PAIN 02
ENDINGThe air is still and chilling and the streetlight provides no warmth, just a harsh pool of sterile light.
Underneath the light, I was huddled by my own black jacket. Palubog na ang araw pero nandito pa rin ako at naghihintay sa tabi ng daan. Ang tagal niya naman kasi.
The time ticked by until I finally saw him approaching. He's scratching the back of his head. Nakasuot ito ng black cozy long sleeve sweater habang naka white beanie pa. Kaya hindi ko alam kung 'yong ulo niya ba ang kinakamot niya o ang suot nitong beanie.
"Ayos lang," kaagad kong sabi bago pa man siya magsalita.
Sandali siyang natahimik saka natawa. "Wala naman akong sinasabi," he refuted.
"Wala pa."
"Oo na. Pero sasabihin ko pa rin. Natagalan kasi akong kumbinsihin si Mommy. You know, I'm still 16, hindi pwedeng basta-basta ay uupa tayo sa apartment. Buti pa nga kayong dalawa ni Dyphien ay 17 na." Napatango-tango ako. Unlike Krypton, hindi ko na kailangang magpaalam.
Sino nga bang lalayas ang magpapaalam?
"Pero pinayagan ka," dugtong ko sa sinabi nito. It wasn't a question, but a statement.
He nodded his head. "Fortunately, yes. Malapit sa university ang apartment at sinabi ko ring kasama ko naman kayong dalawa ni Dhypien kaya sa huli ay pinayagan din ako." Kita ko ang lawak ng ngiti nito. "Sinabi ko na rin kay Mommy na maghahanap na ako ng part-time job pero hindi siya pumayag, kapag nag-18 na lang daw ako. Tapos ang dami niya pang pinagsasabi at paalala kaya napaghintay pa tuloy kita nang matagal."
"Sana all mahal ng magulang." He shook his head because of my remark.
Sana all naman kasi talaga.
"Busy lang mga 'yon, pero mahal ka nila."
Napahinga ako nang malalim bago ko ipasok ang magkabila kong palad sa bulsa ng jacket ko.
I gave him a wry smile, expressing reluctance. "Sana nga. Pero parang hindi talaga, eh. Ang alam ko isa lang nagmamahal sa akin sa pamilyang 'yon, ang kaso lang iniwan din ako. Tapos ang pamilyang 'yon, ni hindi man lang ako binigyan ng pagkakataon na makasama ang natatanging nagmamahal sa akin sa huling pagkakataon."
Bigla akong natahimik dahil sa bigla kong sinabi. Hindi ko talaga alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman.
Weeks passed, but I still feel numbness and shock, with disbelief at the same time. It takes time for the reality to sink in my mind that she's really gone.
Hindi ko matanggap na iniwan na ako ni Lola. Hindi ko pa rin matanggap.
Slowly at first, but gradually getting heavier.
Muntik na akong malunod sa aking iniisip, buti na lang ay agad akong kinalabit ni Krypton at isinenyas na tumawid na kami sa pedestrian lane. Kanina pa pala kami hinihintay ng driver nila na nasa kabilang daan para ihatid kami sa apartment.
Nasa gitna kami ng byahe nang biglang binasag ng kasama ko ang nakabibinging katahimikan.
"Ilang linggo na rin no'ng bumalik si Faye. Nag-usap na kayo?"
I shook my head, thrice. "Pagkatapos niyang ibalita sa akin na p-patay na si Lola, hindi na kami nakapag-usap ulit kahit pa classmates kami. Ayaw ko muna siyang kausapin. Hindi rin naman siya nangulit."
"Ibig sabihin ba n'on ay hindi mo rin pa alam anong dahilan ng pagkamatay ng Lola mo?" muling tanong niya.
I bobbed my head. Ngayon ay nag-iwas na ako ng tingin. Sana hindi niya na dugtungan pa mga tanong niyang sobrang hirap sagutin. "A-Ayaw kong malaman ang dahilan. Kung sana ay hindi ako pinagkaitang makita siya sa kanyang libing, edi sana alam ko. Kaya kung alam mo man dahilan ng pagkamatay ni Lola, 'wag mo na lang banggitin sa akin."

BINABASA MO ANG
Falling Pain
Genç KurguAww Sakit Series 01 He let the falling take over, without even considering the speculation that he's choosing the path of pain. *** •Photo by the rightful owner. •The author is still young and I'm still learning so don't hope and expect too muc...