PAIN 04
EXPRESSION"What?! Bakit hindi mo kami ginising? Hindi ka ba natulog?"
I just gave him a short partly suppressed laugh. Hindi niya ba natatandaan na sanay akong magpuyat dahil sa kakabasa at kakasulat ko gabi-gabi?
"Tol, I actually tried. But nothing was happening, hindi kayo magising-gising kahit siguro gibain ko na 'yong pinto. Baka masira ko rin pa ang doorbell kakapindot ay hindi man lang kayo maalimpungatan." I just shrugged. "Nakapatay rin pareho ang phone n'yo." I was so hopeless.
Saglit akong humigop sa white coffee na inorder ko kanina sa Endlessapid Cafe bago ako umalis at naghintay na magbukas ang pinto ng aming unit. Nagpatuloy ako sa pagsasalita nang makita ang pagkakamot nito ng ulo at hindi makatingin sa akin nang diretso.
"Don't worry, nakaidlip naman ako nang ilang oras sa cafe. Hindi naman ako pinalayas dahil 24 hours bukas 'yon at... marami rin kaming inorder kanina kaya siguro ay suki na ako." I just chucked with that statement, but it was immediately turned into a nervous restrained laugh when I saw his curious look.
What is he thinking? I really hate all these conclusions in my head. Hindi na nakakatuwa, na parang alam ko ang iniisip niya o ang mangyayari.
"What do you mean about kami? Sinong kayo?" Pinanliitan ako nito ng mata. "Sa totoo lang ikaw ang may kasalanan kasi bakit ka pa lumabas eh sinabi na nga naming maaga tayo magigising kinabukasan dahil aayusin natin ang designs ng unit? Tapos, kinalimutan mo pa ang susi."
"Tol, I know what you're thinking. Sorry to burst your bubbles but you're honestly wrong. Hindi talaga ako mahilig sa pag-ibig, kaya hinding-hindi ko gagawin ang makipagdate lalo na sa ganoong oras."
He laughs unrestrainedly and heartily. Nagmukha ba akong guilty? Eh, si Faye lang naman kasama ko kagabi. At halata sa mukha niya ang iniisip niyang nakipagdate ako.
"Wala naman akong sinasabing ganyan," tawa niya pa.
"But it's clear like a transparent glass that you will about to say that! Sa tingin mo pa lang sa akin ay alam ko na agad." Napahinga ako ng hangin. Bakit parang hinihingal ako agad sa pagsasalita ko?
"Hindi naman kita huhusgahan. Alam mo I've been there..." Muntik ko nang maibuga ang iniinom ko nang tumayo ito at mabilis akong inakbayan habang pinagpapatuloy ang mga salita niyang maaaring magdulot ng kabagyuhan. "Kaya sabihin mo na sa akin, baka kasi kapag nagkasalubong kami kagaya ng ibang mga babae d'yan ay ma-in-love sa akin! Mas mabuting ipakilala mo na sa akin para masabi ko na agad sa kanyang 'wag na niyang ituloy ang binabalak niyang---"
"Sorry kung ngayon lang ako nagising. Nasanay kasi akong si Mommy gumigising sa akin." Naputol ang pagsasalita ni Dhypien nang lumabas si Krypton mula sa kwarto nito na namamaga pa ang mga mata dahil bagong gising. Parehas kami ni Dhypien na napatingin sa kanya. "Anong oras na? Nakapagsimula na ba kayo sa pwede nating idesign?"
Oo nga pala, 7 am na at paniguradong male-late kami kung ngayon namin balak ayusin ang designs ng unit.
"Dapat simula ngayon ay mag-alarm ka na kagaya ko. Parehas pa naman tayong tulog-mantika dapat ay may panggising o gigising talaga sa atin." Nakahinga ako nang maluwag nang tinaggal na ni Dhypien ang pagkakasakal, ay este pag-akbay sa akin. Hindi kasi ako makahinga nang maayos sa ginawa niyang 'yon. Hindi ko alam kung bakit.
Ngayon ay si Krypton naman ang nilapitan ni Dhypien. Hindi ko alam kung malakas ba pero kita ko ang paghampas nito sa likod ni Krypton. Siraulo talaga 'tong kaibigan kong mahanging lamok. Iniisip niya ba talagang may kasama akong ibang babae at kapag nagkita sila ay mahuhulog sa kanya 'yong babae?

BINABASA MO ANG
Falling Pain
Teen FictionAww Sakit Series 01 He let the falling take over, without even considering the speculation that he's choosing the path of pain. *** •Photo by the rightful owner. •The author is still young and I'm still learning so don't hope and expect too muc...