Pain 16: Inside

214 25 79
                                    

PAIN 16
INSIDE

We arrived at our unit, and the first thing that echoed in my mind is... what will happen next?

At first, I really thought that silence would envelop us inside, but it's contrary to what happened.

"Ano nga pa lang---"

"Finn, ikaw---"

"Tol, gusto ko---"

Sabay-sabay kaming nagsalita. At sabay-sabay rin kaming natigilan.

Narinig ko ang pagtawa ni Dhypien saka ito lumundag sa mahabang sofa, habang si Krypton ay mabagal na tinungo rin ang sala.

Ako, matagal akong napatigil sa may bandang pinto.

I don't know what to do, it's messy inside me. Inside my mind. I'm damn confused, and it's difficult to deal with.

"Finn, bakit nandyan ka? Dito ka," anyaya sa akin ni Dhypien. Kakaiba at madilim ang tono niya pero tinanguan ko lang siya bago ko inihakbang ang aking mga paa.

Naging tahimik na naman ang buong room, and I felt so cold. Kahit galing kami sa initan kanina dahil nga tirik na tirik ang araw kapag banda ala-una, pinagpapawisan ako sa lamig. Mas nakadagdag pa sa lamig 'yong hatid ng unit namin.

With my sharp state, I raised my head... and I saw them intently watching me.

Wow. This is so awkward.

"Chill lang kayo mga tol." Tumawa pa ako nang bahagya. "Ano nga pala 'yong sasabihin n'yo kanina?"

"Ikaw muna," they said in chorus.

"That's actually... what I was about to say. Anong gusto n'yong malaman? This time, I'll try my best to answer your questions truthfully, and without any... pretenses."

"Hindi. 'Wag mo na isipin 'yon, Finn. Actually, hindi namin gusto magtanong. Gusto namin magkwento ka talaga. Ikaw mismo, kung ano gusto mo sabihin." Si Krypton.

Hanga talaga ako sa kanya, kapag may gusto siyang sabihin... sinasabi niya talaga lahat. Tuloy-tuloy siya magsalita, at napakahaba.

Puro sana all sa isang Krypton Clive Vaemer.

"Pansin kasi namin, na kinakausap mo lang kami... kapag kinakausap ka namin. Ibig kong sabihin ano... Hindi ka lumalapit... Hindi 'yong ikaw mismo ang lalapit sa amin at kakausapin kami at magsasabi tungkol sa mga nangyayari. Lalo na sa mga panahong naguguluhan kami, imbes kasi sagutin ay mas nadadagdagan tanong namin kapag umaalis ka bigla, na parang pinagtataguan at iniiwasan kami."

I can't help but to laugh inwardly.

Bakit nga ba? Bakit ganito ako, kahit may mga taong handang makinig sa akin? Bakit ayaw kong magsabi? Bakit hindi ko sinasabi?

Ganito na ba ako katakot? Kalalaki kong tao, dahil ba talaga sa takot kaya hindi ako umiimik?

O dahil sa pakiramdam, wala naman kasing halaga kung sasabihin ko pa. Kasi bakit... may mababago ba?

"May mababago ba, kung sasabihin ko pa?" mapakla kong sabi. I know, I was a jerk at this point. I'm such a fool, for pushing these great people. They're a good friend... such a great friend that I don't wanna involve in whatever my problem is. Even if they're open arms and willing to help me.

Falling PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon