PAIN 09
EAGERAs already a part of my every night, I was so engrossed in my thoughts last night that I didn't even realize I'd fallen asleep.
When I awoke, the sunlight was beaming brightly on my face. As I rolled out of bed to do my stretching, I groaned. Sakit ng ulo ko.
Pagpihit ko ng pinto para lumabas, si Krypton ang bumungad sa akin na nakatayo ro'n. Bahagyang nakataas ang kamay nito na mistulang kakatok pa lang pero dahil nakita na niya ako ay ibinaba niya ito. He gave me a bright smile.
"Good morning, Finn," bati niya. "May pasok ka ngayong Saturday?"
"Mayro'n," sagot ko. "Kayo?"
"Wala, eh."
I just nodded my head and I roamed my eyes on our unit. Wala si Dhypien, baka tulog pa?
"Nasa'n si Dhypien? Ngayon n'yo na ba planong magdesign ng unit?"
"Unfortunately, our future engineer changed his mind. Okay na raw ito, ayos naman na raw kaya hindi na kailangang magdesign-design. Pero plano namin bumili ng groceries natin, kagaya ng napag-usapan namin kagabi. Pero..." Kagaya ng nakagawian, napakamot na naman ito sa ulo niya. He looked hesitant to spill it, pero kalaunan ay nagpakawala siya ng buntonghininga saka muling nagsalita.
"Hindi pa bumabalik si Dhypien mula kagabi. Who would have thought? Kagaya mo noong nakaraan, siya naman ang hindi natulog dito kagabi."
"I bet mamayang gabi, ikaw naman ang wala," I assumed.
Natawa lang siya saka nagpunta sa living room at ibinagsak ang sarili sa sofa.
"Nga pala, nakita ko ulit 'yong lalaking may green na mata. Nakasabay ko siya kanina sa elevator, nagpasalamat pa nga siya sa akin. Siguro nandito siya dahil kay Faye." Nagpangalumbaba ito at ibinaling sa akin ang tingin. "Boyfriend ba talaga 'yon ni Faye?"
I was unable to get a word out for a while. Lumapit ako sa kanya, pero nanatili akong nakatayo.
"I'm not sure. But it's obvious, so the answer is... yes." I plastered a small smile on my face.
"Inaasar-asar ka lang ni Dhypien kahapon, hindi mo naman talaga gusto si Faye 'di ba?" usisa nito.
Tumikhim ako. Ang dami talaga niyang tanong lagi.
"Of course," I said casually. "Well, stay strong sa kanila."
Mabilis ang kilos ko para makahabol sa klase. Kumain lang ako ng ramen dahil nga wala pa kaming stocks ng pagkain para pagpilian. Saka ko lang din nalaman na may resto-bar pala sa first floor ng apartment, nakita lang din ni Krypton kanina dahil do'n siya bumili ng almusal. Habang sa pinakamataas na palapag ay may library.
The latter excites me. I planned to go there after our class. It upheaves my dopey mood earlier.
10 am ang klase namin ngayon kaya pagkarating ko sa room ay wala pang prof.
Hindi ko masyadong pinansin ang mga nasa paligid ko at mas piniling magbasa-basa ng aming lesson kahapon, at nag-advance reading na rin.
BINABASA MO ANG
Falling Pain
Teen FictionAww Sakit Series 01 He let the falling take over, without even considering the speculation that he's choosing the path of pain. *** •Photo by the rightful owner. •The author is still young and I'm still learning so don't hope and expect too muc...