PAIN 01
NUMBIt was a peaceful moment of my life, listening to my favorite song from my headphone while writing poems. Where life is lived with a balanced harmony inside me.
"Finn... qwertyuiop."
Until a sound of a whisper disturb this contentment and inner peace of mine. Hindi ko maintindihan, ano ba pinagsasabi niya?
Bago ko ito nilingon ay siniguro ko munang nailagay ko sa parteng baba ang mga katagang, 'This is for you Lola. I want you to always remember that I love you so much. I know someday that we will see each other again.' Miss na miss ko na siya, birthday niya pa naman ngayon. Kaya ginawan ko siya ng tula na pinamagatan kong, 'Nahuhulog na Sakit.' Kaugnay ng aking nararamdaman dahil kami'y nagkawalay.
Mas bumibigat tuloy ang nararamdaman ko nang marinig ko ang kantang, 'Malaya' na pinakikinggan ko mula sa headphone ko.
Bumibigat lang, pero bilang lalaki kailangan kong buhatin lang. Tss, ano ba magagawa ko?
"Bakit ka ba bubulong-bulong d'yan?" I sing out of irritation. Nanggugulo kasi.
Mas gugustuhin ko talagang manahimik sa isang sulok, magsulat ng kung ano-ano habang lumilipad ang isip ko sa iba't ibang panig ng mundo. Madalas ay doon lang umiikot ang maghapon ko, pero syempre maliban na lang kung guguluhin ako ng mga kaibigan ko, kagaya ngayon.
"Naka-headphone ka, tol."
"Huh? Anong katol?" Hanggang sa walang habas niyang tinaggal ang headphone ko sa tainga. Kaya muntik pang masira.
"Naka-headphone ka, Finn!" And now I could clearly hear him screaming as if we're not in the library.
"Oo na, panggulo ka kasi! At saka 'wag ka ngang maingay baka mapala---" Natahimik ako habang nanlaki naman ang mata niya nang makita ang Librarian na nasa harap namin at nakapamaywang!
Bago pa man makapagsalita ito, yumuko na ako at humingi ng paumanhin sa Librarian. Believe me or not, I saw that coming. Well, I'm confident in what I'm thinking right now.
Papalabasin kami dahil ang ingay namin at nagugulo ang ibang nasa library lalo't karamihan ay nagbabasa at lahat may pinagkakaabalahan. Maski ako ay hindi payag na ginugulo ako, kaya mabilis kong hinatak sa damit itong walang hiyang lalaking kasama ko para lumabas.
Imbes ginagawa ko pa sana 'yong tula para kay Lola, eh! Kapag may lumapit talaga sa akin, parang yumayanig mundo ko! Gumugulo.
Lumabas kami. Isinabit ko na lang ang aking headphone sa aking leeg habang hawak ko sa kabilang kamay ko ang ballpen at notebook na pinagsusulatan ko ng mga tula.
"Wow ha, alam na alam na mapapalabas tayo," sabi niya na ikinangisi ko lang.
"Sure ako ro'n." Napatingin ako sa kanya, mukha may sasabihin na naman 'to kaya ginulo pa ako sa library. "Anong sasabihin mo? Ha, Dhypien? Katol lang naman yata ang sasabihin mo. Tss, inis ka na ba talaga sa lamok na nasa sa 'yo dahil hindi matanggal-tanggal?" I just laugh half-suppressed.
He just sighed. Hindi 'yong totoong lamok na dumidikit sa balat ang talagang tinutukoy ko, hindi lang talaga ako makaget-over sa pangalan niya.

BINABASA MO ANG
Falling Pain
Ficção AdolescenteAww Sakit Series 01 He let the falling take over, without even considering the speculation that he's choosing the path of pain. *** •Photo by the rightful owner. •The author is still young and I'm still learning so don't hope and expect too muc...