Pain 08: Disappear

365 41 100
                                        

PAIN 08
DISAPPEAR

"F-Finn, paabot ng shanghai."

I squint my eyes at her and leaned to my chair while emitting a deep sigh.

Impossible means not possible, not possible.

I'm just overthinking. Kung ano-ano talaga naiisip ko minsan. O madalas talaga. Being born as an overthinker person is not a good thing since I know I won't be able to calm myself with those damn thoughts.

"Tol, paabot daw ng puso mo. Willing ka namang ibigay kay Miafaye, 'di ba?" My forehead creased as I heard those words from Dhypien.

"Huh?" I don't get it. Puso?

Sabay na natawa sina Dhypien at Krypton. Agad silang sinaway ni Tita Demi, habang si Faye naman ay sinamaan lang ng tingin si Dhypien.

"Kanina n'yo pa inaasar ang dalawang 'yan. Dhyp, kumain ka na nga lang d'yan. Mukhang magkaibigan lang naman sila." I heard Tita chuckle. "Mia, hija, ito ang puso---ay shanghai pala. Dahan-dahanin mo lang, baka mabigla ka." Inunat ni Tita ang braso niya upang maabot ang bowl ng shanghai na nasa kanan ko saka inabot ang ilang piraso kay Faye. 

Hanggang sa namalayan ko na lang na nilagyan din ni Tita ang plato ko. "Finn, ito oh, tikman mo rin 'tong shanghai na niluto ko. Sakaling malinawan ka."

Muntik na akong mabulunan sa kinakain ko dahil sa sinabi ni Tita. It's contrary to her words, it was a blur to me.

Ano naman kasing kinalaman ng shanghai sa kalinawan?

"Po?" Lutang ba ako ngayon o hindi ko talaga sila maintindihan?

Mahilig ako sa gumamit ng mga salitang may malalim na pagpapakahulugan, pero bakit kapag sa iba nanggagaling wala na akong maintindihan?

Medyo marami ang hinanda ni Tita dahil halos mapuno ang kanilang mahabang mesa na sampung katao ang pwedeng pumwesto. Tita was sitting to my left side, while Dhypien, Krypton, and Faye are in front of us. Tatlo sila na nakapwesto sa kabilang side ng table.

Katapat ko si Dhypien, habang si Krypton ay nasa gitna nila ni Faye.

"Ah... hijo it's something like this."

"Ayan na naman si Mama," buntonghininga ni Dhypien.

Agad siyang sininghalan ni Krypton na nasa tabi niya. "Shhh, gustong-gusto ko kaya kapag gumaganito si Tita."

Hindi pinansin ni Tita ang kanyang anak at nagpatuloy lang ito sa kanyang sinasabi.

"Kumbaga may mga bagay na hindi mo maiintindihan sa una, pero huwag kang mag-alala dahil may plano ang Panginoong Diyos para d'yan. Sa tamang panahon ay maiintindihan mo rin. At saka alam mo ba, minsan..." There was a long pause. "Kailangan mo lang tanggapin o hindian ang mga nasa paligid mo. Kasi hindi mo alam, kagaya nitong shanghai, maaring ito pa ang maging dahilan para masagot mo ang iyong mga katanungan."

Napangiti ako and I nonchalantly nodded my head.

"I could not agree with you more, Tita. I really believe na ang bawat katanungan ay may kasagutan, magkakaiba lang kung kailan at paraan kung paano natin ito nakakamtan."

Falling PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon