oohh... Di na muling magkakalayo... Sa tuwing kasama kita... Wala nang kulang pa... Mahal na mahal kang talaga... Tayo ay iisa..."


 

Ikaw at ako... ang nice naman ng choice of song niya para sa akin. Nanliligaw pa lang siya, pero sobra-sobra na ang pagpapakilig niya sa akin. Baka paghinarana niya pa ako ay hindi na ako magdalawang isip pang sumagot ng, OO!


 

One sheet of paper for you kapitbahay! Langya! Hindi ko alam kung bakit bigla na lang nag-flashback sa isip ko ang pangyayaring iyon nang dahil lang sa simpleng kantang pinatugtog ng walanjo naming kapitbahay, na para bang automatic na kapag narinig ko ang kantang yan ay bigla ko na lang maaalala ang lahat.

Erase. Erase. Erase.

Delete. Delete. Delete.

Itinuon ko na lamang ang buong atensyon ko sa ibang bagay kahit na umalingawngaw ang kanta dito sa kwarto ko. Hindi ko naman pwedeng isara ang bintana ko dahil maririnig at maririnig ko pa rin ito. No choice ako kundi hayaang i-invade ng kanta ang buong kwarto at sistema ko.

"Balooooooot! Penooooooy!" Hindi lang ang kanta mula sa kapitbahay namin ang narinig ko, pati ang sigaw ni manong balot-penoy ay rinig na rinig sa aking silid. Hindi ko napansin na gabi na pala, kaya ayan at nagsisisigaw na si manong sa daan. Dapat pala pina-sound proof ko itong kwarto ko. Azar!

"Balooooooot! Penoy kayo dyaaaaaan!" Sigaw uli ni manong—


 

"Etong balot para sa'yo. At akin naman 'tong penoy." Masayang saad niya habang inaabot sa akin ang isang itlog. Ewan ko kung ano ba ang pinagkaiba ng itlog, penoy at balot. Pare-pareho naman sila ng itsura pero malay ko ang loob. Itlog pa lang ang nakakain ko sa tatlo kaya hindi ko alam kung ano ba lasa ng ibinigay niya.

"Shann, sigurado ka bang kinakain 'to?" Parang batang tanong ko sa kanya. Isang matamis na halakhak lang ang isinagot niya sa akin. Imbes na mainis ako dahil parang pinagtawanan niya pa ang kainosentehan ko sa balot na 'to, ay kabaligtaran pa ang nangyare. Napangiti pa ako ng palihim sa naging reaksyon niya. Hindi ko alam kung dahil ba yun sa kilig o dahil ba sa ang gwapo niyang tignan habang tumatawa ng ganun. Pagkatapos niyang pagpiyestahan ang ka-ignorantehan ko sa pagkaing iyan ay ipinaliwanag niya sa akin kung ano ba ang balot.

Hindi mo aakalain na ang isang makisig at matipunong lalaking kagaya niya ay kumakain at marunong kumain ng balot. Lalo tuloy nahulog ang loob ko sa kanya at minahal pa siya ng bongga.


 

Napahinga ako ng malalim. Sheet na malagkit! Another flashback came in my mind. Wala manlang pasintabi. Bigla na lang sumulpot ang pangyayareng iyon, katulad kanina. Noon nakakakilig tuwing inaalala ko, pero ngayon ang sakit-sakit na ewan. Hindi ko alam kung bakit. Minsan nakakaasar pa. Hay!

Gusto kong batuhin ng sapatos si manong dahil paulit-ulit pa siyang sumisigaw sa tapat ata ng bahay namin. Nananadya ata. Baka pagsumigaw pa siya ng ilang beses ay ilang beses ko ring maalala ang mga pangyayareng masakit at nakaka-asar nang alalahanin.

Napaigtad ako sa gulat nang biglang may kumatok sa pinto ko.

"Anak?" Rinig ko ang pagtawag ni mama sa akin.

"Po?" Kasabay ng sagot ko ay tinahak ko na ang daan papuntang pintuan at pinagbuksan si mama.

"Anak, oh, yung paborito mo." Nakangiting sabi ni mama habang binibigay sa akin ang isang puting supot at syempre may laman. Hmm, ano kaya yan? Favorite ko daw. Baka chocolate? O chocolate? Chocolate?

Inabot ko ang supot na may ngiti sa labi habang binabalewala ang mga bagay na pumasok sa isip ko kani-kanina lang. Hinawakan ko ang laman. Yes! Busog na naman ako! Sinarado ko na ang pinto at bumalik sa kama.

Teka, parang 'di naman 'to chocolate. Ang lambot kaya. Tsaka hindi naman sa styro nilalagay ang chocolate, di ba? Nilabas ko na lang ang laman at napatitig sa pagkaing paborito ko daw. Nalusaw din ang kaninang ngiting naka-plaster sa mukha ko.


 

"Uy! Ano ba! Bakit mo tinatanggal yung cheese?" Bulalas ko sa kanya habang tinatanggal niya ang keso sa ibabaw ng puto.

"Ang sarap kaya ng cheese. Sana sa susunod damihan nila yung ipang-iibabaw nilang cheese, para mas masarap yung puto." Sambit niya at ninanamnam pa ang iilan pang keso sa puto. Another side of Shann Villagueras.


 

Napapikit ako at binalewala ang isa pang pangyayaring nag-flashback sa isip ko. Para bang bumigat ang pakiramdam ko at konting kalabit na lang sa akin ay maiiyak na ako.

Kumabog bigla ang puso ko. Hindi dahil sa kilig o sa saya, kundi dahil sa pagkabigla. Wait! Eto na ba ang 2nd tip? Nagagawa ko na ba siya... ng tama? Well, nagawa ko siya ng hindi inaasahan. Pero kung ito nga ang 2nd tip... awtsu naman! Nagawa ko nga siya ng hindi inaasahan, kaya yung naramdaman ko hindi rin inaasahan. Bakit kailangan ng ganito katinding flashback? Ang corny ng mga naalala ko. Kantang 'ikaw at ako', balot at puto... pero sobra naman ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung malulungkot ba ako o maiinis, magagalit or what? Basta ang alam ko nakakaiyak. Nakakaiyak kasi, kahit anong gawin ko hanggang sa flashback o sa panaginip ko na lang ulit ito makikita. At nakakaiyak din dahil tuwing inaalala ko ang sakit-sakit, siguro dahil hindi pa ako ganon nakaka-move on.

Hindi ko namalayang may kumawalang luha na pala mula sa aking mata. Mabilis ko itong pinunasan. Nakakatawa mang pakinggan pero naiiyak na ako sa simpleng putong nagpapa-alala sa kanya. Pusanggalang puto yan! Para tuloy gusto ko nang saksakin ng ballpen ang nananahimik na puto dito sa harap ko.

Pero dalawa lang ang natitiyak ko... Yung mga naalala ko ay hindi pa lahat at hindi pa 'to ang huling araw ng aking pag-iyak at pag-alala sa kanya.

Hindi pa ito ang last day ng pagfa-flashback ko sa aming nakaraan. Hindi pa... hindi pa tapos ang pag-iyak ko.


And another pain strike straight to my broken heart.


 

Move On Ba Yun?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon