Pain 17: Never

264 32 31
                                        

PAIN 17
NEVER

"Bwisit ka, hindi ko maintindihan!"

"I told you before, you won't understand. Mahirap talaga ako intindihin Faye," taas-noong turan ko.

"Edi ipaintindi mo kasi!"

I chuckled as I continued to walk. Bahala siya r'yan.

Gusto ko munang magtungo sa Endlessapid Cafe, nagutom ako bigla.

"Tumatawa ka na naman! Wow ha! Pagkatapos n'ong mga nangyari, chill ka pa rin!" I don't know if it's a compliment or pure sarcasm.

By that, I faced her and make face. I saddened my face and faked my sobs. Pinunasan ko rin kunwari ang luha ko sa mga mata at saka sumigaw na, "Huhu, sakit---Aray!"

Bigla ako nitong sinipa sa paa at umuusok ang ilong na nagpapadyak papalayo.

"Why? Bakit n'yo ba 'ko sinasaktan?" pagkukunwari ko pa.

But deep inside, I really wanna ask that to them. Sinasaktan nila ako... dahil ba 'yon sa gusto nila akong makitang umiiyak?

Pinipilit nila sa akin na ipakita ko ang aking nararamdaman, pero dahil hindi ako nagpatinag... si Dhypien ay sinuntok ako, habang si Faye naman ay naninipa bigla.

Grabe na sila sa akin.

"Naging pilosopo ka na talaga! Nakakainis ka!" singhal nito.

"Why?" malungkot na boses kong habol pa sa kanya.

Dumuro ito at nakapamaywang na hinarap ako. "That! Niloloko-loko mo! Hindi 'yan ginagawang biro. Ayan oh, bakit ganyan mukha mo? Oo, kagaya nila gusto kong ipakita mo rin na nasasaktan ka, oo mukha kang malungkot pero parang kinukunwari mo lang kasi! Aish, basta!"

Salubong na salubong ang kilay nito at parang aatakihin na dahil sa galit.

Hindi talaga ako magaling sa pagbibiro. Nagagalit sila bigla.

Ibinalik ko na lang ang dati kong mukha sa pagkaseryoso at naglakad nang muli. I rested both of my hands on my back. Ngunit agad akong napahawak sa aking tiyan ko nang ito'y biglang tumunog.

Nakita ko ang mahinang pagtawa ni Faye sa likod ko kaya hindi ko mapigilang mapatikom ng bibig at mariing mapapikit.

Naguguluhan talaga ako sa nararamdaman ko. Hindi ko alam kung masaya ba ako, malungkot, o naiinis.

"Faye... hindi ba dapat nagpapahinga ka sa unit mo ngayon? Kagagaling mo lang sa sakit."

"Shift ko ngayon, ako gagawa ng kape mo... at cashier na rin. At saka hindi ako pwedeng pachill-chill lang. Ang dami kong babayarin." Bumuntong-hininga pa ito. "Ang mahal ng tuition, malapit na rin second sem. Pati na rin ang bayad sa apartment, malapit na bayaran."

"If you need something, I'm here Faye. Hindi man halata, pero marami akong pera." Inakbayan ko rin ito at sabay kaming pumasok sa cafe.

"Weh?"

"Marami akong trabaho, tapos hinuhulugan... nila 'yong bank account ko buwan-buwan," pag-amin ko. Sa nakalipas na ilang linggo, hindi pa ako kumukuha ro'n.

Falling PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon