PAIN 05
RECKLESSLYTo be blatantly honest, following a vague flow in life is an extremely reckless lift choice with perils at every turn. Because sometimes, it feels like I'm lost in the punching and beating waves.
The fuzzy water below was an opaque block, of which only faint ghost-like shadows of guts could be seen. The waves were getting rough, rising high and crashing hard enough that I could hear them.
I don't know if I was somebody trapped there, or I'm the ocean itself.
Napatigil ako sa pagsusulat at napatitig sa sinusulat ko. Hindi ganoon kahirap ang exam namin kagaya ng inaasahan ko. Ang instruction lang na nasa exam paper ay gagawa lang kami ng isang essay about life, using our choice of text type or category.
I appreciate this kind of activity. Students can express their thoughts and ideas or convey information and messages through words.
That's why being a writer is fun. I don't mean that in the, "If I say I'm a writer, I'm a writer" kind of way. I mean it in the literal, professional sense of the word. A writer is not simply somebody who writes, there's more to it.
Tho, I'm just one of those writers who write simply for personal enjoyment. I'm not that professional, but I'm earning through it. To be specific, I'm actually a poet. A freelance poet for some companies or even for individuals who need it. I consider writing poetry one way to earn an income as a freelance writer.
Saktong natapos ko ang isinusulat ko nang magsalita si Ma'am Ora.
"Class dismissed. And Mr. Weiven," tawag nito sa akin. Mabilis akong nag-angat ng tingin sa kanya pero hindi ako sumagot at hinintay lang ang sasabihin niya. "You're the president of this class, right? Please submit to me your activity along with your classmates to my office after lunch. Goodbye, class."
Pagkalabas ni Ma'am ay mabilis nagsitayuan ang mga kaklase ko at nag-iba-iba na sila ng pwesto. Panigurado ay hindi pa nila tapos ang exam activity namin kaya nagpapatulong na sila sa iba. Marami na rin ang hindi nakapagpigil at kanya-kanya na silang reklamo.
"Hayst, medyo nahihirapan ako dahil hindi ako makapili ng text type na dapat kong gamitin. Nakakanose bleed rin! Mas gusto ko pa talagang magsolve na lang ng math equations!"
"Mas okay na 'to kaysa PE! Parang ayaw kong pumasok mamayang hapon, may PE raw tayo kay Sir Cal!"
Rinig na rinig ko ang usapan ng ilan na kalapit lang ng pwesto ko.
"Masaya nga PE, eh! Nakakachallenge naman ang Math kaya masaya rin. At saka nakakaenjoy din kaya magsulat. Pero opps." Agad nitong itinaas ang kamay niya nang tangka ang mga kaklase kong lalapit sa kanya. "'Wag kayo sa akin manghingi ng isasagot d'yan. Alam n'yo naman na kung sino---" Hindi na nito naituloy ang sasabihin niya nang sabay-sabay ang mga itong napatingin sa akin na noo'y nakatingin din ako sa gawi nila.
Shit! I already saw this coming, but I'm still surprised by their action.
Kita ko na marami nang papalapit sa pwesto ko rito sa likod kung saan ako nakaupo nang biglang bumalik ulit si Ma'am, kaya halos maestatwa ang lahat na parang hindi na makahinga dahil sa hindi inaasahang pagbabalik nito.
"I forgot to inform you class na hindi darating si Sir Eugene. Wala muna kayong GenMath ngayon kaya may oras pa kayong tapusin 'yang essay." Napagingin ito sa amin isa-isa, specifically sa mga estudyanteng nakatayo. "And class, please behave. You're already seniors pero kung kumilos kayo ay para pa rin kayong juniors. Plus, kayo ay nasa high section ipakita n'yo naman na deserve n'yo rito. Dapat nga ay tapos n'yo na 'yang essay eh dahil 30 minutes naman ang ibinigay ko sa inyo."

BINABASA MO ANG
Falling Pain
Novela JuvenilAww Sakit Series 01 He let the falling take over, without even considering the speculation that he's choosing the path of pain. *** •Photo by the rightful owner. •The author is still young and I'm still learning so don't hope and expect too muc...