Pain 03: Vagueness

508 56 175
                                        

PAIN 03
VAGUENESS

I realized something that made me suddenly motionless in shock. However, I'm still dumbfounded at the emptiness of this dark area.

"Kainis!" I exhaled harshly. Gusto ko na lang magpahinga, pero mukhang ayaw akong hayaan ng sitwasyon.

Nakalimutan ko ang susi ng unit at tulog-mantika pa naman ang dalawang 'yon, kaya baka hindi ako makakauwi sa unit. Baka kahit mag-doorbell ako ay walang saysay.

Mukhang sa labas ako matutulog.

Nang napagdesisyunan kong ihakbang na muli ang aking mga paa ay biglang naramdaman ko ang paghawak ng kamay nito sa aking palad, pinipigilan ako sa tuluyan kong pag-alis. I looked back at her with a confused look.

"Hindi mo pa rin ba ako papansinin hanggang ngayon?"

I omit to answer her question. Something was amiss, and silence was my verdict.

Seconds and minutes passed by... the deep serenity rang through the void, filling me with utmost unease.

"Finn... I'm sorry. Sorry kung nasigawan kita kanina. Sorry sa lahat. Sorry kung galit ka sa akin dahil hindi ko natupad 'yong pangako kong babalik kami nang sabay ni---"

I squeezed her hand that was holding mine to stop her before she said that one.

The truth was painfully obvious---Lola was gone.

At wala na akong magagawa roon. Alam kong wala na, ano pa bang magagawa ng isang namatayan?

"Ubos mo na ba order mo? Kung hindi pa, dapat ay ubusin mo muna bago ka lumabas. Kung oo... malalim na ang gabi, paniguradong nag-aalala na sa 'yo parents mo." I tried all my best to divert that sensitive topic. "Mas mabuti kung umuwi ka na."

Saglit siyang natulala, saka napatikom ng bibig. Baka naguguluhan sa pag-iiba ko ng usapan at pagputol ko sa sinasabi niya.

Hindi ko pa gustong kausapin talaga si Faye dahil kagaya ngayon, alam kong sinisisi niya ang sarili niya sa pagkamatay ni Lola. Ayaw ko siyang kausapin dahil mas nahihirapan ako sa nararamdaman ko.

But that wasn't right. We've been close friends simula elementary, not until third-year high school, she and her family decided to go to America, along with Lola Carmen for her medication. She's been taking treatment before, but nothing's happening. Kaya sa ibang bansa ito ipinagpatuloy, maging ang pag-aaral ni Faye ay pansamantalang do'n niya ipinagpatuloy.

That's why she's not at fault.

Kundi ako. Ako ang may kasalanan. Kasalanan ko kasi nandito lang naman ako naghihintay, wala akong ibang ginawa kundi maghintay lang. Kaya wala akong karapatang sumbatan ang taong naging kasama ni Lola. Si Faye.

"Actually, h-hindi pa talaga ako nakakaorder dahil nakita kita sa gilid." She heaved a loud sigh. "Nagugutom nga ako pero wala naman akong kasama kumain dahil paalis ka na. Pero kung sasamahan mo ako, why not 'di ba?" I don't know but she looks so cute now that she's giving me this smile of amply while the one side of her lip raises just a bit. Malayo sa malungkot na aura na bumabalot sa kanya kanina.

Hindi naman ganoon kadilim dahil sa totoo lang ay maraming ilaw sa paligid kahit gabi na kaya kitang-kita ko ang mistulang nagniningning niyang ngiti, kahit mukha talaga siyang nakangisi.

Her smile was like a sudden beam of light illuminating the darkness of the night, along with her glowing eyes.

Madilim ang paligid kaya tila nagniningning ang asul nitong mga
mata.

"Yeah of course, why not?" Sinabayan ko ito ng tipid na ngiti.

Dahil sa gulat ay napabitaw siya sa kanina pang magkahawak naming kamay na maski ako ay hindi ko napagtuunan ng pansin. Dali-dali itong lumundag payakap sa akin. Hanggang balikat ko lang kasi siya. At first, I stiffed. But later on, I just saw myself hugging her, still with a small smile on mine.

Falling PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon