PAIN 06
HIDDEN
The sky was murky and a thin drizzle was falling.
"Finn, wala kang dalang payong?" Tangkang susugurin ko ang kahabaan ng corridor para sana umalis nang marinig ko ang boses ni Faye.
"Nasa locker. Kukunin ko lang saglit, hintayin mo na lang ako rito." Hindi naman gano'n kalayo ang pwesto ng locker, kaya lang ay nasa kabilang building pa.
"Sasama na lang ako sa 'yo. Ambon lang naman 'yan. At saka hindi rin tayo pwedeng magtagal dahil kailangan mo bumalik pagkatapos natin maglunch. Ipapasa mo pa kay Ma'am Ora 'yong---Grabe naman Finn, dahan-dahan lang oh!" Bigla ko siyang hinila kaya gano'n na lang ang reaksyon niya.
"Sorry..."
"Masyado kang maraming iniisip, Finn. Nakakagulat kinikilos mo. Kanina ka pa ha, pasalamat ka marupok ako, hindi na ako galit." She's heaving a deep sigh.
"Actually Faye, it's you. Your actions are also surprising. And your words are really unexpected." Naalala ko 'yong mga sinabi niya kanina.
At aaminin kong sobrang bigat pa rin. Pero ano bang magagawa ko? Tapos na, hindi na dapat pagtuunan pa ng pansin.
At saka, sinunod niya na rin naman ang sinabi kong hayaan na lang ang babaeng 'yon. What's her name again? I don't know. Basta 'yong Vice President na 'yon.
Binitawan ko na ang pagkakahila sa pulsuhan niya nang marating namin ang locker.
I handed her the umbrella and I gulped when an idea rang into my ears.
"Finn, wala akong payong. Share na lang tayo rito ha?" Hanggang sa narinig ko na lang ang pagsigaw nito nang malakas kahit nakalayo na ako.
I was catching my breath when finally I reached Endlessapid Cafe. I looked at my back and I saw her running while her blue eyes were glaring at me.
Nang tuluyan niya akong nahabulan ay malakas niya akong sinipa sa binti kaya iika-ika akong pumasok sa cafe.
"Sabi ko share tayo sa payong, tapos bigla mo akong tatakbuhan! Siraulo ka talagang lalaki ka! Kanina ka pa nang-iinis!" Inunahan niya aking pumasok at binangga pa nito ang gilid ko kaya napaigik ako.
I have no idea what's happening with this girl. She's been harsh since this morning class.
Baka wala siya sa mood?
I shake my head slightly to release some water that's on my hair. Nabasa dahil sa bahagyang ambon at dahil na rin tinakbuhan ko siya at hindi na nagpayong. I laugh inwardly.
Inilibot ko ang tingin sa cafe, medyo dumarami na rin ang mga estudyante sa loob pero may ilan pa ring bakante dahil sa totoo lang ay maluwag ang cafe na ito at maraming staff ang nag-aasikaso sa bawat customers. Nakita ko siyang nakaupo sa may bandang dulo malapit sa counter at seryosong nakatingin sa menu. Nakakunot pa ang noo nito na tila naiinip.
Seriously, what's with her today?
Nakita kong kausap niya ang waiter nang tuluyan akong nakaupo sa harap niya. Nang ibinaba niya na ang menu ay agad ko siyang tinanong.
"Anong inorder mo? Ako na magbabayad. Papalitan ko na rin 'yong tinakeout mo kagabi na nakalimutan mo dalhin---or I mean kaninang umagang maaga."
Huh?
"I'm sorry, I don't know the term. Hindi pala 'yon kagabi kasi 1:30 am na 'yon."
Gusto kong tumawa dahil sa pinagsasabi ko pero hindi ko magawa kasi hindi ako nito inimik. Kinakalikot niya ang cellphone niya na parang hindi ako nito naririnig.
BINABASA MO ANG
Falling Pain
JugendliteraturAww Sakit Series 01 He let the falling take over, without even considering the speculation that he's choosing the path of pain. *** •Photo by the rightful owner. •The author is still young and I'm still learning so don't hope and expect too muc...
