Pain 07: Impossible

366 45 99
                                        

PAIN 07
IMPOSSIBLE

"Yes you, please come here!"

Is she calling Faye?

Agad kong sinundan ang tingin nito at si Faye nga talaga. Inilingan ko siya. But she just mouthed, "Ha?"

Hindi niya ba naiintindihan ang ibig sabihin ng pag-iling?!

"You just need me, right? No need to include her." I clenched my fist as I look at this girl beside me.

"Shemay! Oh my God!" tili niya na sinabayan ng mga tingin ng iba pa naming kaklase na malapit sa pwesto namin.

We're currently in the gymnasium, practicing those dance steps instructed in our book. Halos kakaalis lang ng professor namin sa PE na si Sir Cal.

"Your voice sounds so surreal!"

My forehead creased. What's wrong with my voice?

"No'ng grade 9 and 10 tayo, minsan ka lang din magsalita! Kapag tinatanong kita hindi ka sumasagot, tapos ngayong hindi kita kinakausap saka ka nagsasalita!" She raised an eyebrow and rolled her eyes.

A passive-aggressive response, huh? She's so OA!

"May gusto lang akong sabihin sa transferee."

Dahil sa iniisip ko pa rin kung ano bang pinagsasabi ng babaeng ito ay 'di ko namalayan na papalapit na pala si Faye rito sa pwesto namin sa bandang gilid.

Nakita na kaya niya 'yong naghahanap sa kanyang lalaking may berdeng mata? 'Yong boyfriend niya?

Tinanong ko naman si Faye kanina, but she keeps her silence all along. She was staring blankly at the emptiness.

I asked her if that green-eyed guy was her boyfriend. And her silence... was her only response.

Is her silence means yes?

Is that mean... Yeah, that's it. The answer was as clear as glass.

I stand up straight and faced this Venisse girl.

I know we have done something wrong, but there's no need for her to act this way. Bakit ba hindi kayang tanggapin ng mga tao na ang nangyari ay nangyari na? At kahit ano man ang gawin o maramdaman ngayon, hindi na nito mababago ang kahit na ano sa mga nangyari.

Why waste your time being angry with someone because he or she had done something wrong to you?

Why waste your tears? And cry over something or someone who you can no longer see again? Or if things didn't turn out the way you imagine it. There's no point in giving responses to what we can't change.

Kapag ba umiyak ako mababalik n'on si Lola? Hindi naman 'di ba?

Nabaling ang tingin ko sa babaeng nasa harap namin. Dahil hindi talaga naintindihan ni Faye kanina ang pag-iling ko ay ngayo'y nakalapit na siya sa amin.

"Faye, ako na bahala rito. Balik ka na---"

Our eyes met. Her eyes widened, and suddenly she lost her balance. My hand automatically held her waist to steady her balance.

Our faces were only inches away. We were in that position for a few seconds when I finally taken aback.

Pero nanatili lang itong tulalang nakatingin sa seryoso kong mukha at bahagya pang nakaawang ang kanyang bibig. Hanggang sa napakunot ang noo ko nang mapagtantong tila bumabagal ang oras na tanging siya lang ang aking nakikita. Wala akong makitang ibang tao sa paligid namin.

Where did they go?

Seriously, what's happening? Namalayan ko na lang na matutumba si Faye kaya sinalo ko siya agad ng aking kaliwang bisig. At ngayon, katulad ng mga nangyayari sa mga nobela na nababasa ko, nakatitig ang bidang lalaki sa mga mata ng bidang babae at doon ay unti-unting nagsimula ang kakaibang pakiramdam na sa paglipas ng panahon ay mapagtatanto niya rin ang dahilan.

Falling PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon