Pain 13: Rain

259 32 42
                                        

PAIN 13
RAIN

Sumapit ang gabi at tahimik ang buong unit namin. Sa tingin ko ay mahimbing pa rin ang pagtulog ni Dhypien sa kuwarto niya... mabuti kung gano'n nga. Kailangan niya ng pahinga. Samantalang si Krypton naman ay hindi pa umuuwi.

Nagtungo ako sa kusina at kumuha ng tubig na maiinom.

Hindi ko akalaing magkakatotoo ang sinabi ko sa kanya kaninang umaga. Na pagkatapos ko noong isang gabi, ni Dhypien kagabi, ngayong gabi ay siya naman ang wala.

Tingin ko ay doon siya papatulugin ngayon ng Mommy niya dahil miss na miss na siya nito, kahit na pangatlong araw pa lang ngayon na wala siya.

Tahimik lang akong umiinom nang bigla akong mabulunan.

"Shit!"

May naalala ako!

Napatingin ako sa wristwatch ko at nakitang 9 pm na. Sa tagal kong nagsulat at natulala sa kuwarto kanina hindi ko namamalayang lumalalim na ang gabi. Sa puntong ito alam kong napakaraming tumatakbo sa isip ko lalo na ang nangyari kanina kaya maging ang napag-usapan namin ni Faye ay nawala na sa isip ko.

Sinabi ko nga pa lang sasamahan ko siya sa trabaho niya...

Buti na lang naalala ko. Mabilis akong bumalik sa room upang magbihis. Sa pagkatulala ko rin ay nakalimutan kong magbihis kaya hanggang ngayon ay nakauniform pa rin ako.

Nagsuot ako ng brown pants at white plain na black shirt at pinatungan ko ng itim na hoodie dahil malamig ngayon. Lumabas ako ng room at tinungo ang second floor. Hagdan na lang ang ginamit ko dahil biglang pumasok sa isip ko ang tanong ni Faye kanina.

To be honest, I really understand her question. Na bakit hindi na lang maghagdan, eh kung mababa lang naman ang kinalalagyan ng mga unit namin, unlike others. Ilang palapag din kasi itong apartment na ito. Pero third floor lang 'yong sa amin, kay Faye ay second floor na kung tutuusin, kung 'yon man ang pinupunto niya ay tama ngang pwede namang sa hagdan na lang dumaan.

Hindi ko lang nagawang isipin pa kanina dahil ewan ko ba, nakakapagod ring mag-isip. Hindi lang ang pisikal na paggawa ang nakakapagod, kasi kahit wala kang gawin... the fact that you haven't done anything... it's tiring.

"Napapagod ba talaga ang mga walang nagagawa?" I whispered, still in my monotonous state.

Hindi ko mapakiramdaman ang sarili ko ngayon. Halos lahat ng mga nangyari ay parang pumapasok sa isip ko. Naghalo-halo na ang lahat kaya ngayon ay hindi ko alam ang dapat na maramdaman. Na ang isip ko lang ang kaya kong paganahin ngayon.

I feel deprived of any sense. I feel numb. My body was all numb with cold.

Namalayan ko na lang na nakatulala ako habang nakatayo sa pintuan ng room ni Faye. Ni hindi ko nga namalayan na paulit-ulit kong pinipindot ang doorbell hanggang sa nasalubong ko ang asul niyang mga mata.

"Finn... akala ko hindi ka na darating."

Ni hindi ko magawang ngitian siya o tugunan ng kahit anong mga kataga.

Seconds passed by when I saw her raising her eyebrow. She crossed her arms over her chest and she intently narrowed her eyes on me.

"Ano magtititigan na lang ba tayo rito magdamag?" iritang sabi nito. Pero agad itong napalitan ng pagkakakunot ng kanyang noo.

"Halika nga rito... pasok ka muna." Tumingkayad ito para maabot ako. Naramdaman ko ang paghawak nito sa hood ng suot ko at 'yon ang hinila niya para tuluyan akong makapasok sa unit niya.

Para akong walang lakas at kontrol sa sarili ko kaya nagpatianod na lang ako at hinayaan ang gusto niya. Pinaupo ako nito sa isang single sofa habang ito naman ay nakatayo lang sa harap ko na parang sinusuri nito ang itsura ko ngayon.

Falling PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon