PAIN
UNDONE"Malungkot ka, pero bakit hindi ka umiiyak?"
Tahimik akong nagbabasa sa library nang may biglang nagsalita sa tabi ko. Sandali akong natigilan pero agad rin akong nagpatuloy muli sa pagbabasa dahil baka hindi naman ako ang kinakausap niya.
"I'm Dhypien. Kaklase mo ako, Grade 10-Newton ka rin 'di ba?" muling tugon nito.
By that, I faced him. Nakaupo ito sa upuan sa kanan ko.
To be honest, I'm not really sure if he's actually my classmate. Dahil ni kahit isa ay wala akong matandaan sa mga kaklase ko. At saka second day pa lang ng panibagong school year. Iilan lang ang mga pamilyar na mukha na nakita ko na naging kaklase ko noong nakaraang taon.
"W-Why?" 'Yon lang ang katagang lumabas sa bibig ko habang nananatiling nakatingin sa kanya.
"Akala ko talaga hindi ka nagsasalita," natatawang sabi niya. "Pero ang tipid mo pa rin magsalita."
I cleared my throat and turned back my gaze on what I was reading. I don't know how to answer him. I really don't know. Buong school year wala akong nakakausap noong nakaraang taon simula nang umalis ang nag-iisang kaibigan ko na si Faye.
Sa bahay, wala rin akong nakakausap. Sino namang kakausapin ko eh nakakulong lang ako lagi sa kuwarto?
I don't also do social media.
That's why I really don't know how to interact again. Hindi naman talaga ako tahimik na tao, but my situation... made me.
"Hayaan mo na 'yong sinabi ko. Naiintindihan ko naman. 'Yong girlfriend ko rin kasi minsan... nanahimik na lang bigla na akala mo pipi." Tinawanan nito ang kanyang sinabi dahil sa biglang naalala.
"Eh, tinanong ko lang naman that time kung pogi ba ako. Tapos biglang hindi nakaimik." Napailing-iling ito. "Gano'n na ba ako kagwapo para hindi siya makasagot sa itinanong ko? Hays, sa bagay may mga pagkakataon talaga siguro na ang hirap para sa atin na sagutin ang mga bagay-bagay. Kasi ang hirap aminin ng totoo."
Nanatili akong nakatigin sa librong binabasa ko habang patuloy lang na nakikinig sa pinagsasabi ng katabi ko.
Mukha naman siyang walang binabalak na nakasasama, unlike others. Kaya hinayaan ko na lang ang pagkausap niya sa akin.
Ayaw ko talagang may gumugulo sa akin, pero mukha naman siyang mabait at matino. So... yeah.
May kwenta 'yong sinabi niya na parang hindi rin. Maganda 'yong mensahe pero 'yong paraan niya, it sends me a brush-off coldness. Nilalamig ako bigla na parang may bagyo.
"Pero alam mo, kagaya ng sabi ni Mama... Ayos lang naman daw magsabi ng katotohanan kahit mahirap man 'yan o madali... Kung ano man ang totoo, hayaan mong 'yon ang lumabas. Hindi kailangang itago." Napatango-tango pa ito sa sarili.
"May mababago ba... kung s-sasabihin pa? Hindi ba obvious naman na bakit pa ipapaalam... 'di ba?" mabagal na sabi ko.
Saglit itong natigilan dahil sa sinabi ko bago ito tumugon.
"Tama ka. Bakit ko pa nga ba tatanungin sa kanya kung pogi ako? Eh alam ko naman na 'yon noon pa." He smiled, smugly. He also wiggled his head, thrice.

BINABASA MO ANG
Falling Pain
Teen FictionAww Sakit Series 01 He let the falling take over, without even considering the speculation that he's choosing the path of pain. *** •Photo by the rightful owner. •The author is still young and I'm still learning so don't hope and expect too muc...