Chapter 2

406 8 2
                                    

Chapter 2:Tips 202


 

"Oh, ito na yung mga dapat mong gawin. Ni-research pa namin yan, nagtanong-tanong pa kami at napagkamalan pa akong broken hearted dahil sa pagtatanong ko tungkol dyan sa ampupung pagmo-move on mo. Kaya ayus-ayusin mo yan!" Frustrated na sermon sa akin ni Ejhie at binigay sa akin ang isang piraso ng bond paper. Inabot ko naman ito at binasa.


 


 

Tips para maka-MOVE ON!


 


 

Yan ang nakalagay sa pinakatuktok ng papel. Kahit hindi ko na ipagpatuloy ang pagbabasa alam naman natin na ang nilalaman nito ay mga steps o tips para maka-move on ako. Hindi ko alam na seseryusohin nila ang pagtulong sa akin. At hindi ko alam na nag-effort pa sila para mag-search at magtanong-tanong para lang sa akin.

Dahil alam nilang maski ako ay hindi alam kung paano sisimulang makaahon sa masalimuot na break-up at mag-move on. Napangiti na lang ako ng palihim sa kanilang effort bilang mga kaibigan ko. Ayaw ko na sana silang idamay o abalahin pa dito pero sarili na nila ang willing na tumulong sa akin.

That's Ejhie and Mhika. Kahit hindi ko sabihing kailangan ko sila, andyan agad sila. They are my friends—no, forget that, the right term is—my bestfriends.

Teary-eyed ko silang tinignan. Kumunot ang noo ni Ejhie at napataas naman ng kilay si Mhika. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at nilapitan sila. Binigyan ko lang naman sila ng super duper ultra mega power hug.

"Ugh! Ano ba, Daniela! Kung gusto mo magpasalamat sabihin mo na lang hindi yung magda-drama ka at yayakapin mo kami! Aish! Bitaw na!" Reklamo sa akin ni Ejhie. Bumitaw naman na ako at ngumiti sa kanila ng malapad. Kahit kailan talaga ayaw na ayaw ni Ejhie na nililingkis siya, ayaw din niya ng sobrang clingy. Feeling daw niya kasi palihim siyang hinaharass at minomolestya. Ngumiti rin si Mhika sa akin,

"Your welcome, friend! Basta nandito lang kami ni Ej, para suportahan ka! At sa bawat gagawin mong pagmo-move on, tutulungan ka namin!" Masayang sambit ni Mhika sa akin. Nag-boost naman ang self-confidence ko dahil sa sinabi niya.

Feeling ko tuloy kayang-kaya ko na mag-move on. Pero syempre feeling ko lang yon, dahil alam ko naman sa sarili kong mahihirapan ako dito. Binalik ko ulit ang aking paningin sa papel na punong-puno ng mga tips. Binasa ko ito isa-isa.


 


 

1. Itapon lahat ng bagay na magpapaalala sa kanya. I-delete lahat ng pictures at messages niya ng sa ganon ay hindi mo ito gabi-gabing tinitignan.


 


 

Grabe naman 'to, first tip pa lang pero parang ang hirap gawin. Siguro sa isang ordinaryong tao na hindi broken-hearted kayang kaya niya itong gawin. Magde-delete lang naman at magtatapon. Pero para sa isang katulad kong nagluluksa sa namatay niyang puso ay napakahirap nitong isagawa.

"Paano ko gagawin yung unang tip?" Parang bata kong tanong sa kanilang dalawa. Naningkit naman ang mata ni Ej sa akin.

"Hoy, Daniela! Broken-hearted ka lang at hindi bobo! Wag mo sabihing hindi ka na marunong magdelete at magtapon ng mga basura?" So, basura na pala lahat ng mga ibinigay at alaala ni Shann sa akin? Hindi ko alam kung bitter lang ba si Ej o iyon talaga ang tamang term para sa mga alaala ni ex.

Umiling ako sa tanong niya, syempre marunong ako 'nun pero hindi ko alam kung paano sisimulan o isasagawa.

"Daniela, ganito yan..." napatingin ako kay Mhika nang magsalita siya. Mukhang ipapaliwanag niya sa akin ang unang tip. Well, tama lang yon dahil 'di ko talaga alam kung paano ko ito gagawin ng ganon ganon lang.

Move On Ba Yun?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon