Pain 10: Yourself

325 40 48
                                        

PAIN 10
YOURSELF

"Sinong crush mo?"

"What kind of question is that, Faye?" My forehead crinkled.

"What? What's wrong? Hindi ka ba nainform na 'yon usually tinatanong kapag may nagtutruth or dare, gano'n?" Tinaasan ako nito ng kilay.

"But we're not doing truth or dare!" I exclaimed. "Don't ask a random question. Let's do it with a main subject."

"Ahm... O-Okay?" She awkwardly smiled.

I eyed those smiles. Wow, she could also do that in the midst of sorrow.

"I... I wonder if you could tell me more about what happened? Specifically about you and your f-family?" I still tried to ask her that because maybe she's still willing to share it with me.

But if not, I understand. Kasi kung sa akin lang, ayaw ko na sanang pag-usapan pa ang nakaraan.

"Kung gano'n, handa ka rin bang magkwento patungkol sa kanila? Sa sarili mong pamilya?" bawi niya na ikinatahimik ko.

I gulped and bite my lower lip. Sabi ko nga iba na lang.

"Tungkol na lang sa boyfriend mo at ikaw?" Kahit parang may kakaiba sa pakiramdam na 'wag na lang, pero mas nananaig na gusto ko malaman.

Ano klaseng relasyon mayro'n sila? Gaano na sila katagal? Paano sila nagkakilala? Bakit niya siya sinagot? What's something special to him? Is it his green eye? Or there's more to him that's why I also consider him as a great guy?

"That would be unfair. Wala kang jowa 'di ba?"

Damn, what did she just say? I don't see that coming! Bakit ba pagdating sa kanya, hindi ko man lang mahulaan ang mga susunod na sasabihin o gagawin niya?

"Kain na lang pala tayo," pag-iiba ko.

Parang 'wag na lang pala. Kahit ang dami kong gustong malaman tungkol sa kanya, muntik kong makalimutan na kapalit n'on ay malalaman niya rin ang akin.

Kinuha ko ang kutsara at tinidor saka inumpisahang tikman ang inorder niya. It's a big stack of thick pancakes dripping with syrup. Mahilig pa rin talaga 'tong babaeng 'to sa sweet.

"Pwede namang sa susunod na lang 'no?" May klase rin pa kasi mamaya, mas mabuting tapusin na lang muna naming kumain bago tanungin ang isa't isa nang kung ano-ano.

"Scammer ka talaga 'no?" Sumimangot pa ito. "Bakit pa sa susunod, kung pwedeng ngayon na?"

Hindi rin talaga basta-basta ang babaeng 'to. May ipinaglalaban din palagi.


Alright. Mag-iingat na lang ako sa pagsagot.

"Hmm... by the way, buti hindi mo naaddapt ang accent ng mga taga-america kahit doon ka nag-aral?" Bigla na lang pumasok sa isip ko 'yong tanong na 'yon.

Nakita ko itong sumubo rin sa pancake niya, dahan-dahan itong ngumunguya at tulalang nakatingin lang sa pagkain na parang nag-iisip nang malalim.

What's wrong?

"Ahm... tutal 'yan na natanong mo pwede 'yan na topic natin 'no? About school and us? About ourselves." She met my stare, eyes are still. "Pero hindi ko muna sasagutin tanong mo, dahil ako dapat mauuna magtanong."

Falling PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon