Pain 14: Pity

269 33 55
                                    

PAIN 14
PITY

"Ano pong gamot, Sir?"

"Two tablets of Paracetamol po, 'yong Biogesic," tugon ko.

The pharmacist immediately handed me the medicine. Nagpasalamat ako at umalis agad, hindi rin naman ako pwedeng magtagal dahil may pasok mamaya.

Bitbit ko sa magkabila kong kamay ang pinamili kong gamot at tsamporado. Kahit pasado alas tres ako lagi nakakatulog nitong buong linggo ay maaga pa rin akong nagigising dahil 'yon ang kailangan.

When I got to her unit, I first knocked three times and ask her for confirmation before I walk in. Well... I could have a response, only if she was already awake.

"Faye papasok na ako ha?"

"Sige!" sigaw nito hudyat upang tuluyan na akong pumasok gamit ang susing ibinigay nito.

Since she couldn't bear to be upright and open the door for me.

Pagpasok ko ay nakita ko itong nasa sala habang kinakalikot ang cellphone niya. Tss, tigas talaga ng ulo ng babaeng 'to.

"May sakit ka pero puro ka pa rin cellphone."

Inilapag ko sa mesa sa harap niya ang dala ko at saka ito pinakatitigan nang mariin.

"Ang aga pa bakit gising ka na? At saka kumain ka muna ng almusal. Bumili ako ng tsamporado, inumin mo na rin 'yong binili kong gamot para gumaling ka na nang tuluyan."

"Masusunod po..." walang ganang anito. Tumango-tango pa ito sa napakatamad na paraan.

Dati na siyang maputi pero pansin pa rin ang pagkaputla niya at panghihina ng kanyang katawan. Isang linggo na ang lumipas pero hanggang ngayon ay mukhang hindi pa siya tuluyang maayos.

Nilapitan ko siya. I placed the back of my hand to her forehead, pinakiramdaman ko kung mainit pa siya... at oo, halos mapaso ang palad ko nang idikit ko ito.

"Faye sigurado ka bang iniinom mo ang mga gamot na binibigay ko sa 'yo?" nag-aalalang tugon ko.

Hindi talaga 'to pwedeng hayaang na mabasa ng ulan. Ang bilis niyang magkasakit at ang mas malala pa ay ilang araw ang itinatagal nito. Ngayon nga ay isang linggo na pero nilalagnat pa rin siya.

Humikab ito kasabay ng paglukot ng mukha niya. "Paulit-ulit n'yo na lang sinasabi 'yan. Mukha ba talaga akong makakalimutin?" daing nito.

"Naniniguro lang, Faye. You still have sick."

"Hindi ko rin alam kung bakit. Pero kahit na. Hayaan na lang natin," pagmamaktol nito. "Maaga akong nagising dahil gusto ko na pumasok."

She pouted and plead, "Please? Gusto ko na pumasok. I already missed a lot of our lessons." She met my gaze, eyes are begging.

"I'm giving you notes, Faye. Pagtiyagaan mo na lang muna 'yon. The important thing here is... gumaling ka na." I bring closer the food that I bought for her as I snatched the phone she was holding.

"Please take care of yourself," turan ko pa. Hindi lang masyadong halata pero sobra-sobra ang pag-aalala ko sa kanya.

She's all alone in this too room, there's no one except me to take care of her. Nasa'n ba mga magulang nito? And her boyfriend, I haven't seen him even his shadows. Bakit nila pinapabayaan si Faye? Dahil ba mukha siyang malakas? Nakalimutan yata nilang babae rin si Faye, and the fact that every person in this world has their low points.

At saka nakakainis dahil napakatigas ng ulo ng babaeng 'to kaya umabot sa puntong hiningi ko ang isa pang susi ng unit niya para mapuntahan at mabantayan siya. Para icheck na rin at masiguro na inaalagan niya rin sarili niya. Noong mga nakaraang araw kasi ay kahit ilang beses akong kumatok o magdoorbell hindi niya ako pinagbubuksan. Buti sana kung dahil 'yon sa natutulog siya, kumakain, o nagpapagaling.

Falling PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon